Bukod sa pagiging pambansang wika ng Pilipinas, iniaatas din ng Konstitusyon ng 1987 ang paggamit sa Filipino bilang wikang panturo. Sa ikalawang bahagi ng Artikulo XIV, Seksiyon 6, nakasaad na, “Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasiya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.”
Maraming sikolohista sa wika ang naniniwala na ang katulong ng utak sa pagpropro-seso ng kaalaman ay ang wikang nauunawaan ng tao. Mahalaga kung gayon na gamitin ang Filipino sa pagtuturo hindi lamang para sa mas epektibong pagtuturo kundi pati na rin sa mas makabuluhang pagkatuto ng mga estudyante.