More

    Kahalagahan at Kabuluhan ng Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

    Sa panahon ng tumitinding kampanya ng internasyonalisasyon, naisasantabi ang halaga ng sari-sariling yaman ng wika at kultura ng mga bansa at ang pagkakaiba-iba ng mga ito dahil sa paniniwala na may iisang pamantayang pandaigdig na nakapadron lamang sa kakayahan at katangian ng mauunlad na bansa. Samantala, ang wika at kultura ng mga bansang nasa Ikatlong Daigdig, gaya ng Pilipinas, ay lagi’t laging ipinalalagay na mababa at di-kapantay ng mga sumusulong na kalakaran sa daigdig dahil hindi nakaaagapay sa pamantayang global na hindi kumikilala sa mga katangiang panloob ng bawat bansa. Ngunit dapat tandaan na bago makibahagi sa pandaigdigang integrasyon, kailangan munang makilala ang sariling kahinaan at kalakasan, kailangang makilala muna ang sarili at maging matatag ang pundasyon sa sariling kaakuhan, upang hindi lamunin lamang o manggaya na lamang sa kultura ng ibang bansa. Sa ganitong paninindigan, may mahalagang papel ang pananaliksik sa sariling wika at kultura bilang pagharap sa globalisasyon.

    Hinahadlangan ng ganitong oryentasyon ng “pakikiangkas” at “pagnanasa” sa global na pamantayan ang kakayahan at kaisipang pambansa. Tuluyang naisasantabi ang pagpapalakas ng sarili nating potensiyal na makalikha pa ng mas maraming pambansang iskolar at pantas sa larangan ng sariling wika at kultura. Malinaw na sa umpisa pa lamang ay may pagkiling na sa mga kanluraning teorista at sunod-sunuran sa mga panlabas na patakaran ang mga institusyong pang-edukasyon kabilang na ang mga akademya sa bansa na produkto ng kolonyal na Waranasan. Halimbawa, pinapjanginoon ng mga pamantasan ang sistema ng ISI (lnstitute for Scientific lnformation)-indexed journals bilang batayan ng pinakamataas na uri ng publikasyon. Hindi pantay ang kanilang pagtingin sa mga lokal at pambansang publikasyon, lalo yaong nasa wikang Filipino, na kung tutuusin ay katulad din naman ng prosesong pinagdaanan at maituturing na mas masalimuot pa nga, sapagkat hindi hamak na mahirap bumuo ng sariling konsepto at palagay sa sariling konteksto kaysa simpleng hiramin na lamang at ilapat ang mga tanyag na teorya at kaisipan ng mga dayuhang iskolar at pantas sa daigdig. Sa ganitong kondisyon, malaki ang hamon sa mga mananaliksik ng wika at kulturang Pilipino na igiit ang espasyo para sa maka-Pilipinong pananaliksik at ituring na kapantay ito ng alinmang iskolarling pamamaraan at larangan sa akademya man o sa labas nito.

    Maliban sa isyu ng wastong paglalagay ng espasyo at pantay na pagkilala sa mga paksa at pamamaraang nakatuon sa lokal na pag-aaral ng wika at kultura, matingkad ding problema kaugnay nito ang namamayaning katiwaiian ukol sa pagbubuo ng maling kamalayan at kaisipan ukol sa kulturang katutubo at kaalamang bayan. Sa papel na “Mga Katiwalian sa ating Kamalayan Tungkol sa Kaalamang Bayan” ni Arnold Azurin (1991), pinuna niya ang kawalang-ingat ng mga mananaliksik at manunulat sa kanilang mga paksang sinasaliksik na nagreresulta ng katiwalian sa paglikha ng kahulugan at pagsasawalang-bahala sa kapakanan ng pinag-aaralang paksa. Nagreresulta rin ang ganitong kakulangan ng panfilinlang sa mga mambabasa sakaling mailabas bilang aklat o sanggunian ang mga maling impormasyon na magluluwal din ng maling pag-unawa at kamalayan sa mambabasang Pilipino. Upang malutas ang ganitong katiwalian, kailangang maging kritikal at ipinanukala niyang pag-aralan ang paksa ukol sa katutubong kultura at kaalamang bayan, na nangangailangan din ng praktis (lampas sa pagteteorya) at pagpaloob sa mismong proseso ng pag-unawa rito. Matibay pa ring pamamaraan ang karanasan at dunong na nagmumula sa kapuwa at hindi paniniwala sa indibidwal o sariling palagay lamang. Matingkad din niyang iginigiit ang kahalagahan ng aktuwal na pagdanas sa loob ng pinag-aaralang paksa upang makabuo ng matibay na pagsusuring nakabatay sa konteksto at hindi bukod sa pinag-aaralan. Sa ganitong punto, nakikita ang halaga ng pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino bilang makabuluhang gawain ng pag-unawa sa sarili, pagwawasto sa binaluktot na kamalayan, at ambag sa proyekto ng dekolonisasyon.

    Sa pag-aaral ng wika at kulturang Pilipino, matinding usapin din ang paglilihis ng landas sa pananaliksik na bunga ng kahinaan sa pagpili ng paksa at tinatanaw na tunguhin ng pananaliksik. Maraming pananaliksik ang nakabatay sa interes ng mananaliksik at hindi sa interes ng kaniyang paksang sinasaliksik. Nahihikayat din ang karamihan na lagi’t laging pag-aaralan ang kulturang dayuhan sa haiip na magkaroon ng motibasyong linangin ang sariling kaparaanan. Kadikit ng ganitong pagkahumaling sa dayuhang kultura ang pagkiling sa mga tanyag na konsepto at pamamaraang kanluranin na hindi umaangkop sa kalagayan, karanasan, gawi, at diwang Pilipino. Problematiko rin ang paksa at tunguhing nakakulong sa pamantayan at panlasa ng akademya lamang habang isinasantabi ang kabuluhan ng pamumuhay at karanasang panlipunan bilang laboratoryo ng kaalaman at pagpapahalaga. Ang kawalan ng tiyak at malinaw na konteksto sa pag-aaral ng wika at kulturang Pilipino ay nagreresulta ng kawalang tunguhing maka-Pilipino at nagpapakita ng baiuktot na katotohanang nagsisilbing katiwahan sa kalagayan at karanasan nito. Sa madaling salita, hindi kailanman mapagtatagpo ang magkaibang realidad, kailangang unawain ang mga sariling palagay at haka-haka na nakatanaw sa layunin at kontekstong Pilipino. 

    Bilang tugon sa ganitong mga suliranin at hamon tungo sa makabuluhang pana-naliksik sa wika at kulturang Pilipino, mahalagang ilapat ang modelo ng maka-Pilipinong pananaliksik. Pangunahing saligan ng modelong ito ang paggamit ng sariling wika at pamamaraang nakabatay sa sariling karanasan na angkop sa ating konteksto. Marapat pahalagahan ang tunguhing maka-Pilipino na makapag-aambag sa karaniwang Pilipino at larangang magpapalakas sa interes ng paksang sinasaliksik. Kinakailangang maipakita ang resuita na hindi nakatali lamang sa mga aklat kundi sa mismong aktuwal na praktika sa lipunan kabilang ang pang-araw-araw na gawain, pag-uugali, at pananaw ng isang karaniwang Pilipino sa tiyak na lipunan. Upang maisagawa ito, kinakailangan ang isang metodo na makapagpapakilala sa mananaliksik at kalahok ng pananaliksik upang kapuwa nila matamo ang maka-Pilipinong pagpapahalaga at tunguhin gamit ang iskala ng pagmamasid, pakikiramdam, pagtatanong-tanong, pagsubok, pagdalaw-dalaw o pagma-matyag, pagsusubaybay, pakikialam, pakikilahok, at pakikisangkot. (Enriquez 1992)

    Sa pagninilay ukol sa mga naging kahinaan ng pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino, nabubuksan ang mga posibleng landas sa lalong pagpapabuti ng nasabing lara-ngan at maging katuwang ng iba pang disiplina sa pagbubuo ng isang tunay at maka-buiuhang maka-Pilipinong pananaliksik. Binubuksan ng maka-Pilipinong pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino ang magkakaiba ngunit magkakaugnay na pananaw at lapit-pamamaraan sa pagsasagawa ng mga pananaliksik na may katangiang interdisiplinaryo, krosdisiplinaryo, at multidisiplinaryo na makapagpapalitaw sa mabisang talaban at diskurso ng iba’t ibang larangan upang makabuo ng isang matatag na araling Filipino na nakasalig sa lakas ng wika at kultura.

    Sa interdisiplinaryong pananaw, nilalayong maigpawan ang pagkakaiba tungong pagkakahawig at pag-uugnay upang pagbigkisin ang dalawang disiplina sa pamamagitan ng integrasyon ng kaalaman at pamamaraan ng dalawang disiplina. May katangiang kros-disipiinaryo naman ang pagtutuon sa isang paksa na magsisilbing batayan sa pagpili ng ibang pagtingin, pananaw, at pamamaraan. Tinatanaw ng mga krosdisiplinal na pag-aaral ang isang disipiina sa pananaw ng iba pang disiplina. Lalim at lawak naman ng dalawa o higit pang disiplina ang tuon ng katangiang multidisiplinaryo. Pinagtatagpo nito ang iba’t ibang disiplina upang mapalakas ang sariling disiplina. Sa madaling salita, maituturing na isa sa kahalagahan ng pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino ang kakayahang magluwal ng iba pang kaalaman at kabuluhan lampas sa saklaw ng larangang ito. Maaaring tingnan ang talaban ng wika at sining bilang interdisiplinaryong pananaw, ang iba’t ibang pamamaraan at lente sa pag-unawa ng sining na tumatawid sa mga disiplina gaya ng antropolohiya, politika, at ekonomiks ay maituturing na katangiang krosdisiplinal habang ang lawak at lalim ng ugnayan at diskurso sa sining na nilalapatan ng sari-saring disiplina ay tumutukoy naman sa yugto at paraang multidisiplinaryo. Posible rin na ang isang pag-aaral ay maaaring magtaglay ng mga nabanggit na mga pananaw ng pananaliksik batay sa layunin at pokus ng isinagawang saliksik.

    Sa mga natalakay na isyu at argumento ukol sa kahalagahan ng pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino, nabubuksan ang malawak na espayo para sa palitan ng ideya, talaban ng bisa, at pagtanaw sa isang diwang Pilipino na mahalagang sangkap sa paghawan ng mga balakid at pagharap sa hamon ng patuloy na pagdurog at pananalanta sa tumitinding ragasa ng globalisasyon. Sa huli, mananatiling matatag at nakatindig ang anomang wika at kulturang may matibay na pundasyon ng kaniyang sarili at tumatanaw sa pangmatagalang aspirasyon ng pagiging malaya at tunay na nakapagsasarili.

    - Advertisement -
    RELATED CONTENTS
    - Advertisement -
    POPULAR FROM THIS CATEGORY
    - Advertisement -