Ang bilingguwalismo ay tumutukoy dalawang wika. Isang pananaw sa pagiging bilingguwal ng isang tao kung nakapagsasalita siya ng dalawang wika nang may pantay na kahusayan. Bilang patakarang pang-edukasyon sa Pilipinas, nangangahulugan ito ng paggamit ng Ingles at Filipino bilang panturo sa iba’t ibang magkakahiwalay na subject: Ingles sa matematika at siyensiya, Filipino sa agham panlipunan at iba pang kaugnay na larangan.
Ngayon, hindi na bilingguwalismo kundi multilingguwalismo ang pinaiiral na pata-karang pangwika sa edukasyon. Ang pagpapatupad ng mother tongue-based multilinggual education o MTB-MLE ay nangangahulugan ng paggamit ng unang wika ng mga estudyante sa isang partikular na lugar. Halimbawa, sa llokos, llokano ang wikang panturo sa mga estudyante mula kindergarten hanggang ikatlong baitang. Ituturo naman ang Filipino at Ingles pagtuntong nila sa ikaapat na baitang pataas. Ipinatupad ang ganitong pagbabago sa wikang panturo dahil napatunayan ng maraming pag-aaral na mas madaling natututo ang mga bata kapag ang unang wika nila ang ginamit na panturo. Mas madali rin silang natututong makabuo ng kritikal na pag-iisip kapag naturuan sila sa kanilang unang wika.
Sa bansang tulad ng Pilipinas na may humigit-kumulang 180 na umiiral na wika, hindi kataka-takang maging multilingguwal ang nakararaming populasyon. Halimbawa, ang mga llokano, bukod sa wikang llokano, ay marunong din ng Filipino at Ingles. Ang mga nagsasalita ng Kiniray-a ay maaaring marunong din ng Hiligaynon bukod sa Filipino at Ingles.
Ang unang wika ay tinatawag ding “wikang sinuso sa ina” o “inang wika” dahil ito ang unang wikang natutuhan ng isang bata. Tinatawag na “taal” na tagapagsalita ng isang partikular na wika ang isang tao na ang unang wika ay ang wikang pinag-uusapan. Halimbawa,”taal na Tagalog” ang mga tao na ang unang wika ay Tagalog. May nagsasabi rin na sila ay “katutubong tagapagsalita” ng isang wika.
Pangalawang wika ang tawag sa iba pang mga wikang matututuhan ng isang tao pagkaraang matutuhan ang kaniyang unang wika. Halimbawa, Hiligaynon ang unang wika ng mga Ang Filipino ay pangalawang wika para sa kanila. Ang Ingles, Nipongo, Pranses, at iba pang mga wikang maaari nilang matutuhan ay tinatawag ding pangalawang wika.