Ang Pagsulat ng Panimulang Pananaliksik

Ang panimulang pananaliksik ay isang uri ng akademikong sulatin na may layuning magpuno ng kaalaman sa nabuong katanungan. Sangkot ang mga abstraktong gawain, kritikal na pamamaraan, at lubos na pag-iisip. Ang gawaing ito ang nagtutulak upang mailantad ang mga mag-aaral sa mga pag-aaral na ginawa ng mga bihasa at maihambing ang sariling kaisipan mula sa mga naitaguyod na mga kaalaman at makabuo ng sariling ideya para makapaghanda ng sariling pananaliksik.

Mga Hakbang sa Pananaliksik

Narito ang mga hakbang na dapat mong sundin sa pagsulat ng panimulang pananaliksik.

Una: Pumili at Maglimita ng Paksa

Ang una mong dapat na pinag-uukulan ng panahon bilang isang nagsisimula sa pananaliksik ay ang pagpapasiya kung ano ang paksang iyong sasaliksikin at kung hanggang saan ang magiging sakop nito. Kung ang paksa at limitasyon ng iyong gagawing pananaliksik ay hindi malinaw para sa iyo, lalabas na mahina at magulo ang iyong sulatin. Mahalagang sundin ang mga hakbang na ito:

  1. Pumili ng isang paksang kawili-wili at kapaki-pakinabang upang magkaroon ng saysay ang kalalabasan nito. Mainam kung napapanahon upang maging makabuluhan para sa nakararami at upang maihanay ang mga kaisipan nang maayos, malinaw, at makatwiran.
  2. Maghanda ng sapat na sangguniang babasahin sa napiling paksa sapagkat kailangang mapalawak ang mga kaalaman ng paksang tatalakayin. lwasan ang mga paksang walang sapat na katibayan, sa halip, ang piliin ay iiyong mga nalimbag na sa iba’t ibang babasahin sa gayon ay magkaroon ng batayan at tuntungang impormasyon ang gagawing pagtalakay.
  3. Pumili ng paksang hindi magiging malawak at masaklaw. Kung ang sulatin ay pahihintulutang gumamit ng 5,000 salita lamang at ang paksang napili ay “Epekto ng Edukasyon sa Lipunang Pilipino” malaking suliranin ito sa mananaliksik. Subalit kung Iiiimitahan at hahatiin sa maliit na bahagi ang paksa ay magiging malinaw. Halimbawa, sa halip na epekto ng edukasyon sa kabuoan, higit na mainam kung limitado tulad ng “Epekto ng Edukasyong K to 12 sa Unang Baitang ng Pag-aaral.”
  4. Pumili ng paksang maaaring bigyan ng kongklusyon o pasiya upang sa ganoon ay maipakita ng sumulat na siya ay makapagbibigay ng kuro-kuro matapos ang masusing pagsusuri sa mga ebidensiya o katibayan. Nakatutulong ang pagsasaalang-alang sa sumusunod na mga aspekto sa paghahanda sa unang hakbang ng panimulang pananaliksik. Ang sumusunod ay ayon sa aklat nina Alejo, et al. (2005):
    • Panahon—Dapat na maging malinaw sa mananaliksik ang saklaw ng panahon ng pag-aaral sa paksang napili. Isaisip na ito’y matatapos sa loob ng isang semestre. Humingi ng payo sa guro o tagapayo kung nahihirapang limitahan ang paksa.
    • Edad—Isaalang-alang kung ano ang edad ng populasyon o tagatugon na gagamitin sa paksang pag-aaralan upang magkaroon ng direksiyon at maging obhetibo ang resulta ng pananaliksik.
    • Kasarian—Mahalaga ito dahil nakaaapekto sa resulta ng pananaliksik ang kasarian ng tagatugon kaya kailangang matiyak ang mga kasarian ng populasyong gagamitin sa isasagawang pag-aaral.
    • Pangkat na kinabibilangan—Tukuyin ang pangkat na kinabibilangan ng iyong populasyon—kung sila ba ay estudyante, propesyonal, bata, matanda, walang hanapbuhay, may hanapbuhay, at ang kalagayang ekonomiko ng mga taong pagtutuonan ng pansin sa pag-aaral.
    • Anyo o uri—Kung pananaliksik pampanitikan, kailangang tukuyin ang uri o genre ng susuriin sa pag-aaral, maaari itong sanaysay, tula, dula, at iba pa. Para sa pananaliksik sa ibang disiplina, maaaring ito ang kalagayang panlipunan, estruktura, at iba pa.
    • Perspektiba—Ito ay tumutukoy sa ibang pagtingin o pananaw sa paksang pag-aaralan. Tinitiyak dito kung hanggang saan lamang ang punto o perspektiba ng pag-aaral na gagawin.
    • Lugar—Binabanggit din ang lugar o pook na napiling gamitin sa pananaliksik. Halimbawa, maaaring pag-aralan ang partikular na kultura ng isang pook. Dapat puntahan ang lugar na gagamitin sa pag-aaral upang magmasid at mapatunayan ang konsepto o teoryang pinag-aaralan.

Pangalawa: Magsagawa ng Pansamantalang Balangkas

Pagkatapos matiyak ang paksang tatalakayin, kailangang linawin at planuhing mabuti kung aling bahagi ang bibigyan ng diin sa pananaliksik nang sa ganoon ay magkaroon ng direksiyon ang pagbabasa patungo sa pagsulat. Matapos ito, maaari nang maghanda ng pansamantalang balangkas.

Makatutulong ang sumusunod sa pagsasagawa ng pansamantalang balangkas.

  1. Ilahad sa isang pahayag o pangungusap ang nais pag-aralan hinggil sa paksa.
  2. Ilahad ang layunin ng pananaliksik.
  3. Itala o ilista ang mga tanong ukol sa paksa.
  4. Pangatwiranan ang importansiya ng paksa.

Malaki ang maitutulong ng isinagawang pansamantalang balangkas upang maging madali ang pananaliksik sapagkat may direksiyon kang sinusunod. Mainam kung sa pananaliksik ay makatagpo ka ng higit na makabuluhan at makatutulong na mga detalye o impormasyon sa paglilinaw ng suiatin, ang ginawang pansamantalang balangkas ay muling ayusin.

Dalawa ang karaniwang pormat na maaari mong gamitin dito: balangkas sa paksa at balangkas sa pangungusap.

Ang balangkas sa paksa ay gumagamit ng mga salita o kataga samantalang ang balangkas sa pangungusap ay binubuo ng mga pangungusap. Bilang karagdagan, ang balangkas sa paksa ay maaaring magsilbing talaan ng nilalaman.

Pangatlo: Magtala ng mga Sanggunian o Bibliyograpiya

Sa paghahanda ng mga sanggunian o mga batayan ng ideya sa pananaliksik, ang silid-aklatan ay pinakamabuting lugar upang pagsaliksikan. Dito matatagpuan ang lahat ng uri ng babasahing kailangan sa pagbibigay ng impormasyon at sa paghahanda ng sanggunian tulad ng mga aklat, iba’t ibang uri ng magasin, pahayagan, pamplet, manuskrito, artikulo, at Internet. Mabuting itala mo ang lahat ng sangguniang may kaugnayan sa paksa. Huwag takdaan ang bilang ng magiging sanggunian sapagkat higit na mabuti kung marami ang sangguniang tiyak na magbibigay ng sapat na impormayon at datos kaugnay ng paksa ng pag-aaral.

Pang-apat: Mangalap ng Datos

Sa pangangalap ng mga tala o datos, kailangang magamit ang mga dating kaalaman sa pagbasa. Hindi kailangang kuhanin o kopyahin ang kompletong laman ng binasang teksto kundi ang mahahalagang ideya lamang na nabanggit sa binabasa at makatutulong sa pagsasagawa ng , sulatin. Itala ang mga impormasyong mahalaga sa pananaliksik. Malaki ang maitutulong ng mga ito sa binubuong sulatin.

Makatutulong din ang paggamit ng mga index card upang maging maayos ang gagawing pagtatala. Isulat sa index card ang mga kaisipan o impormasyong kailangan sa pagtalakay sa sulating pananaliksik. Tandaan lamang na huwag kalilimutang itala kung saang aklat hinango ang nasabing itinalang mga impormasyon at kung sino ang may-akda nito. Kung sa lnternet naman humahanap ng mga datos, maaaring i-save sa flashdrive ang mga nakuha. Tandaang ang mga hinangong datos ay dapat ipahayag sa sariling paraan ng mananaliksik. Hindi ito dapat i-copy paste lamang at ariing sa kanya nagmula ang mga pahayag. 

Sa pagsunod sa mga ito, hindi na mahihirapan sa dokumentasyon. Matapos ang mga pangangaiap ng tala o impormasyon, napakahalaga ang maingat na pagsusuri ng mga ito. Suriing mabuti kung alin-alin at ano-ano ang pinakaepektibo at pinakamakabuluhang mga talang isasama at paghahanguan ng mga ideya para sa sulating pananaliksik na inihahanda. Ang mga talang ito ang gagabay sa pagbuo ng mga ideya sa paglaiahad ng nasabing pananaliksik.

May dalawang uri ng mapaghahanguan ng mga datos na magagamit sa pananaliksik. Ang sumusunod ay:

  • Pangunahing Datos—Ang mga datos na matatagpuan dito ay nagmumula sa tuwirang pinanggagalingan ng impormasyon na maaaring indibidwal na tao, iha’t ibang organisasyGn, pribado man o pampubliko. Magagamit din sa bahaging ito ang mga sulat, talaarawan, talumpati, akdang pampanitikan, taiambuhay, dokumento. batas, kontrata, at lahat ng uri ng onhinal na talaan.
  • Sekundaryang Datos—Tumutukoy ito sa mga datos na kinalap mula sa mga aklat, diksiyonaryo, encyclopedia. almanac. tesis, disertasyon, manuskrito, at mga artikulong mababasa sa mga pahayagan at magasin.

Panlima: Bumuo ng Burador ng Panimulang Papel

Pagkatapos makasiguro sa paksang pag-aaralan o magiging paksa ng isasagawang pananaliksik, maaari nang pagpasiyahan ang paraan o estiiong gagamitin. Ang paraang gagawin sa pagbuo ng saliksik hanggang sa inaakalang resulta ng pananaliksik ay kailangang isaalang-alang.

Kaakibat ng panimulang hakbang na ito ang pagbuo ng framework na magsisilbing estruktura ng daloy ng pananaliksik upang mabigyang-linaw at kabuluhan ang paksa.

May mga elementong bumubuo ng panimulang papel:

  • Saligang Katwiran—Tumatalakay ito sa pagpapaliwanag tungkol sa paksa at kung bakit ito’y napagtuonan ng pansin na gawing sentro ng pag-aaral. Dito’y sinasagot ang mga tanong na ano at bakit tungkol sa paksa.
  • Layunin—lnilalahad dito ang kaukulang mga tanong na nagsisilbing suliranin ng pag-aaral. Ang layuning ito’y maaaring inilalahad sa anyong patanong.
  • Metodolohiya—Dito ipinaaalam ang paraang gagamitin sa kabuoan ng tala. Mababatid din dito ang mga taong tutugon sa gawaing pananaliksik na magsisilbing hanguan ng impormasyon o mga datos na bubuo sa pananaliksik.

Pang-anim: Gumamit ng Dokumentasyon

Pinakamahalagang bahagi ng pagsasagawa ng panimulang pananaliksik ang paghahanda ng talaan ng lahat ng mga ginamit na sanggunian at iba pang mahalagang dotalye. Ito ang dokumentasyon. Pagkatapos na mabuo ang konseptong papel, kailangang harapin ang masinop “na pagsasaayos ng dokumentasyon.” Ang pananaliksik ay batay lamang sa mga gawa o ideya ng iba, kaya’t nararapat lamang na bigyan ng angkop na pagpapahalaga ang nararapat. Anumang siniping mga pananalita ng may-akda na nakalap bilang mga talang gagamitin sa sulatin ay kailangan ang pangalan ng awtor at taon ng pagkakalahad. Kung hindi ito magagawa, maituturing itong “pagnanakaw,” ang ninakaw ay ang ideya ng nasabing may-akda at ito ay itinuturing na seryosong krimen sa larangan ng pagsusulat.

Bakit nga ba kailangan natin ang dokumentasyon sa pananaliksik? Bukod sa mga nabanggit sa itaas, narito pa ang ibang gamit ng dokumentasyon ayon kina Alejo, et al. (2005):

  • Pagkilala sa pinagkunan ng datos o impormasyon. Lahat ng datos, ideya, at impormasyong hinalaw sa iba at ginamit sa pananaliksik ay nangangailangan ng dokumentasyon. Subalit kung ang datos o impormasyon ay karaniwang kaalaman na o bahagi ng pampublikong kaalaman, hindi na ito nangangailangan ng dokumentasyon. Ngunit kung may pagdududa, sundin ang pinakaligtas na payo at gumamit na rin ng dokumentasyon. Sa kaso ng dokumentasyon, mas madaling lumabis kaysa magkulang. Sa pamamamagitan ng ganitong pag-iingat, hindi lamang nabibigyang-pagkilala ang pinagmulan kundi nabibigyan din ng proteksiyon ang mananaliksik.
  • Paglalatag sa katotohanan ng ebidensiya. Ang pagbanggit sa mga impormasyong bibliyograpikal sa punto-de-bista ng mambabasa ay nakatutuiong nang malaki para tiyakin ang katotohahan ng mga datos at impormasyong nasa pananaliksik. Kung may pagdududa sa panig ng mambabasa tungkol sa mga datos, maaaring tingnan ang orihinal na sanggunian para sa beripikasyon.
  • Pagbibigay ng cross-reference sa loob ng papel. Tinutukoy nito ang pagbanggit sa kaugnay na impormasyong makikita sa ibang bahagi ng papel. Ito ay upang maiwasan ang pag-uulit ng ideya o impormasyong nabanggit na nasa ibang bahagi ng papel at mas madaling mapag-uugnay-ugnay ng mambabasa ang ibait ibang bahagi ng pananaliksik.
  • Pagpapalawig ng ideya. Ang dokumentasyong iniuukol sa pagpapaiawig ng ideya, ay karaniwang tinatawag na talang pangnilalaman o confent notes, o talang impormasyonal o fnformational notes. Ginagamit ito kapag may nais talakayin na hindi naman kailangang isama pa sa mismong teksto. Kabilang na rito ang pagbibigay ng depinisyon,dagdag na impormasyon, pagtutugma ng magkakasalungat na ideya, at iba pa. Timbanging mabuti ang halaga ng ipapasok na ideya sa kabuoan ng pananaliksik. Kung mahaiaga, isama sa loob ng teksto at kung dagdag o pantulong na ideya lamang, suriin kung sa tala na lamang dapat banggitin. 

Mga Gabay sa Pagsulat ng Panimulang Pananaliksik

  1. Pag-isipang mabuti ang mga ideya o konsepto na kailangang isama sa sulating pananaliksik.
  2. Balikan at basahing muli ang nilalaman ng sulating pananaliksik para matiyak na tama ang mga impormasyong nakapaloob dto.
  3. Pagtuonan ng pansin ang pormat ng sulating pananaliksik. Ayusin at baguhin ang pormat kung inaakalang hindi ito nasunod.
  4. Suriin ang mga ginamit na pangungusap kung inaakalang hindi ito gaanong maayos gayundin ang mga bantas nito.
  5. Bilang panghuli, basahing mabuti ang buong sulating pananaliksik at gumawa ng pagwawasto sa mga kamalian pang makikita.
  6. Gumawa ng bibliyograpiya sa mga ginamit na sanggunian sa pagbuo ng sulating pananaliksik.
  7. Ipalimbag ang sulating pananaliksik at iharap ito sa iyong guro o tagapayo.
  8. Pagkatapos mong matutuhan ang mga hakbang sa pananaliksik, makatutulong sa iyo ang pag-alam sa pangkalahatang bahagi ng pananaliksik upang mabigyan ng lagom o pananaw ang gagawin mong pananaliksik.

Nilalaman ng Bawat Bahagi ng Pamanahong Papel/Panimulang Pananaliksik

1. Ang Pahina ng Pamagat

Dito nakatala ang pamagat ng pamanahong papel, pangalan ng mga mananaliksik, kanilang affiliation (anong unibersidad at kolehiyo), ang gurong tagapatnubay, ang kanyang affiliation, at ang petsa ng pagpasa.

2. Abstrak

Ito ang pinakabuod ng pag-aaral na nakapaloob sa isang talata. Kasama rito ang layunin ng pag-aaral, pamamaraan o metodo, mga pangunahing resulta ng pag-aaral, at kongklusyon.

3. Panimula/Introduksiyon

Sa panimula inilalagay ng mananaliksik ang kanyang intensiyon kung bakit binuo ang papel at kalakip nito ang batayang teoretiko. Ang batayang teoretiko ay isang sistema o modelo na sinusunod ng manunulat upang panindigan ang kanyang pananaliksik. Ito ay maaaring mula sa mga pag-aaral ng isang eksperto o mga praktikal na aplikasyon. Kasama pa rin sa panimula ang maikling paliwanag sa disenyo ng pag-aaral.

4. Mga Kagamitan at Pamamaraan

Sa bahaging ito dinodokumento ang espesyal na kagamitang ginamit at mga hakbangin sa pagkuha ng datos. Halimbawa, sa isang eksperimento sa laboratoryo, ilalahad sa bahaging ito ang mga solution at reagent na ginamit. Sa pagdodokumento ng pangyayari, maaaring may isang hidden at specialized camera. Ang pamamaraan naman ay maaaring pakikipanayam, pagpapasagot ng sarbey o tseklist, obserbasyon, imersiyon, pakikihalubilo, at marami pang iba. Hinihiling na maging maikli, tuwiran, at kompleto ang paglalahad at iwasan na maging detalyado sa maliliit na mga gawain.

5. Resulta ng Pag-aaral

Dito iniuulat ang mga datos na nakalap sa tulong ng mga bilang, talahanayan, tsart, dayagram, larawan, at grap. Hinihiling na ipresenta ang mga dokumento sa pinaka-epektibong paraan. Kalakip ng mga pantulong na grapiko ang pamagat at maikling deskripsiyon tungkol dito.

6. Pagtalakay

Sa bahaging ito inilalagay ang iyong interpretasyon o pagpapakahulugan sa mga datos na nakolekta. Inaasahan na malinaw at malalim ang pagtalakay rito. Kung ang resulta ng pag-aaral ay taliwas sa inaasahan, magbigay ng mga katanggap-tanggap na dahilan. Kung ito naman ay pabor, suportahan ng iba pang pag-aaral o ebidensiya na magpapatibay sa kinalabasan ng inyong pananaliksik. Kailangang mahusay at matibay ang pagkakagawa ng bahaging ito sapagkat dito ibabatay ang bubuoing kongklusyon.

7. Kongklusyon

Ang kongklusyon ay ang iyong matibay na pagpapasiya at pagpapalagay sa kinahantungan ng iyong pag-aaral. Iniiwasan dito ang purong opinyon at intuwisyon. Ang nabuong kongklusyon ay maingat na binuo, batay na rin sa mga nakalap at inayos na datos at impormasyon. Dapat ang kongklusyon ay rasonable at mapangangatwiranan. Ang iyong munting pag-aaral ay hindi makasasakop sa kabuoan o laging totoo sa ilan at iba pang pagkakataon kung kaya’t iwasan ang pagbibigay ng paglalahat o generalization.

8. Mga ginamit na sanggunian

Sa bahaging ito itinatala ang lahat ng mga babasahin, gaya ng aklat, dyornal, pahayagan, magasin, at nalathalang pag-aaral. Kasama pa rin ang mga sanggunian mula sa Internet at mga dokumentadong artikulo na nasa anyong multimedia, gaya ng video, slides, at audialvisual tapes o cd. Ang pag-aayos ng mga sanggunian sa bibliyograpiya ay paalpabeto gamit ang pangalan ng awtor. Kung gumamit ng maraming dyornal, maaaring ayusin ang mga ito batay sa pinaka-napapanahong isyu pa-tungo sa luma. lwasang gumamit ng di nalathalang teksto gaya ng handout mula sa guro o tala mula sa lektyur, gayundin ang pinakalumang sanggunian. Sa pananaliksik, naaangkop lamang ang mga sanggunian na nakapaloob sa hinaharap hanggang sa sampung taong lumipas. Maging maingat naman sa pagpili ng mga web site. Humanap na mga angkop na web site na binuo ng mga eksperto at kapani-paniwalang institusyon sa larangan ng sinasaliksik.