Ang pagsulat ang isa sa napakahalagang kasanayan ng tao na dapat bigyan ng lubos na pagtingin sa pagtuturo ng isang guro. Hindi lamang masasalamin dito ang karakter ng mag-aaral kundi ang kabuoan ng produktong nagialarawan sa pagiging kompetitibo ng kanyang natamong pag-aaral mula sa paaralang pinanggalingan.
Ang paraan ng pagdodokumento sa pananaliksik ay patuloy na nagbabago mula sa dating kinagisnan hanggang sa kasalukuyan. Sa ngayon, higit nang kilalang gamitin ang sanggunian (bibliography) kaysa sa footnote (talababa).
Ang sanggunian ay listahan ng mga akdang ginamit mula sa sangguniang aklat, pahayagan, magasin, at materyal na di-nailathala o nailathala para sa natatanging sulatin o papel-pananaliksik.
Ang American Psychological Association (APA) at ang Modern Language Association (MLA) ay mga pandaigcligang samahang nagtataguyod ng komprehensibong dokumentasyon ng mga ginamit na sanggunian ng anumang uri ng papel-pananaliksik.
Isinusulat nang paalpabeto ang listahan ayon sa sumusunod na mga detalye:
Talasangguniang Aklat (Bibliography)
Ang talasanggunian ay makikita sa huling pahina ng sulatin. Nagbibigay ito ng imporrnasyon sa mambabasa para malaman ang pinagkunan ng ideya. Isinusulat ang buong pangalan ng may-akda, editor, o tagapagtipon. Maaari ding isulat ang pangalan ng institusyon o organisayon bilang may-akda sa kawalan ng datos tungkol sa may-akda. Paitalikong isinusulat ang mahahabang pamagat ng akda at aklat. Gayundin ang pangalawang pamagat kung may subtitle ito. Ipinapaloob naman ang pamagat ng artikulo gamit ang panipi bago isinusulat ang pamagat ng aklat bilang sangggunian ng artikulo. Maaaring isama rin ang pangalan ng editor, tagasalin, at tagatipon. Isama rin ang muling edisyon ng pagkakalimbag ng aklat, kabuoang bilang ng tomo ng publikasyon, mga detalye ng lathalain, lungsod, tagapaglathala, taon ng pagkakalathala, at pahina kung maaari.
Sa kasalukuyan, ang APA at ang MLA ang dalawang estilong ginagamit sa sanggunian sapagkat higit na mas madaling gawin ito kaysa talababa (footnote).
Ang MLA ay gumagamit ng dokumentasyong parentetikal sa loob ng teksto.
Halimbawa ng estilong MLA:
Miedaner, Talene. The Secret Laws of Attraction (The Efforts Way to Get the Relationship You Want). New York City: McGraw Hill. 2008. Print.
Halimbawa ng estilong APA:
Miedaner, Talene.(2008). The secret laws of attraction (The efforts way to get the relationship you want). New York City: McGraw Hill.
Bunga ng teknolohiya, hindi na limitado ang pangangalap ng impormasyon sa pananaliksik. Ginagamit ding sanggunian ang mga babasahing nailalathala sa Internet. Gaya ng online magazines, journals, web sites, blogs, e-book, at iba pa. Idagdag pa ang mga CD/DVD-rom, video, at iba pa. Ito ang mga tinatawag na sangguniang elektroniko.
Sa paggamit ng sanggunian mula sa web sites na pinaghanguan ng online materials, isaalang-alang ang buorg pangalan ng awtor, buong pamagat ng artikulo, pangalan ng web site (o pahina), petsa ng pagkakalathala, at ang uniform resource locator (URL).
Kung ang materyales ay mula sa isang aklat elektroniko, isinusulat ang pamagat ng mga aklat nang italiko. Kung may kabanata, isinusulat sa loob ng panipi ang mga pamagat ng publikasyong online.
Italiko naman ang pangalan ng pahina o web site. Kaiba sa ibang elemento na pinaghihiwalay ng tuldok, nagtatapos sa kuwit ang pangalan ng pahina, at sinusundan ng petsa kung kailan ito nalathala.
Ang URL o uniform resorce locator naman ang siyang pinakapangunahing pinagbatayan para sa isang lokasyon. Karaniwan itong makikita na pinangungunahan ng http (hypertext transfer protocol) at ang ispesipikong code para sa lokasyon ng materyal. Makikita na ang URL sa address barkapag ginagamit ang Internet browser.
Hlimbawa:

Sa materyales na audio visual, dapat ilagay ang pangalan ng awtor, manunulat, nagtanghal, o kung sino pang responsable o lumikha sa nilalaman ng materyales, pamagat ng materyales, nakasulat italiko, pangalan ng kompanyang naglathala, midyum na ginamit, at petsa ng pagkakaprodyus.
Halimbawa: