Nakapaloobsa kakayahang pragmatikoang pagkilala sa kagawiang pangkomunikasyon ng mga tagapagsalita ng wikang pinag-aaralan. Sa pamamagitan nito, natatantiya ng isang rnag-aaral ng wika kung ang kaniyang sasabihin ay maaaring maging lubhang tuwiran o napapalooban ng tamang pagkilala at paggalang sa kausap.
Sa pag-aaral sa kultura at komunikasyon na isinagawa ni Maggay (2002), kaniyang binigyang-diin ang pagiging high context ng kulturang Pilipino. Ibig sabihin, mataas ang ating pagbabahaginan ng mga kahubugan kahit sa pamamagitan ng pahiwatig. Mapapansin ito sa kung paano nating itinuturing ang katahimikan o kawalang-kibo bilang malalim na pag-iisip at kung gayon ay lubhang makahulugan.
Dagdag pa niya, ang pahiwatig ang maituturing na pinakalaganap at pinakabuod ng kulturang pangkomunikasyon. Ito ay “isang katutubong pamamaraan ng pagpapahayag na di-tuwirang ipinaaabot ngunit nababatid at nahihiwatigan sa pamamagitan ng matalas na pakikiramdam at matunog na pagbabasa ng mga himaton; o ng mga verbal na palatan-daang kaakibat nito” (p. 25). Maaaring ang pagpapahiwatig ay berbal, di-berbal, o kombi-nasyon nito. Kadalasang ginagawa ito bilang pagsasaalang-alang sa damdamin at dangal ng isang tao.
Narito ang ilang mga salitang kaugnay ng pahiwatig (Maggay 2002):
- Mga salitang di-tuwirang pagtukoy o palihis na pagpapatama o pagpupuntirya:
- pahaging isang mensaheng sinadyang magmintis at ipinaalingawngaw lamang sa paligid.
- padaplis – isang mensaheng sadyang lihis sa layuning matamaan nang bahagya ang kinauukulan nito.
- Mga salitang ang pinatatamaan ng mensahe ay hindi ang kausap kundi ang mga taong nasa paligid at nakaririnig ng usapan:
- parinig – malawakang ginagamit upang maiparating ang naisasaloob, hindi sa kaharap na kausap kundi sa sinomang nakikinig sa paligid.
- pasaring – mga berbal at di-berbal na pagpaparating ng puna, paratang, at iba pang mensaheng nakasasakit sa mga nakaririnig na kunwari ay labas sa usapan.
- Mga salitang kumukuha ng atensiyon sa pamamagitan ng pandama:
- paramdam – isang mensaheng ipinaaabot ng tao, o maging ng espiritu, sa pamamagitan ng mga ekspresyong nararamdaman gays ng pagdadabog, pagbabagsak ng mga kasangkapan, malakas na pagsasara ng pinto, kaluskos, at iba pa.
- papansin – isang mensaheng may layuning humingi ng atensiyon na kadalasang naipahahayag sa pamamagitan ng pagtatampo, pagkabali-dosa sa pananamit at pagkilos, sobra-sobrang pangungulit, at iba pang kalabisang kumukuha ng pansin.
- Mga salitang nagtataglay ng kahulugan na ang dating sa nakaririnig ay napa-tatamaan siya:
- sagasaan – pahayag na lumalagpas sa hangganan sa pakikipag-usap na karaniwang tinututulan ng nakikinig bilang isang paalala na maaaring may masaktan: “Dahan-dahan at baka makasagasa ka.”
- paandaran – mekanismo ng pahiwatig na kadalasang nakapokus at umiikot sa isang paksa na hindi tuwirang maipahayag subalit paulit-ulit na binabanggit tuwing may pagkakataon at kadalasang kinaiinisan ng nakikinig sa pagsasabing, “Huwag mo akong paandaran.”