More

    Iba’t Ibang Bahagi ng Saliksik

    Sa pangkalahatan, ang isang saliksik ay binubuo ng introduksiyon, katawan, at kongklusyon. Ilan sa mahalagang isaisip, kaugnay ng mga bahaging ito, ang sumusunod:

    A. Introduksiyon

    • Sikaping maging maikli sa binubuong introduksiyon, proporsiyonal sa haba ng kabuuang papel.
    • Kinapapalooban ng mga impormasyon hinggil sa: (a) kaligiran o background ng paksa, kaugnay ng mahahalagang isyu, suliranin, o ideya; (b) layunin ng pananaliksik; (c) depinisyon ng mga konseptong gagamitin; (d) sa mahahabang suiatin, maaaring isama ang lagom o overview ng saliksik.

    B. Katawan

    • Makatutulong ang paggamit ng titulo at subtitulo sa kabuuan ng talakay upang ihudyat ang daloy o pagbabago ng mga ideya sa isang sulatin. Ang mga ito ang nagsisilbing signpost na gagabay sa mambabasa. Gayunman, marapat tandaan na tulad ng mga signpost, nakaliligaw sa mambabasa ang kulang na paggamit nito samantalang nakalilito naman ang sobra. Tiyaking sapat lamang ang paggamit ng titulo at subtitulo sang-ayon sa nabuong pinal na balangkas. 
    • Gumamit ng mga salitang transisyonal na siyang umaaktong tagapag-ugnay ng mga ideya sa papel. langkop ang tono at estilo ng pagsulat batay sa kalikasan ng ginagawang pananaliksik.

    C. Kongklusyon

    • Kinapapalooban ng isa o kombinasyon ng sumusunod: (a) buod ng mga pangu-nahing ideyang nabuo sa katawan ng saliksik; (b) sipi o pahayag na naglalagom sa papel at maaaring maging lunsaran ng pagtalakay sa halaga ng papel; (c) pag-balik sa ideyang binuksan sa introduksiyon; at (d) pagbubukas ng ilang usaping kaugnay ng nilinang na paksa para sa susunod na pananaliksik.
    • Tiyaking matamo ang full circle effect. Ibig sabihin, malinaw ang: (a) koordinasyon ng estruktura, na natatamo sa pamamagitan ng pagbubuod ng mga pan-gunahing ideyang pinanday sa loob ng saliksik; at (b) koordinasyon ng estilo, na natatamo sa pamamagitan ng muling pagbanggit sa bahagi ng kongklusyon ng mga sitwasyon, imahen, talinghaga, o tayutay na maaaring nabuksan sa introduksiyon. 
    - Advertisement -
    RELATED CONTENTS
    - Advertisement -
    POPULAR FROM THIS CATEGORY
    - Advertisement -