Dokumentasyon Gamit ang Estilo ng mga Sanggunian
Ang sanggunian ay listahan ng mga akdang ginamit mula sa sangguniang aklat, pahayagan, magasin, at materyal na di-nailathala o nailathala para sa natatanging sulatin o papel-pananaliksik.
Ang sanggunian ay listahan ng mga akdang ginamit mula sa sangguniang aklat, pahayagan, magasin, at materyal na di-nailathala o nailathala para sa natatanging sulatin o papel-pananaliksik.
Inilalagay sa loob ng pangungusap o talata ang siniping pahayag at ginagamitan ng panipi o quotation mark upang ikuiong ang sinipi at inilalathala bilang kauri ng teksto.
Mahalaga na maging makatotohanan ang panukalang proyekto dahil kung ang panustos mo ay hindi umaayon sa kinakailangang salaping igugugol para sa proyekto ay hindi ito maaaring payagan o sang-ayunan.
Nagsisilbing paglalagom sa mahahalagang tinalakay ang katitikan ng pulong. Mahalaga ang pagsulat nito upang matiyak at mapagbalik-tanawan ang mga usapin at isyung tinalakay at kailangan pang talakaying muli mula sa pagpupulong na naganap na.
Ang agenda ay talaan ng mga pag-uusapan sa isang pormal na pulong. Sumusulat ng agenda upang bigyan ng impormasyon ang mga taong kasangkot sa mga temang pag-uusapan at sa mga usaping nangangailangan ng pansin at pagtugon.
May dalawang pangkalahatang uri ang korepondensiyang liham. Una, di pormal na liham na karaniwang isinusulat para sa mga kaibigan, kamag-anak, at maialapit na kakiiala. Pangalawa, pormal na liham na karaniwang ginagamit sa paghahanap ng tanggapang mapapasukan at sa iba pang uri ng pakikipagkalakalan.
Ang pagsulat ng korespondensiya opisyal ay isang natatanging paraan ng pagpapahayag na "nangangailangan ng kahusayan sa paggamit ng mga espesyal na bokabularyo at parirala sa mga gawaing pampamahalaan, sa serbisyo sibil, at lingkurang-bayan" (Belvez et al. 2001).