Sa nakalipas na post, nalaman natidna ang isang tekstong nangungumbinsi ng mambabasa na tanggapin ang punto ng may-akda ay tinatawag na tekstong persuweysib. Subhetibo ang tono ng isang tekstong persuweysib sapagkat nakabatay ito sa damdamin at opinyon ng manunulat. Sa araling ito ay tatalakayin natin ang tekstong argumentatibo na naglalayon ding kumbinsihin ang mambabasa ngunit hindi lamang ito nakabatay sa opinyon o damdamin ng manunulat, batay ito sa datos o impormasyong inilatag ng manunulat. Sa tatlong paraan ng pangungumbinsi—ethos, pathos, at logos, ginagamit ng tekstong argumentatibo ang logos. Upang makumbinsi ang mambabasa, inilalahad ng may-akda ang mga argumento, katwiran, at ebidensiyang nagpapatibay ng kanyang posisyon o punto.
Hindi nagkakalayo ang tekstong argumentatibo at persuweysib, kapwa ito nangungumbinsi o nanghihikayat. Gayumpaman, may pagkakaiba rin ang mga ito. Suriin ang talahanayan sa ibaba:
Isiping ang pagsulat ng isang tekstong argumentatibo ay parang pakikipagdebate nang pasulat na bagama’t may isang panig na pinatutunayan at nais panindigan ay inilalatag pa rin ang mga katwiran at ebidensiya ng kabil ang panig.
Hakbang sa Pagsulat ng Tekstong Argumentatibo
- Pumili ng paksang isusulat na angkop para sa tekstong argumentatibo. Halimbawa: Ang pagpapatupad ng K to 12 Kurikulum
- Itanong sa sarili kung ano ang panig na nais mong panindigan at ano ang mga dahilan mo sa pagpanig dito.
- Mangalap ng ebidensiya. Ito ay ang mga impormasyon o datos na susuporta sa iyong posisyon.
- Gumawa ng borador (draft).
- Unang talata: Panimula
- Ikalawang talata: Kaligiran o ang kondisyon o sitwasyong nagbibigay-daan sa paksa.
- Ikatlong talata: Ebidensiyang susuporta sa posisyon. Maaaring magdagdag ng talata kung mas.maraming ebidensiya.
- Ikaapat na talata: Counterargument. Asahan mong may ibang mambabasang hindi sasang-ayon sa iyong argumento kaya ilahad dito ang iyong mga lohikal na dahilan kung bakit ito ang iyong posisyon.
- Ikalimang talata: Unang kongklusyon na lalagom sa iyong isinulat
- Ikaanim na talata: Ikalawang kongklusyon na sasagot sa tanong na “E ano ngayon kung ‘yan ang iyong posisyon?”
- Isulat na ang draft o borador ng iyong tekstong argumentatibo.
- Basahing muli ang isinulat upang maiwasto ang mga pagkakamali sa gamit ng wika at mekaniks.
- Muling isulat ang iyong teksto taglay ang anumang pagwawasto. Ito ang magiging pinal na kopya.
Halimbawa ng Tekstong Persuweysib at mga Tekstong Argumentatibo
Mababasa sa ibaba ang halimbawa ng tekstong persuweysib at ng tekstong argumentatibo. Mapapansing bagama’t magkapareho ang pamagat ay nagkakaiba ang paraan ng pangungumbinsi o panghihikayat ng bawat isa. Suriin kung ano-anong katangian ang lumutang sa bawat isa.
Tekstong Persuweysib
Paggamit ng mga hayop sa pananaliksik
Ang paggamit ng hayop van subukan ang mga bagong gamot ay lubos ina nakatulong sa modernisasyon ng gamot. Mangilan-ngilan na lamang ang nagkakaroon ng polio ngayon dahil sa bakunang sinubukan sa mga hayop. Ang pagsulong ng antibiotics, insulin, at iba pang gamot ay naisakatuparan sa tulong ng mga pananaliksik gamit ang mga hayop. Nararapat lamang na ipagpatuloy na paggamit nito dahil walang malaki ang naitutulong nila sa pagsulong ng industriya ng gamot.
Kung iisipin natin, hindi hamak na matipid ang paggamit sa mga hayop sa mga eksperimento upang makatuklas ng mga tamang gamot sa mga sakit. Maraming laboratoryo ang gumagamit ng daga upang sa kanila subukan ang mga tinutuklas na gamot. Hindi rin gaanong kamahal ang magparami ng daga upang magamit sa kanilang pananaliksik. Tunay nga namang naisasalba ng mga hayop na ito ang buhay ng maraming tao.
May 99 na porsiyento ng mga doktor ang sumasang-ayon sa pagsubok ng mga gamot sa mga hayop imbes na sa tao. Hindi nila lubos maisip kung ilang tao ang magbubuwis ng buhay upang malaman kung epektibo ba ang isang gamot.
Hindi natin matatawaran ang napakalaking tulong ng mga hayop sa pananaliksik ng mga modernong gamot na tutulong sa pagsagip sa mga tao. Ang tungkulin natin ay pangalagaan ang mga ito at siguruhing sulit ang kanilang sakripisyo para sa ikabubuti ng sangkatauhan.
Tekstong Argumentatibo
Paggamit ng mga hayop sa pananaliksik
Ang paggamit ng hayop upang subukan ang mga bagong gamot ay lubos na nakatulong sa modernisasyon ng gamot. Mangilan-ngilan na lamang ang nagkakaroon ng polio ngayon dahil sa bakunang sinubukan sa mga hayop. Ang pagsulong ng antibiotics, insulin, at iba pang gamot ay naisakatuparan sa tulong ng mga pananaliksik gamit ang mga hayop. Sa kabila ng maraming kabutihang naidulot ng paggamit ng hayop sa mga ganitong klaseng pananaliksik, marami pa ring naniniwalang hindi tama ang paggamit sa mga ito.
Kung iisipin natin, hindi hamak na matipid ang paggamit sa mga hayop sa mga eksperimento upang makatuklas ng mga tamang gamot sa mga sakit. Maraming laboratoryo ang gumagamit ng daga upang sa kanila subukan ang mga tinutuklas na gamot. Hindi rin ganoon kamahal ang magparami ng daga upang magamit sa kanilang pananaliksik. Ngunit marami ang pumipigil sa ganitong gawain dahil hindi raw ito makatarungan para sa mga hayop. Sila raw ay mga nilalang na may buhay na dapat igalang, isa raw itong pagmamalupit sa mga hayop. Subalit hindi ba hamak | na mas malupit kung ang gagamitin sa pananaliksik ay mga bata? At hindi ba’t isang kalupitan din kung hahayaan nating mamatay na lamang ang maraming tao dahil hindi nalunasan ang kanilang sakit?
Sinasabi ring mayroon na tayong sapat na mga gamot na maaaring gamitin para mabigyang-lunas ang – maysakit, subalit taon-taon ay naglalabasan ang iba’t ibang uri ng mga nakamamatay na sakit. Kailangang ipagpatuloy ang pagtuklas ng mga gamot.
Hindi malubos maisip ng mga doktor kung ilang tao ang magbubuwis ng buhay upang malaman kung epektibo ba ang isang gamot. Tunay nga namang nakadudurog ng puso kung mamamatay ang maraming tao.