Ang panimulang pananaliksik ay produkto ng isang proseso ng paghahanap ng mga makatotohanang impormasyon upang mapatunayan ang isang penomenang kultural at panlipunan sa bansa. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagpapatunay (o di pagpapatunay) sa mga teorya o panukala, o mga pamamaraan, o sistema na nais pag-aralan.
Ang isang nagsasagawa ng panimulang pananaliksik ay dumaraan sa isang prosesong mapagsuri, sistematiko o maparaan, organisado, at walang kinikifingan. Kinakailangang masagot ng prosesong ito ang isang katanungan o ipotesis na pinakasentro ng pananaliksik.
Gayundin naman, layunin ng panimulang pananaliksik na makahanap ng posibleng solusyon sa isang problema. Ang mananaliksik ay karaniwang naghahanap ng mga kinakailangang datos at detalye mula sa iba’t ibang mapagkukunan nito upang makakuha ng mga suportang kaalaman na kakailanganin upang masolusyunan ang inilahad na problema.
Samakatwid, tunay na mahalaga ang magkaroon ng ganap na kasanayan sa pagsulat ng simpleng panimulang pananaliksik ang mga mag-aaral na tulad mo upang lubusan kang maihanda sa pagdulog mo sa higit na mataas na antas ng pag-aaral.
Isaalang-alang ang sumusunod na mga pamantayan sa pagsulat ng panimulang pananaliksik.
- Alamin ang mga pangangailangang ibinigay ng guro sa pagbuo ng panimulang pananaliksik. Bahagi nito ang pipiliing paksa, pormat, at estilo ng pananaliksik, deadline, at iba pang kasunduan (oras ng konsultasyon, bilang ng pahina, at iba pa).
- Tiyaking naaprobahan ng iyong guro ang paksang napili.
- Tupdin ang mga iminungkahing hakbang sa pagbuo ng panimulang pananaliksik. Ang pagmamadali o shortcut ay makaaapekto sa kalidad ng isasagawang panimulang pananaliksik.
- Laging kiialanin ang pinagkunan ng mga impormasyon. lto ay maaaring awtor, aklat, o nasa anyong multimedia. lwasan ang plagiansm.
- Itago ang lahat ng mga sangguniang ginamit. Kung ang aklat ay nakuha sa silid-aklatan, ipa-photocopy ang bahagi na pinagkunan ng impormasyon. Sinupin ang mga pinaghanguan sa pamamagitan ng paglalagay sa isang folder o sobre. lto ay mga patunay na ikaw ay sadyang nagsaliksik.
- Tiyakin na ang tentatibong bibliyograpiya ay updated. Itala ang pinakahuling sanggunian na ginamit. Mainam na gumamit ng talahanayan.
- Magkaroon ng maayos na sistema. Lutasin agad ang mga suliranin at alisin ang mga sagabal sa pagbuo ng panimulang pananaliksik.
- Magtakda ng iskedyul o time table.
- Sumangguni sa guro kung may paglilinaw at mga tanong.