Bukod sa mga kuwentong-bayan, masasalamin din ang kultura ng isang bansa sa iba pang anyo ng panitikan tulad ng salawikain, awiting-bayan, at mga alamat. Nagpapatunay lamang ito na ang Pilipinas ay nagtataglay ng napakayamang kultura na sumasagisag sa mga gintong butil ng mga kaisipan na natatak na sa isip ng mga mamamayan.
Basahin ang abstrak ng pananaliksik na isinagawa tungkol naman sa mga kahalagahang pantao at kaugaliang Piiipino na masasalamin sa mga nabanggit na akda.
Abstrak 4
ANG KAHALAGAHANG PANTAO AT KAUGALIANG PILIPINO NA NASASALAMIN SA MGA PILING SALAWIKAIN, KUNDIMAN, AT ALAMAT SA CHABACANO, VISAYA, TAUSUG, SAMAL, AT SUBANO NG REHIYON IX NA ISINAL1N SA WIKANG FILIPINO
– Teresita Ragnos Y. Salita, PhD
Panimula
Sa pamaraang palarawan na pinatibay ng pagsusuri ng pag-aaral, napatunayan ng mananaliksik na ang mga salawikain, kundiman, at alamat ay nagpapakita ng kayamanan ng ating kultura, kaugalian, at kasasalaminan ng lahing Pilipino.
Mga Suliranin
Ang kabuoan ng pag-aaral na ito ay naglalahad ng sumusunod na mga bahagi na tumutugon sa mga suliranin:
- Ano-ano ang mga uri ng panitikang Chabacano, Visaya, Tausug, Samal, at Subano sa rehiyon at alin sa mga ito ang itinuturing na palasak?
- Ano-ano ang paksa ng bawat uri ng sumusunod na panitikan na unti-unti nang nawawala ang kahalagahan sa karaniwang tao:
- Salawikain?
- Kundiman?
- Alamat?
- Ano-ano ang kahalagahang pantao na nakapaloob sa bawat uri ng panitikan sa limang (5) diyalekto ng Rehiyon IX:
- Chabacano?
- Visaya?
- Tausug?
- Samal?
- Subano?
- Alin sa mga uri ng panitikang nabanggit ang nagsasaad ng kahalagahang pantaong may tuon sa:
- pangkaisipan?
- moral?
- espiritwal?
- pakikitungo sa tao?
- Alin sa mga uri ng panitikan ang nagpapakita ng kaugaliang Pilipino sa aspektong:
- pampamilya?
- panlipunan?
- pampamahalaan?
Lagom ng mga Natuklasan
Matapos ang masusing pagsusuri, natuklasan ang sumusunod:
- Mga uri ng panitikang Chabacano, Visaya, Tausug, Samal, at Subano ng Rehiyon IX at kung alin sa mga ito ang itinuturing na palasak Natuklasan ng mananaliksik na napakayaman ng Rehiyon IX sa mga uri ng panitikan. Piniti lamang ang mga palasak na ginagamit ng limang tribo ng Rehiyon IX. Pinagtuonan ng mananaliksik ang mga salawikain, kundiman, at alamat na nasusulat sa kani-kanilang wika at upang maunawaan, ang mga ito ay pinagsumikapan ng mananaliksik na maisalin sa wikang nauunawaan ng lahat.
- Mga paksa ng bawat uri ng sumusunod na panitikan na unti-unti nang nawawala ang kahalagahan sa karaniwang tao
- Salawikain Napatunayan ng mananaliksik na napakalaki ng naitulong ng mga salawikaing ito sa kanilang pamumuhay. Nahubog nila ang kanilang mga anak sa magagandang halimbawa nito. Ginawa nila itong panuntunan upang ang mga anak ay magkaroon ng takot sa paggawa ng masama. Naituro din ang pagmamahal sa magulang, sa kapwa, sa bayan, at sa Panginoong Diyos.
- Kundiman Sa pagsusuri ng mananaliksik, natuklasan na ang mga kundiman ay naglalarawan ng tapat na pag-ibig sa babaeng minamahal. Mga lalaking may paninindigan at may paggalang sa mga babae. Di man masabi ng lalaki o babae ang kanilang damdamin sa pamamagitan ng mga kundiman ay naipababatid naman nila ang kanilang mga saloobin.
- Alamat Napag-alaman ng mananaliksik sa kanyang mga nakapanayam sa limang tribo na noong hindi pa naaabot ng elektrisidad ang kanilang lugar, ang tanging libangan ng kanilang mga anak at apo ay makinig ng kuwento at ito’y ang mga alamat at kuwentong-bayan. Di man ito kapan-paniwala sapagkat mga likhang-isip lamang, malaki naman ang naitulong nito sa mga tao katulad ng paggalang sa kapwa, pagmamahal sa kapamilya, paggalang sa nakatatanda, at proteksiyon sa kalikasan.
- Ang kahalagahang pantao na nakapaloob sa bawat uri ng panitikan sa limang (5) diyalekto ng Rehiyon IX.
Ang mga uri ng panitikan tulad ng salawikain, kundiman, at alamat, ay malaki ang naging bahagi sa kani-kanilang pagkatao dahil ito ang nagtuturo sa kanilang mga sarili upang maging magalang, may pagpapahalaga sa kanilang kapwa, pagmamahal sa Diyos, pagkalinga sa asawa’t anak. paggalang sa magulang, at pagmamahal sa kalikasan.
Napatunayan na sa mga uring ito ng panitikan na marami pa rin ang sumusunod at naniniwaia sa mensaheng ipinamana ng ating mga ninuno. Natuklasan ng mananaliksik na kung itinanim sa isipan ng isang bata ang mabuting kaasalan, hanggang sa pagtanda nito ay dala ang kabutihan.
- Mga uri ng panitikang nabanggit na nagsasaad ng kahalagahang pantao
- Pangkaisipan Ang mga uri ng panitikang nabanggit ay kinakikitaan ng mga kahalagahang pantao. Ang mga pangkaisipang ipinahahayag sa bawat uri ng panitikan ay nagsisilbing tagapagturo sa mga kabataan upang maging mabubuting tao sa kinabukasan.
- Moral Sa mga nilalaman ng bawat uri ng panitikan, Ialo na sa kundiman, ay nakalarawan sa bawat taludtod ng awit ang katapatan ng lalaki at babae sa kanilang minamahal. Paggalang sa karapatang pantao, paggalang sa sarili, sa kapwa, at may pagpapahalagang moral naman ang mensahe ng mga saiawikain. Naglalaman din ito ng mga aral tulad ng: “ang gumawa ng massrla ay hindi magkakamit ng pagpapaia.” Ganoon din ang mga alamat, nakapagtuturo din ito ng kagandahang asal
- Espiritwal Natuklasan ng mananaliksik na ang mga Pilipino ay naniniwala sa mga ganitong kaisipan, tulad nga ng mga uri ng panitikan na nagtuturo sa mga tao ng paggalang sa Panginoon dahil ang pamilyang Pilipino ay pamilyang Kristiyano at mahigpit na mananampalataya ng Islam, naniniwala sila sa mga utos ng simbahan o ng Panginoon at dahil sa mga salawikain ay nangingibabaw pa rin ang kanilang paniniwala sa Panginoon at mga tagubilin nito tulad ng:
Huwag lapastanganin ang iyong ina lalo’t siya’y matanda na.
Tungkulin ng anak na igalang ang kanyang mga magulang at magkaroon ng malasakit sa mga ito habang sila’y nabubuhay pa.
- Pakikitungo sa Tao
Realistikong naipakilala sa mga uri ng panitikang salawikain kung papaano makitungo sa ibang tao tulad ng:
- Pakikitungo sa Tao
Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama nang maluwat.
Gayundin sa mga kundiman at alamat, ang mensahe nito ay malaki ang naidudulot sa pag-uugali ng isang tao upang maging bahagi, tapat sa lahat ng bagay, at walang pag-iimbot sa kapwa.
- Mga uri ng panitikan na nagpapakita ng kaugaliang Pilipino
- Pampamilya Ang mensaheng iniwan ng mga uri ng panitikan ang matibay na nagbubuklod sa bawat tao, sa bawat pamilya. Matibay ang kanilang paniniwala sa mga kaisipang tinataglay nito. Natuklasan ng mananaliksik na ang mga taong may matibay na paniniwala ay matatag, may prinsipyo, at marunong magpahalaga sa kanyang sarili.
- Panhpunan Napag-alaman ng mananaliksik na ang pamilyang Pilipino ay isang maliit na yunit ng lipunan na nabubuklod nang mahigpit sa pamamagitan ng paglinang sa kanilang isipan, nagagawa ng lipunang ito ang maging mabuting mamamayan.
- Pampamahalaan Natuklasan ng mananaliksik na nakatutulong ang mga salawikain, kundiman, at alamat sa pamahalaan, sapagkat sa mga taong gumagawa nang masama, laging may paalala at pagkakaroon ng takot sa Panginoon upang maging tapat sila sa kanilang mga tungkulin na iniatang ng mga mamamayan.
Mga Kongklusyon
Pinagtibay sa pagsusuri sa pag-aaral na ito ang mga uri ng panitikan na naglalarawan ng kahalagahang pantao sa iba’t ibang larangan ng buhay.
- Ang mga
uri ng panitikang Pilipino tulad ng salawikain, kundiman, alamat ng iba’t ibang tribo sa Rehiyon IX ay pinagagalaw ng mga tradisyong nagbubuklod sa mga mamamayan. - Patuloy na nagbabago ang ating lipunan at pamahalaan bunga ng walang humpay na pagbabago ng ating kultura, kaugalian, at pananampalataya.
- Ang kagandahan ng pag-uugali ay taglay ng lahing Pilipino, ngunit dala ng pagbabago ng lipunan, nababago na rin at may kanya-kanya nang panuntunan.
- Ang mga Pilipino ay di lamang pinagbuklod ng matibay na pagsasama-sama ng mga tao, ng mag-anak, ito’y binubuklod ng matibay na paniniwala sa Panginoon.
- Ang tradisyong panrelihiyon ng mga Pilipino ang isa sa pangunahing tagapag-ugnay ng mga tao, ang lipunan ang kumikilala ng karapatan ng magulang sa pagpapalaki ng kanilang anak nang ayon sa itinakda nito.
Ang unang tungkulin ng magulang ay nagmumula sa pagkilala ng mga karapatan ng mga anak kasama ang pagkakaloob ng mga karapatang ito, pagkakaloob ng pangangailangang pisikal, pagdisiplina, pagbibigay ng oportunidad para sa edukasyon at pansariling pag-unlad, pagsasanay na maging mabuting mamamayan at responsableng tao, at ang pagtatanim ng kagandahang asal. Kung mabuti ang itinanim, mabuti rin ang aanihin.
Mga Rekomendasyon
Higit na mapahahalagahan ang mga uri ng panitikan kung isasaalang-alang ang mga rekomendasyong nabuo batay sa mga natuklasan sa isinagawang pag-aaral.
- Nararapat maipasaliksik at maipabasa sa mga mag-aaral sa mataas na paaralan at sa kolehiyo o sa elementarya ang mga uri ng panitikan tulad ng salawikain, kundiman, alamat, at iba pang yaman ng panitikan na nagpapakita ng kahalagahang pantao.
- Sa mga guro sa Filipino. inirerekomenda na maituro at maiagapay sa mga aralin nila sa pang-araw-araw ang mga uri ng panitikan na naglalaman at naglalarawan ng mga kahalagahang pantao, sapagkat kailangang-kailangan ng mga kabataan ang ganitong mga kaalaman.
- Nararapat ding bigyang-diin sa pagtuturo ng mga panitikang panrehiyon, na mayaman at sagana sa kagandahang asal. Bigyan ito ng mga halimbawa upang maitanim sa isip ng mag-aaral ang pagsasagawa ng kabutihan.
- Sa mga mag-aaral, itanim sa isipan ang mga itinuturo ng guro na mahahalagang bagay na pinag-uugnay upang magamit sa pang-araw-araw na buhay at madala hanggang sa kanilang pagtanda.
- Itimo sa isipan ang mga bagay na makapagpapabuti sa mga kabataan.
- Pahalagahan at huwag balewalain ang mga ganitong uri ng panitikan sapagkat dito nakasandig ang ating pinagmulan.
- Sa mga mananaliksik, ipagpatuloy pa ang ganitong pag-aaral, marami pang natatagong yaman ang panitikan na hindi pa natutuklasan upang mabasa at matunghayan ng lahat nang sa gayon, maging halimbawa ang mga ito sa pamilya. sa lipunan, at sa pamahalaan na dapat pamarisan—ang masama ay itakwil at ang mabuti ay pulutin.
Sanggunian: MLQU Research Journal, MLQU School of Graduate Studies 2003-2005