Noong panahong bago-bago pa Imang sa lupaing ito ang mga Espanyol, sa isang pook ng bayang Malabon ay may isang dalagang tumutugon sa pangalang Cirila. Kabilang siya sa angkan ng mga Gat kung kaya’t iginagalang at pinagpipitagan ng madla. Ang kanyang ganda, na ayon sa sabry pinilas sa buwan, ay tinambalan pa ng isang kabaitang siyang nagbibinhi sa puso ng kanyang mga kababayan upang pag-ukulan siya ng isang pagmamahal na wala nang makakatulad.
Sa bayang ito ay may isang binath rin naman na ang pangalan ay Carlos na kung tagurian ay Lanubo, dahil sa kanyang mga bisig na matitigas at matitipuno; sIya’y may katapangan at lakas ng loob na kinagugulatan ng Sinumang binata sa mga karatig na bayan ng Malabon.
Si Carlos at si Cirila, na ang palayaw naman ay Ilang, ay magkatipan sa pag-ibig. Ang kanilang pagmamahalan ay walang makakatulad. Hindi nila nakikilala ang lungkot; ang kapighatian ay kanilang hinahamak, ang luha at buntonghininga ay hinahalakhakan lamang nila kung ang mga ito’y sinasambit ng sinumang kakilala na nakababatid ng timyas ng kanilang pagsusuyuan. Ang pag-iibigan ni Ilang at ni Lanubo ay hindi naman lingid sa kanilang mga magulang at ang mga ito naman ay hindi tutol sa pag-iibigan nila.
Isang araw ay dumating sa Malabon at umahon sa dalampasigan ng Navotas ang ilang mga dayuhang Tsinong karaniwan na ring dumarating sa nasabing bayan. Ang Tsinong ito, hindi nalao’y tinubuan ng pag-ibig sa dalaga, ngunit hindi siya nagpahayag ng kanyang niloloob marahil ay sa dahilang alam niya ang ugali ng mga babaeng Pilipina at ang isa pa’y nasisindak siya na baka ito’y mabatid ni Lanubo na isang binatang lubos na kinatatakutan ng lahat ng lalaki sa bayan at sa mga pook na karatig. Sinarili ng Tsino ang gayong pagnanais at naghintay na lamang ng isang mabuting pagkakataon na sa ganang kanya’y siyang lalong pinakamabuting magagawa. Ang katuparan ng pag-iibigan ni Ilang at ni Lanubo ay malapit nang dumating. Sa pagkakasundo ng dalawang panig ay pinagkayarian ng mga magulang nila na ang kasal ay idaos sa pagliliwanag ng buwan. Noon ay gasuklay pa lamang ito at dahil diya’y may panahon pa sila upang magawa ng bawa’t isa ang mga paghahanda sa lahat ng kinakailangan. Sa gayon, si Lanubo ay nagpaalam upang tumungo sa Limay, Bataan, upang makapanghuli ng usa na noong mga panahong yao’y isa sa mabuting handa sa pagsasalo-salo ng magkakaibigan. Apat na matalik na katoto ng binata ang isinama at isang umaga’y sumakay sila sa isang lunday na patungo sa bundok na mausa.
Makadalawang araw ng pagkaalis ni Lanubo, sinamantala ng Tsino ang pagkakataon at nagpahayag ng pag-ibig kay Ilang at naghandog pa ng mga kayamanan, datapwa’t sukat isipin na ang mga paghahandog na ito’y walang masasapit sa isang babae na di lamang sa marunong tumupad sa pangako kundi may isang puso pang malinis at marangaI kaya’t isang kabaliwan lang ang isinasagawa ng Tsino sa pagtatapat ng pag-ibig na tiyak nang walang kasasapitan.
Ang Tsino ay hindi lamang tumanggap nga ng malaking pagkabigo kundi kinapopootan pa ng dalaga sa gayong kapangahasan na sinamantala ang pag-alis ng kanyang minamahal na katipan. Sa pagkapahiya ng Tsino ay minabuti ang umalis sa bayang yaon at huwag nang paabot pa sa pagdating ni Lanubo, ngunit siya namang pagdating ng dalawang pangkat ng mga tulisang Tsino na siyang sinamantala ng nasiphayo upang ang hindi niya nakuha sa mabutihan ay daanin sa masama. Nakipagsabwatan sa kanyang mga kababayan, at isang gabing umuunos ay sinalakay nila ang tahanan ng dalaga at matapos na itali ang mga magulang nito ay kinuha si Ilang at dinala sa isang malayong pook at doon ay pinilit ang babae na mapasang-ayon sa kanilang maitim na nais. Ngunit si Ilang ay hindi napahinuhod ng Tsino gaano mang pananakot at pagbabanta ang kaniyang gawin. Nang inakala na niya na siya ay sapilitarig mapapasakamay ng Tsino ay minabuti na lamang ang mamatay kaysa mawalan ng puri, at sa isang pagkakalingat ng salanggapang na Tsino ay inagaw niya ang sundang nito at sa pag-aagawan nila, sinamang-palad na natarak ang sundang sa tapat ng puso ni ilang na ikinamatay nito noon din.
Nang gabing iyon ay dumating ang pangkat ni Lanubo at nang mabatid ang mga nangyari ay hinanap ang taksil na maygawa ng gayong kalapastanganan, at sa gitna ng dagat na sinisiklot ng malakas na alon ay naghamok ang mga tulisang Tsino at ang pangkat ni Lanubo, at dahil sa nagngangalit na kapootan ng binata at ng kanyang mga kaibigan ay halos walapg iniwang buh4 sa pangkat ng masasamang-loob.
Kinabukasan, ang bangkay ni Ilang na tinatangisan ng mga binata at ng bayang nagmamahal sa dalaga ay inilibing sa tabi ng isang malaking punongkahoy na di namumulaklak. Buhat noon, gabi-gabi sa harap ng puntod ng kaawa-awang si Ilang, sakbibi ng walang kaparis na pagdadalamhati ay lumuluhod si Lanubo at sa buong magdamag ay walang tinatawag kundi ang pangalan ni Ilang. Pagkaraan ng mahabang araw, isang umaga, nagisnan na Irnang ng buong bayan na si Lanubo ay bangkay na ring malamig. Marahil ay upang matapos na ang kanyang pagdadalamhati. Nang inilibing na si Lanubo sa pook ding kinalilibingan ni Ilang, ang kura na isang paring Espanyol na lubhang nakatalos sa mga nangyari ay nagsabi sa kanyang mga kausap ng ganito:
Kaawa-awang binata! Gabi-gabi siya’y walang isinisigaw kundi Ilang. .. Ilang. .. na siyang pangalan ng dalagang sasamahan niya ngayon sa hukay.
Isang araw, pagkaraan ng ilang panahon ng pagkakalibing ni Lanubo sa kinalilibingan ni Ilang, ang mga tao ay ginulat ng mabangong amoy na nagbuhat sa libingan ng magsing-irog at nang pagsadyain ng mga tao ay nagtaka sila nang gayon na l&nang sapagka’t ang punongkahoy sa libingan ng dalawa na matagal na panahong di namumulaklak ay naghandog ngayon ng mga talulot na may bangong kahanga-hanga. Ang bulaklak na yaon ay tinawag na Ilang-ilang bilang paggunita sa dalawang pusong nagpamalas ng lalong dalisay at tapat na pag-ibig.