Ang Tekstong Prosidyural

Isang espesyal na uri ng tekstong expository ang tekstong prosidyural. Inilalahad nito ang serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang matamo ang inaasahan. Nagpapaliwanag ito kung paano ginagawa ang isang bagay. Layunin nitong maipabatid ang mga wastong hakbang na dapat isagawa. Sa panahon ngayong maraming mga bagay ang sinasabi nilang do-it-yourself o ‘yung mga bagay na sa halip na kumuha ng iba pang gagawa ay ikaw na mismo ang gagawa, nararapat lamang na marunong tayong umunawa sa mga prosidyur na nakalakip dito. Ang wastong pag-unawa sa mga prosidyur ang gagabay sa atin upang matagumpay na maisagawa ang isang bagay. 

Hindi sapat na marunong tayong umunawa sa mga tekstong prosidyural, dapat ding magkaroon tayo ng kakayahang sumulat ng isang prosidyur na mauunawaan ng lahat. Sa pagsulat ng tekstong prosidyural, kailangang malawak ang kaalaman sa paksang tatalakayin. Nararapat ding malinaw at tama ang pagkakasunod-sunod ng dapat gawin upang hindi malito o magkamali ang gagawa nito. Ang isa pang dapat tandaan ay ang paggamit ng mga payak ngunit angkop na salitang madaling maunawaan ng sinumang gagawa. Nakatutulong din ang paglalakip ng larawan o ilustrasyon kasama ng mga paliwanag upang higit na maging malinaw ang pagsasagawa sa mga hakbang. Dapat pakaisiping layunin ng tekstong prosidyural na maipaliwanag nang mabuti ang isang gawain upang maisagawa ito nang maayos at tumpak, kaya nararapat lamang na maisulat ito sa paraang simple, malinaw, at mauunawaan ng lahat.

Tingnan sa susunod na pahina ang mga halimbawa ng tekstong prosidyural. Ating suriin kung madali bang unawain ang mga ito.

Mga Halimbawa ng Tekstong Prosidyural

Paggawa ng Parol

Mga Kakailanganin:

  • patpat ng kawayan, 1/4 pulgada ang lapad at 10 pulgada ang haba
  • 4 na patpat ng kawayan, 1/4 pulgada lapad at 3 1/2 pulgada ang haba
  • papel de hapon o cellophane
  • tali

Unang Hakbang:

Bumuo ng dalawang bituin gamit ang mga patpat ng kawayan.

Ikalawang Hakbang:

Pagkabitin ang mga dub ng kawayan gamit ang mga inihandang tali.

Ikatlong Hakbang:

llagay sa gitna ng pinagkabit na kawayan ang apat na patpat ng kawayan para lumobo ang balangkas ng iyong parol.

Ikaapat na Hakbang:

Balutin ng papel de hapon o cellophane ang balangkas ng parol.

Kung nais mong gumamit ng iba’t ibang kulay ay puwede.

Maaari mong gamitin ang pagiging malikhain mo.

Ikalimang Hakbang:

Maaari mong palamutian ang iyong parol ng mga palara.

Maganda rin kung lagyan ito ng buntot na gawa sa papel de hapon.

Resipi ng Kare-Kare

Mga Sangkap:

1 buntot ng baka
2 pata ng baka
1 taling sitaw
1 taling petsay
2 talong
1/2 tasang mani
1/2 tasang bigas
atsuwete
asin
bawang
sibuyas

Paraan ng Pagluluto:

Ihanda ang sumusunod na mga sangkap:

  • Dikdikin ang bawang.
  • Hiwain ang sibuyas, panggisa.
  • Putol-putolin ang sitaw.
  • Hiwain ang petsay.
  • Hiwain nang pahalang ang talong.
  • Isangag ang mani at ang bigas. Dikdikin ito nang pinong-pino.
  • Sa isang mangkok, lagyan ng isang kutsarang lihiya ang atsuwete.
  • Hiwain ang buntot at pata ng baka sa tamang laki. Palambutin.

Igisa ang bawang at ang sibuyas. Pagkatapos ay ihalo ang pinalambot na buntot at pata ng Mica. Isunod naman ang sabaw na pinaglagaan ng buntot at pata ng baka. Timplahan ng asin. Pagkulo, ihalo ang pinong bigas at mani. Isunod ang mga hiniwang gulay. Pagkatapos ay kulayan ng atsuwete upang pumula. Ngayong tapos na ang kare-kare ‘ay maaari na itong ihain. Gamiting sawsawan ang bagoong. 

Pag-aaplay ng Lisensiya sa Pagmamaneho

Kung nais mong magkaroon ng lisensiya sa pagmamaneho, ang una mong itatanong sa iyong sarili ay kung anong uri ng lisensiya ang iyong kukunin. May dalawang uri ng lisensiya, ang professional at ang nonprofessional. Professional driver’s license ang kukunin kung kakailanganin mo ito sa iyong hanapbuhay. Ito ang mga lisensiya ng mga family, jeepney, bus, taxi, trak, o tricycle driver. Nonprofessional driver’s’ license naman kung gagamitin mo ito sa pribadong pagmamaneho.

Mga kailangang tandaan bago mag-aplay ng lisensiya sa pagmamaneho. Sagutin mo ang mga tanong ng oo o hindi.

  • Ikaw ba ay 18 taong gulang na o higit pa?
  • Mayroon ka na bang student permit mula sa Land Transportation Office (LTO)? Kung mayroon na, ang iyong student permit ba ay isang buwan na o mahigit pa?
  • Marunong ka na bang magmaneho?
  • Mayroon ka na bang medical certificate na nagpapatunay na ikaw ay may malusog na pangangatawan at maaaring makapagmaneho? Ang iyong medical certificate ba ay nagmula sa isang klinika na accredited ng LTO?

Kung ang sagot mo sa lahat ng katanungan sa itaas ay oo, maaari ka nang pumunta sa anumang opisina ng LTO.

Unang Hakbang:

Pumunta sa customer service center at kumuha ng application form. Bibigyan ka rin ng bilang para alam mo kung pang-ilan ka sa pila ng ipo-prosesong aplikasyon. Ang larawan sa kanan ay ang application form para sa lisensiya. Kompletuhin ang mga hinihinging detalye sa form.

Ikalawang Hakbang:

Ipasa sa evaluation counter ang nakompletong application form. Dito ay titingnan ng evaluator kungkompleto at wasto ang mga datos na isinulat mo sa application form.

Ikatlong Hakbang:

Hintaying tawagin ka para sa pagkuha ng larawan at pirma.

Ikaapat na Hakbang:

Kapag muting tinawag ang pangalan ay magbayad na ng application fee.

Ikalimang Hakbang:

Pumunta sa Examination Room upang sagutan ang pasulat na pagsusulit. Hintayin ang resulta ng pagsusulit. Kung ikaw ay pumasa, maghintay na tawagin ka para sa ikaanim na hakbang.

Ikaanim na Hakbang:

Pagsusulit na aktuwal. Kasama ng isang opisyal ng LTO, ikaw ay aktuwal na magmamaneho upang matiyak kung karapat-dapat kang bigyan ng lisensiya sa pagmamaneho. Kapag nakapasa ka ay pupunta kang muli sa kahera upang bayaran ang iba pang dapat bayaran.

Huling Hakbang:

Hintaying tawagin ka para sa pagkuha ng iyong bagong lisensiya. Ipakita ang resibo upang makuha ito.

Naunawaan mo ba ang mga tekstong iyong binasa? Kaya mo bang gawin ang mga bagay na ipinagagawa sa tulong ng mga binasa mo? Ano-anong salita ang naging hudyat upang malaman natin ang susunod na mga dapat gawin?

Ang tawag sa mga salitang ito ay mga panandang pandiskurso na naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod. Ang ilan pang halimbawa na naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ay pagkatapos, sa hull, ang susunod, kasunod.