Sa loob ng mahabang panahon ng pananakop ng Espanya, Espanyol ang opisyal na wika at ito rin ang wikang panturo.
Nang sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas, sa simula ay dalawang wika ang ginamit ng mga bagong mananakop sa mga kautusan at prokiamasyon, ingles at Espanyoi. Sa kalaunan, napalitan ng ingles ang Espanyol bilang wikang opisyal. Dumami na ang natutong magbasa at magsulat sa wikang Ingles dahil ito ang naging tanging wikang panturo batay sa rekomendasyon ng Komisyong Schurman noong Marso 4, 1899. Marami ring Pilipino ang nakinabang sa programang iskolarsip na ipinadala sa Amerika at umuwing tagiay ang kaala man sa wikang ingles. Noong 1935,”halos lahat ng kautusan, proklamasyon, at mga batas ay nasa wikang ingles na.” (Boras-Vega 2010)
Ngunit sa simula pa Jamang ng pakikibaka para sa kalayaan, ginamit na ng mga Katipunero ang wikang Tagalog sa mga opisyal na kasulatan. Sa Konstitusyong Probisyonal ng Biak-na-Bato noong 1897, itinadhanang Tagalog ang opisyal na wika. Sa Konstitusyon ng Malolos (Enero 21, 1899), itinadhanang pansamantalang gamitin ang Espanyol bilang opisyal na wika bagama’t noon pa ay nakita na ng mga bumuo ng konstitusyong ito ang maaaring maging papel ng ingles sa bansa.
Noong Marso 24, 1934, pinagtibay ni Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados ang Batas Tydings-McDuffie na nagtatadhanang pagkakalooban ng kalayaan ang Pilipinas matapos ang sampung taong pag-iral ng Pamahaiaang Komonwelt. Noong ebrero 8, 1935, pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang Konstitusyon ng Pilipinas niratipika ng sambayanan noong Mayo 14, 1935. Ang probisyong pangwika ay nasa Seksiyon 3, Artikulo XIII: “Ang Pambansang Asamblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapauniad at pagpapatibay ng isang pangkalahatang pambansang wika na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, ang ingles at Kastila ay patuloy na gagamiting mga wikang opisyal.”
Ang nanguna sa paggawa ng resolusyon tungkol sa wikang pambansa ay si Wenceslao Q. Vinzons, kinatawan mula sa Camarines Norte. Ayon sa orihinal na resolusyon, “Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang Wikang Pambansa batay sa mga umiiral na katutubong wika.”
Ngunit nang dumaan ang dokumento sa Style Committee, nagkaroon ng pagbabago sa resolusyon. Ang Style Committee ang nagbibigay ng huling pasiya sa borador ng Konsti-tusyon. Binago ng nasabing komite ang resolusyon at naging probisyon ito sa Seksiyon 3, Artikulo XIV ng Kontitusyon ng 1935.
Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang Wikang Pambansa batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.
Sa paglulunsad ng Komonwelt, isa sa mga unang isinagawa ng administrasyon ng noon ay pangulo na ng bansa na si Manuel L. Quezon ang pagpapatupad ng probisyon ko I sa pambansang wika. Noong Oktubre 27, 1936, ipinahiwatig ni Pangulong Quezon ang kaniyang plano na magtatag ng Surian ng Wikang Pambansa. Ang magiging tungkulin ng Surian, ayon sa Pangulo, ay gumawa ng pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas, sa layuning makapagpaunlad at makapagpatibay ng isang wikang panlahat batay sa isang wikang umiiral sa bansa.
Noong Nobyembre 13, 1936, pinagtibay ng Kongreso ang Batas Komonwelt Blg. 184, na nagtatag sa unang Surian ng Wikang Pambansa. Alinsunod sa naturang batas, ang mga ,apangyarihan at tungkulin ng Surian ay ang mga sumusunod:
- gumawa ng pag-aaral sa mga pangkalahatang wika sa Pilipinas;
- magpaunlad at magpatibay ng isang wikang paniahat na Wikang Pambansa batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika; at
- bigyang-halaga ang wikang pinakamaunlad ayon sa balangkas, mekanismo, at panitikang tinatanggap.
Noong Enero 12, 1937, hinirang ng Pangulo ang mga kagawad ng Surian, alinsunod sa Seksiyon 1, Batas Komonwelt 185. Ang mga kagawad ng unang Surian ng Wikang pam-bansa ay sina:
Jaime de Veyra (Bisaya, Samar-Leyte) – Pangulo
Santiago A. Fonacier (Ilocano) – Kagawad
Filemon Sotto (Cebuano) – Kagawad
Casimiro Perfecto (Bicolano) – Kagawad
Felix S. Rodriguez (Bisaya, Panay) – Kagawad
Hadji Butu (Mindanao) – Kagawad
Cecilio Lopez (Tagalog) – Kagawad
Nagmula sa iba’t ibang panig ng bansa ang mga itinalagang kagawad upang ipakitang walang partikular na wikang pinapanigan. Hindi tinanggap ni Sotto ang kaniyang posisyon. Pinalitan siya ni Isidro Abad.
Noong Nobyembre 7, 1937, pagkaraan ng halos sampung buwan, inilabas ng Surian ang resolusyon na Tagalog ang gawing batayan ng pambansang wika. lpinahayag ng Surian na ang wikang Tagalog ang halos tumugon sa hinihingi ng Batas Komonwelt Blg. 184.
Hindi na nag-aksaya ng panahon ang Pangulo upang ipahiwatig ang kaniyang tagumpay sa pagpapaunlad ng isang wikang matatawag na Pambansang Wika. Noong anibersaryo ng kamatayan ni Dr. Jose P. Rizal, Disyembre 30, 1937, lumabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagpapatibay sa Tagalog bilang batayang wika ng Pambansang Wika ng Pilipinas. Nagkaroon ito ng bisa pagkaraan ng dalawang taon matapos na maihanda at maipalimbag ang gramatika at diksiyonaryo ng Wikang Pambansa sa pagitan ng 1938 hanggang1940.
May pagbabagong naganap noong Hunyo 18, 1938 sa Batas Komonwelt Blg. 184. Sinusugan ito ng Batas Komonwelt Blg. 333 at sa batas na ito, ang Surian ay ipinaiilalim sa tuwirang pamamahala at pangangasiwa ng Pangulo ng Pilipinas. Binago nang lubusan ang Seksiyon 10 ng Batas Blg. 184. Sa lumang batas, ang Kalihim ng Edukasyon ang magpapatibay ng pasiya sa mga suliraning pangwika. Sa susog, ang Pangulo ang magpapatibay ng pasiya sa mga suliraning pangwika at iyon ang magiging pamantayang pampanitikan sa lahat ng lathalaing opisyal at aklat na pampaaralan.
Noong Abril 1, 1940, inilabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263. ipinag-uutos nito ang:
- pagpapalimbag ng A Tagalog-English Vocabulary at ng isang aklat sa gramatika na pinamagatang Ang Balarila ng Wikang Pambansa; at
- pagtuturo ng Wikang Pambansa simula Hunyo 19, 1940 sa mga Paaralang Publiko at Pribado sa buong kapuluan.