More

    Ang Tekstong Persuweysib (Persuasive)

    Layunin ng isang tekstong persuweysib ang manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto. Isinusulat ang tekstong persuweysib upang mabago ang takbo ng isip ng mambabasa at makumbinsi na ang punto ng manunulat, at hindi sa iba, ang siyang tama. Hinihikayat din nito ang mambabasang tanggapin ang posisyong pinaniniwalaan o ineendorso ng teksto. 

    Ang tekstong persuweysib ay may subhetibong tono sapagkat malayang ipinahahayag ng manunulat ang kanyang paniniwala at pagkiling tungkol sa isang isyung may ilang panig. Taglay nito ang personal na opinyon at paniniwala ng may-akda.

    Ang ganitong uri ng teksto ay ginagamit sa mga iskrip para sa patalastas, propaganda para sa eleksiyon, at pagrerekrut para sa isang samahan o networking. 

    Inilarawan ng Griyegong pilosopo na si Aristotle ang tatlong paraan ng panghihikayat o pangungumbinsi. Ito ay ang sumusunod:

    1. Ethos

    Ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng isang manunulat. Dapat makumbinsi ng isang manunulat ang mambabasa na siya ay may malawak na kaalaman at karanasan tungkol sa kanyang isinusulat, kung hindi ay baka hindi sila mahikayat na maniwala rito. Halimbawa, ang isang taong nanghihikayat ng mga turista upang bisitahin ang isang isla sa Pilipinas gayong hindi pa siya nakapupunta rito ay maaaring maging kaduda-duda. Gayunman, may iba pang paraan upang magkaroon ng kredibilidad. Ang estilo ng pagsulat ay mahalaga upang magkaroon ng kredibilidad.

    Dapat na maisulat nang malinaw at wasto ang teksto upang lumabas na hitik sa kaalajnan at mahusay ang sumusulat. Ang paraan ng pagsisipi ng sanggunian ay maaaring makatulong sa pagpapatibay ng kredibilidad. Kailangang mapatunayan sa mga mambabasa na ang mga datos at impormasyon ay wasto at napapanahon upang makumbinsi na ang isinulat ay tama at mapagkakatiwalaan.

    2. Pathos

    Tumutukoy ito sa gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang mambabasa. Ayon kay Aristotle, karamihan sa mga mambabasa ay madal ing madala ng kanilang emosyon..Ang paggamit ng pagpapahalaga at paniniwala ng mambabasa ay isang epektibong paraan upang makumbinsi Halimbawa, ang pagsasalaysay ng isang kuwentong makaaantig ng galit o awa ay isang mabisang paraan upang mahikayat silang pumanig sa manunulat.

    3. Logos

    Ito ay tumutukoy sa gamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa. Kailangang mapatunayan ng manunulat sa mga mambabasa na batay sa mga impormasyon at datos na kanyang inilatag ang kanyang pananaw o punto ang siyang dapat paniwalaan. Gayunman, isa sa mga madalas na pagkakamali ng mga manunulat ang paggamit ng ad hominem .fallacy, kung saan ang manunulat ay sumasalungat sa personalidad ng katunggali at hindi sa pinaniniwalaan nito.

    Kailangang tandaan na sa paggamit ng mga paraang ito dapat isaalang-alang kung sino o anong uri ang mga mambabasa. Halimbawa, kung ang babasa ng teksto ay mga taong may hawak na mataas na posisyon o mga negosyante, makabubuting gumamit ng may kredibilidad at mga wastong impormasyon at datos upang sila ay makumbinsi, habang mayroon namang mga mambabasa na nahihikayat kung gagamitan ng apela sa emosyon. Maaari ding gamitin ang lahat ng paraan o kung mayroon pang naiisip na ibang paraan na magiging epektibo sa uri ng inaasahan mong mambabasa.

    Ilang Tekstong Persuweysib na Bahagi ng Iba Pang Teksto

    Filipino, ang Pambansang Wikang Dapat pang Ipaglaban
    ni Antonio Contreras
    (bahagi lamang)

    Dahil dito, hindi dapat kinatatakutan ng mga aktibistang rehiyonalista ang Filipino na siya raw bubura at lulusaw sa kanilang mga identidad. Ang pangambang ito ay isang hungkag na pangamba.

    Mabubura ffimang ang kaakuhan kung ito ay hahayaan. At hindi nangangahulugan na dahil ginagamit mo ang isang wika ay mawawala na ang iyong pagkatao. Kung may malay ka dito, at may kontrol ka dito, hindi ito mabubura. Ito dapat ang pinagkakaabalahan ng mga aktibistang rehiyonalista, ang pagyamanin ang kani-kanilang mga wika, kultura, at kamalayan, kasabay ng pagtangkilik sa pagpalaganap ng isang wikang pambansang sa ngayon ay maaaring ang dominanteng hulmahan ay ang Tagalog, subalit bulds sa pagpasok ng iba pang mga wika upang ito ay mapagyaman at mapayabong.

    At ito rin ang dahilan kung bakit dapat patuloy na ipagtanggol ang Wikang Filipino, at panatilihing buhay ang kamalayang iugnay ito sa ating paghubog ng ating mga iba’t ibang identidad. Ito lknang ang sisiguro na hindi malulusaw ang wika ng mga Pilipino sa mukha ng talamak na pagtangkilik sa Ingles.

    Dapat pa ngang makipagtulungan ang mga aktibistang rehiyonalista sa labang ito, dahil sa iisang panig lang lahat tayo. Malinaw na kapag mawalan ng lugar ang wikang Filipino sa pagbubuo ng kamalayang pambansa, mawawalan din ng lugar ang mga wikang rehiyonal na makapag-ambag sa kabuoan ng kamalayang ito. Sa isang sistemang global, mawawala at lalamunin ffiyo sa ating pagkawatak-watak.

    Sa kalaunan, hindi naman talaga ang Ingles ang kaaway. Hindi dahil ginagamit ang Ingles ay mabubura na ang Filipino.

    Ang kaaway ay ang mga puwersang nananahan sa puso at isipan ng maraming Pilipino, na ang iba ay may mga hawak pa nga na posisyon, sa pamahalaan man o sa pamantasan, na lumilikha ng mga balakid at pumipigil sa pagpapanatili ng, Filipino sa kamalayan ng Pilipino. Ito ang mga taong pinipilit papiliin ang Pilipino na mag-Ingles o mag-Filipino, samantalang ang nararapat ay palawakin ang kamalayang Filipino sa mga Pilipino upang kahit matatas tayong magsalita ng Ingles ay mananatili tayong matatas magsalita sa Filipino at kung anumang rehiyonal nating mga wika. 

    Transcript ng Talumpati ni Senator Grace Poe Nang Magdeklarang Tatakbo sa Pagkapangulo
    (bahagi lamang)

    Kulang po ang aking panahon ngayon upang ilahad ang kabuoan ng aking mga mithiin at adhikain. Sa mga susunod na araw, ihahain ko po ang isang komprehensibong programa na nakasentro sa simpleng prinsipyo at paniniwala: walang maiiwang Pilipino at walang maiiwang lugar sa Pilipinas. Sabay-sabay tayong aangat at sama-sama tayong uunlad!

    Noong tumakbo ang tatay ko, minaliit siya, sinabi na wala siyang karanasan, at hindi siya Pilipino. Ngunit buong tapang niyang hinarap ang hthnon at di niya inurungan ang pagkakataon na tumulong na mapabuti ang bithay ng kapwa-Pilipino.

    Ang kanyang katapatan, tapang, at kabaitan ay naging inspirasyon at gabay sa akin. Ang nanay ko naman, sinabi niya: “Anak, sa lahat ng ingay ng politika, huwag mo [sic] walain ang iyong sarili.”

    Ang aking buhay ay isang bukas na aklat.

    Sino ang mag-aakala na ang isang sanggol na natagpuan ay makatutuntong sa Senado. Salamat sa pagkakataon na ibinigay ninyo sa akin.

    Huwag ninyong kalilimutan. Magaling ang Pilipino. Mapagmahal, malikhain, at marunong gumawa ng paraan.

    Kaya nating marating ang ating mga mithiin para sa bayan kung magsisipag, magmamatyag, at siguraduhin na may tapat na gagabay sa atin.

    Dapat sama-sama tayo. Hindi kaya ng iisang tao.

    Ang mangangako niyan ay nagsisinungaling na.

    Sa ating lahat nakasalalay ang magiging kuwento ng Pilipinas sa darating na panahon.

    Sana po ay samahan ninyo ako sa pagpanday ng maganda at makabuluhang hinaharap ng ating inang bayang Pilipinas.

    Ako po si Grace Poe. Pilipino. Anak, asawa, at ina, at sa tulong ng Mahal na Diyos ay inaalay ko sa inyong lahat ang aking sarili sa mas mataas na paninilbihan bilang inyong Pangulo. 

    - Advertisement -
    RELATED CONTENTS
    - Advertisement -
    POPULAR FROM THIS CATEGORY
    - Advertisement -