Mga Likas na Sakuna o Kalamidad sa Pilipinas

13832

Ayon sa mga pag-aaral na isinagawa ng Asian Disaster Reduction Center (2008) at ng Kagawaran ng Patakarang Pang-Kongreso at Badyet Pananaliksik ng Kongreso (2012), ang Pilipinas ay pinakamalapit sa sakuna sa buong rehiyon ng Timog-Silangang Asya at pumangatlo naman sa buong mundo ayon sa World Disasters Report ng 2012. Mula 1990 hanggang 2009, umabot sa kabuuang bilang na 237 na kalamidad ang naganap sa bansa na halos abutin ng sangkatlo (1/3) ng lahat ng mga kalamidad na naganap sa buong rehiyon ng Timog Silangang Asya ng mga panahong nabanggit. Ito ay kinatigan din sa pag-aaral ng World Bank noong 2009 na nagsabing ang bansa ay pumwesto na pangwalo mula sa 60 bansa sa Asya-Pasipiko na naharap sa kalamidad. Kamakailan lamang iniulat ng Philippine Disaster Report ng 2012 na pinakamataas ang bilang ng mga namatay na Pilipino dahil sa mga kalamidad na tumama sa bansa. Samantala noong 2013, ang Super Bagyong si Yolanda (Haiyan) ay idineklara bilang pinakamalakas na bagyong tumama sa lupa sa kasaysayan ng sandaigdigan na nauwi sa pagkasawi ng 6,190 katao.

Typhon Belt

Pacific Ring of Fire

May mga salik heograpikal na naging dahilan kung bakit madalas sapitin ng bansa ang mga kalamidad. Una, ang bansa ay matatagpuan sa typhoon belt ng Karagatang Pasipiko na may tinatayang aabot sa 20 bagyo ang bumibisita sa bansa taon-taon at ikalawa, makikita rin ang bansa sa rehiyong kilala sa tawag na Pacific Ring of Fire kung saan nagaganap ang madalas na pagsabog ng bulkan at mga paglindol. Ang mga kalamidad na ito ang nakapag-ambag sa pagkakaroon ng mga sakunang gaya ng tsunami, pagtaas ng tubig sa dagat, mga storm surge, pagguho ng lupa, mga matinding pagbaha, at tagtuyot.

1. Tagtuyot Dulot ng Penomenang El Niño

El Niño

Ang Penomenang El Nino ay isang abnormal na panahon dulot ng pag-init ng Karagatang Pasipiko. Mula 2009 hanggang unang kuwarter ng 2010, tinatayang umabot sa halos 2.9 milyong katao ang naapektuhan nito at 12.1 bilyong pisong halaga ng mga kabuhayang nasalanta. Labis na naapektuhan nito ang mga lalawigan sa Rehiyon 2 kasama ang siyam pang mga rehiyon sa bansa. Bunga nito, bumaba ang lebel ng tubig sa mga pangunahing dam sa Luzon na labis na nakaapekto sa irigasyon at suplay ng tubig sa halos lahat ng panig ng bansa. Ayon sa PAGASA, ang mga sumusunod na abnormalidad ay nararanasan sa panahon ng El Nino: pagpapalit ng panahon, ng tag-ulan, mabilis na pagtatapos ng panahon ng tag-ulan, paghina ng mga hanging monsoon, paghina ng mga pagdating ng bagyo, pagbaba sa normal ng dami ng pag-ulan, at higit na mas mataas na temperatura. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakaranas ang bansa ng tagtuyot na naganap din noong mga taong 1982-1983, 1992-1993, at 1997-1998. Ang ibang mga bansa sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay hindi rin nakaligtas sa mga panahon ng El Niño.

2. Mga Bagyo (Tropical Cyclones)

Bagyong Yolanda
Bagyong Yolanda

Gaya nang nabanggit, umaabot nang halos 20 bagyo ang pumapasok sa bansa taon-taon na iuuri ayon sa lakas ng hangin nito gamit ang mga babalang pampubliko o public storm signals (Mula Babala Bilang 1 hanggang 4). Hanggang noong 2009, matapos ang matinding pagbahang naranasan noong Bagyong Ondoy, isinama rin ng PAGASA sa mga pampublikong babala nito ang dami ng pag-ulan ng bawat dumadaang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR). Ang mga sumusunod na bagyong naganap mula noong 2009 hanggang 2013 ay nagmarka sa kasaysayan ng bansa dahil sa mga pinsalang naidulot nito sa buhay at ari-arian ng mga taong naapektuhan.

Taon o PetsaPangalan ng BagyoBilang ng Naapektuhang TaoBilang ng NapinsalaHalaga ng Pinsala (Php)
2009
Setyembre 26, 2009Ondoy (Ketsana)Nagtala ng pinakamaraming pag-ulan (455 mm sa loob ng 24 oras)464 namatay, 529 sugatan, 37 nawawalaPhp 11B
Setyembre 29, 2009Pepeng (Parma)954,087 kataoang naapektuhan
2010
Hulyo 11, 2010Basyang (Conson)241,651 katao ang naapektuhan76 namatay, 31 sugatan, 72 nawawalaPhp 189M
Oktubre 12, 2010Juan (Megi)215,037 katao ang naapektuhan. Lubhang mas malakas ang bagyong ito sa Bagyong Reming na puminsala sa Rehiyong Bikol noong 2006.12 namatay, 9 sugatanPhp 8.3B
2011
Mayo 7, 2011Bebeng (Aere)376,888 kataoang naapektuhan35 namatay, 6 sugatan, 2 nawawalaPhp 1.37B
Hunyo 22, 2011Falcon (Meari)2,259 kataoang naapektuhan7 namatay, 4 sugatan, 12 nawawalaPhp 4.4M
Hulyo 28, 2011Juaning (Nock Ten)790,601 kataoang naapektuhan41 namatay, 40 sugatan, 24 nawawalaPhp 2.7B
Disyembre 11, 2011Sendong (Washi)1,144,229 katao ang naapektuhan. Itinuring na pinaka-mapaminsalang bagyong tumama sa bansa sa huling 12 taon.1,259 namatay, 6,071 sugatan, 182 nawawalaPhp 1.7B
2012
Mayo 7, 2012Gener (Saola)236,226 katao ang naapektuhan49 namatay, 35 sugatan, 6 nawawalaPhp 404M
Agosto 6, 2012Hanging Habagat (Haikui)4,236,151 katao ang naapektuhan109 namatay, 14 sugatan, 4 nawawalaPhp 653M
Agosto 15, 2012Helen (Kai-tak)13,234 katao ang naapektuhan10 namatay, 17 sugatanPhp 125M
Disyembre 2, 2012Pablo (Bopha)6,243,998 katao ang naapektuhan1,067 namatay, 2,666 sugatan, 834 nawawalaPhp 37B
Disyembre 24, 2012Quinta (Wukong)59,993 katao ang naapektuhan20 namatay, 3 sugatan, 4 nawawalaPhp 225M
2013
Pebrero 28, 2013Crising (Shanshan)262,880 katao ang naapektuhan4 namatay, 4 sugatan, 2 nawawalaPhp 11.24M
Hunyo 30, 2013Gorio (Rumbia)3,592 katao ang naapektuhan7 namatay, 4 sugatan
Agosto 8, 2013Labuyo (Utor)395,723 katao ang naapektuhan11 namatay, 7 sugatan, 3 nawawalaPhp 1.4B
Agosto 18, 2013Maring (Trami)1,060,094 katao ang naapektuhan8 namatay, 41 sugatan, 4 nawawalaPhp 66M
Nobyembre 8, 2013Yolanda (Haiyan)Tinatayang umabot sa 16 milyong katao ang naapektuhan mula sa 12,139 brangay sa 44 lalawigan, 591 munisipalidad at 57 lungsod sa Rehiyon IV-A, IV-B, V, VI, VII, VIII, IX, X, XI at Caraga.

Pinakamalakas na bagyo na tumamasa kalupaan sa kasaysayan ng sandaigdigan sa alinmang panahon.
6,183 namatay, 28,626 sugatan, 1,785 nawawalaPhp 37B
Sanggunian: NDRRMC

3. Pagsabog ng Bulkan at mga Lindol

Pagsabog ng Bulkang Taal | Enero 7, 2021
Pagsabog ng Bulkang Taal | Enero 7, 2021
Pinsala ng lindol sa Mindanao noong 2019
Pinsala ng lindol sa Mindanao noong 2019

Bukod sa ang bansa ay matatagpuan sa typhoon belt, nasa Pacific Ring of Fire din ang bansa kung saan nagaganap ang maraming pagsabog ng bulkan at mga paglindol. Ito ay iniuugnay sa sunod-sunod na oceanic trenches, volcanic arcs, volcanic belts, at mga plate movements. Ang Ring of Fire ay binubuo ng 452 bulkan at katatagpuan sa halos 75% ng mga aktibong at di-aktibong bulkan sa mundo. Sa pinakahuling tala, aabot ng halos 53 aktibong bulkan ang makikita sa Pilipinas. Tatlo sa mga ito ay itinuring na makasaysayan dahil sa madalas na pagsabog ng mga ito.

Ang pagsabog ng Bulkang Pinatubo sa Zambales noong Hunyo 1991 ang itinuring bilang pinakamalaking pagsabog na naganap noong ika-20 siglo. Umabot sa halos 640 ang bilang ng mga namatay at 1 036 065 ang naapektuhan. Tinatayang may 40 000 tahanan ang tuluyang nawasak at higit sa 70 000 bahay ang nasira.

Ang Bulkang Mayon sa Legazpi, Albay ay hindi lamang kilala dahil sa hugis perpektong kono nito kundi dahil din sa madalas na pagsabog nito na umabot ng halos apatnapu’t walong naitala noong Hulyo 2001 sa pinakahuling tala ng ahensiyang PHIVOLCS. Bukod dito, ang Bulkang Taal sa Batangas, ang pinakamaliit na bulkan sa bansa ay aktibo rin na nakapagtala na ng 33 pagsabog sa pinakahuling tala nito.

Ang mga lindol na tektoniko ay bunga ng limang pangunahing sistema ng mga bitak o fault sa bansa kabilang ang West Valley Fault (Marikina Fault), Western Philippine Fault, Eastern Philippine Fault, Central Philippine Fault, at ang Southern of Mindanao Fault. Dalawa sa pinakamatinding lindol ay naganap sa Luzon at Visayas. Noong Hulyo 16, 1990, isang 7.6 magnitude na lindol ang naganap sa Gitnang Luzon na kumitil sa 2 412 buhay ng tao, nakaapekto sa kabuhayan ng 1 597 553 katao at pinsalang tinatayang nagkakahalaga ng 250 milyong dolyar.

Kamakailan noong Oktubre 15, 2013, isang 7.2 magnitude na lindol ang gumulantang sa mga lalawigan ng Bohol at Cebu. Umabot ang pinsala nito sa halagang tinatayang nasa 2.5 bilyong piso at kumitil sa buhay ng halos 200 katao. Ang trahedyang ito ay nagbunga rin sa pagkasira ng makasaysayang simbahan sa Bohol, ang Simbahan ng Baclayon na itinuring bilang isa sa mga pinakamatandang simbahan sa bansa at malting ang kilalang pook pasyalan, ang Chocolate Hills ay hindi rin nakaligtas sa pagguho. Ang lindol na ito ang nagbukas sa panibagong fault line o bitak sa lupa na kilala sa tawag na North Bohol Fault ayon sa PHIVOLCS.

4. Mga Tsunami at mga Storm Surges

Storm surge dulot ng Bagyong Yolanda.
Storm surge dulot ng Bagyong Yolanda.

Bukod sa pagiging isang bansang agrikultural, ang ekonomiya ng Pilipinas ay umaasa rin sa saganang yamang-dagat nito. Ang aktibong industriyang maritima ay nagbunga ng pagdami ng mga Pilipinong nagnanais manirahan sa tabing-dagat sa kabila ng mga nakaambang panganib dito. Isa sa panganib ang pagkakaroon ng mga tsunami. Ang salitang tsunami ay nagmula sa dalawang salitang Hapones na tsu at nami na ang ibig sabihin ay ‘harbor waves’ o mga alon sa dalampasigan. Karamihan sa mga tsunami na tumama sa bansa ay nagmula sa Philippine Trench, Manila Trench at ang Cotabato Trench. May anim na lugar sa bansa na itinuring bilang tsunami-prone o malapit sa panganib ng tsunami na tinukoy ng PHIVOLCS (tingnan sa mapa). Isa sa mga pinakamapaminsalang tsunami na tumama sa bansa ay naitala noong Agosto 16, 1976 sa Golpo ng Moro. Ito ay dulot ng pagyanig ng 7.9 magnitude na lindol na kumitil sa buhay ng tinatayang 5,000 – 8,000 katao.

lsa pa sa mga mapanganib na sakunang nararanasan ng mga naninirahan sa tabing-dagat ang storm surge o ang mataas na paghampas at pag-apaw ng tubig sa dagat. Kapag may storm surge, tumataas ang lebel ng tubig sa dagat. Nagdadala ito ng malakas na hangin na siyang tumutulak sa tubig patungo sa baybayin na maaaring magdulot ng matinding pagbaha. Ito ay labis na mapanganib sa mga naninirahan sa mga rehiyong nasa tabing-dagat. Ipinakikita sa larawan sa itaas na ang isang storm surge ay maaaring umabot sa taas na 15 piye mula sa normal na high tide na aabot lamang sa 2 piye. Ang mga imprastraktura na nasa tabing-dagat ay aabutin ng baha kung umabot sa kalupaan ito. Ang larawan naman sa ibaba ay naglalarawan kung paanong ang mata ng bagyo ay nagdudulot ng pagtulak sa water pressure papaloob at papaitaas habang nagpapatong-patong ang tubig na siyang nagpapataas ng lebel ng tubig na nagdudulot ng surge o pag-apaw.

Ang pinakamapaminsalang storm surge ay naganap kamakailan lamang nang tumama sa bansa ang Bagyong Yolanda (Haiyan) partikular sa Gitna at Silangang Visayas. Ilan sa mga naapektuhang lugar ang tabing-dagat na kabisera ng Leyte, ang Lungsod Tacloban na sumira sa halos 90% ng mga imprastraktura nito na inabot ng hindi kukulangin sa 11 bilyong piso. Sa mga sumusunod na bahagi, tatalakayin ang mga pagkilos na isinagawa ng pamahalaan ukol sa nasabing trahedya.