Ang wika ay instrumento ng tao sa kanyang pakikipagtalastasan sa kapwa. Maraming lingguwista ang nagpapalagay na ang wika ng tao ay dumating sandaang libong taon na ang nakalilipas (W.F. Bolton). Kung totoo man ito o hindi, walang kasulatang ginawa ang tao na makapagpapatunay rito.
Kung pagbabatayan ang pahayag ni Gleason (1965), ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog (sounds) ay hinugisan/binigyan ng mga makabuluhang simbolo (letra) na pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita (words) na gamit sa pagbuo ng mga kaisipan (thoughts). Masasabing masalimuot talaga ang pinagmulan ng wika sa daigdig, tulad ng pinagmulan ng wikang Filipino.
Dito nasasalig ang kaakuhan ng wikang Filipino. Ngunit ano nga ba ang hinaharap ng wikang ito? Paano pa ba ito pauunlarin?
Sa kasalukuyan, maraming paraan ang maaaring gawin upang higit na mapaunlad at mapayabong ang ating wikang pambansa, ang Filipino.
Una, Istandardisasyon ng Wikang Filipino
Sa paglilipat ng oral o pasaiitang wika tungo sa anyong pasulat, natatamo ang unipormidad o kodipikasyon ng wika. Napaliliit ang dami ng pagkakaiba-iba o paglihis sa tuntuning pangwika. Sa gayon, nalilinang ang mga norm o pamantayan ng iba’t ibang component kaya napatatatag ang pagbigkas, bokabularyo, at estruktura ng wika.
Pangalawa, Modernisasyon at Leksikal na Elaborasyon ng Wikang Filipino
Mapabibilis ang modernisasyon ng pambansang wika, at kasabay nito, ang modernisasyon ng ating kultura at buhay. Sa pagbubukas ng Filipino sa bang wika (pagsunod sa prinsipyo ng na binabalanse ng kahigpitan sa pamamagitan ng pagpapanatili sa isa-sa-isang tumbasan ng letra at tunog (pagsunod sa prinsipyo ng simplisidad at ekonomiya), lalawak ang bilang ng mga salitang Filipino. Sa gayon, mapadadali ang pagsasalin sa wikang Filipino at ang pagsasalin ng wikang ito sa iba pang ganap nang debelop na wika sa mundo.
Ikatlo, Pangmadlang Literasi
Ang pagbasa ay nagiging natural at awtomatiko sapagkat malinaw ang isa-sa-isang tumbasan ng tunog at letra sa alpabeto ng wikang Filipino. Gayundin, —lagagamit ang internasyonal na pagkakilala ng mga salita para sa higit na –iataas na antas ng pagbabasa tulad ng iskiming at iskaning. Lalo pang uunlad pangmadlang literasi dahil napadadali ang pagkatutong bumasa at sumulat.