Paano ka nakikipagkomunikasyon sa iyong kapwa mag-aaral, kapamilya, o mga tao sa inyong pamayanan? Ano-ano ang isinasaalang-alang mo? Maglahad ng isang aktuwal na pangyayari sa iyong naging pakikipagkomunikasyon. Gamitin ang Sunshine Outline upang tukuyin ang mga aspektong isinaalang-alang mo tulad ng pook, oras, paksa, layunin, at paraan ng pakikipagkomunikasyon.

KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO AT KOMUNIKATIBO
Kinapapalooban ng dalawang kakayahan ang mabisang komunikasyon: ang kakayahang lingguwistiko o ang kakayahang makabuo ng pangungusap na may wastong kayariang pambalarila at ang kakayahang komunikatibo o kakayahang maunawaan at magamit ang mga pangungusap na may wastong pambalarilang kayarian sa angkop na panlipunang kapaligiran ayon sa hinihingi ng sitwasyon.
Kaugnay pa rin nito ang kakayahan na maipakita at magamit ang alinmang gawi -g pakikipag-usap (speech act) na angkop at naaayon sa hinihingi ng sitwasyon.
Sa dayagram ng lingguwistang si Dell Hymes (1972) na binuo niya sa akronim na SPEAKING, naipakita ang kakayahang komunikatibo at ang mahahalagang salik na sosyokultural at iba pa na dapat isaalang-alang.
S | Settings | Saan nag-uusap? |
P | Participants | Sino ang nag-uusap? |
E | Ends | Ano ang layunin ng pag-uusap? |
A | Act Sequence | Paano ang takbo ng usapan? |
K | Keys | Pormal ba o di pormal? |
I | Instrumentalities | Pasalita ba o pasulat? |
N | Norms | Ano ang paksa ng usapan? |
G | Genre | Nagsasalaysay ba o nakikipagtalo? |
Samantala, sa tsart naman ni Gordon Wells, isang guro sa wika, ipinakita niya ang ugnayan ng tungkulin ng komunikasyon (functions) sa gawi ng pagsasalita (speech acts) upang lubusang maunawaan ang kahulugan ng kakayahang komunikatibo.
Tungkulin ng Komunikasyon | Gawi ng Pagsasalita |
---|---|
Pagkontrol sa kilos o gawi | Pakikiusap. pag-uutos, pagmumungkahi, pagpupunyagi, pagtanggi, pagbibigay-babala |
Pagbabahagi ng damdamin | Pakikiramay, pagpapahayag, panlilibak, paninisi, pagsalungat |
Pagbibigay o pagkuha ng rmpormasyon | Pag-uulat, pagpapaliwanag, pagtukoy. pagtatanong, pagsagot |
Pagpapanatili sa pakiki-pagkapwa at pagkakaroon ng inter-aksiyon sa kapwa | Pagbati, pagpapakilala, pagbibiro, pagpapasalamat, paghingi ng paumanhin |
Pangangarap at paglikha | Pagkukuwento, pagsasadula, pagsasatao. paghihinuha |