Mga Makasaysayang Kalamidad sa Pilipinas

Masasabi mang pesimistiko subalit ang kapahamakan ay nararanasan ng kahit sinuman. Ang mga salitang calamity a kalamidad at disaster o sakuna ay madalas napagkakarngang visa dahil karaniwan itong tum atukoy sa biglaang pagkasira ng mga ari-arian at buhay ng tao na nauuwi sa pagdurusa at pagdadaIamhati. Subalit sa mas malalim na pagsusuri sa etimolohiya o salitang pinagmulan ng dalawang salitang ito ang higit na makatutulong sa iyong pag-unawa ukol sa maggin pokus ng paksang tatalakayin.

Etimolohiya ng Kalamidad

Ang kalamidad ay nagmula sa salitang Latin na ‘calamitatem‘, na unang ginamit noong panahong Midyebal ng mga Ingles upang tukuyin ang pagdurusang dulot ng isang kamalasan o pagkawala. Ito ay dahil sa mga likas na kadahilanan gaya ng bagyo, lindol, at iba pang mga sakunang hindi makokontrol ng mga tao. Hanggang noong sumapit ang ikalabing-anim na siglo, ang salitang disaster o sakuna ay ginamit ng mga Pranses (desastre) at ng mga Italyano (disastro) na literal na nagangahulugang masamang bituin na hango sa dalawang salitang Griyego ang dis-o hindi at aster o bituin upang tukuyin ang mga trahedya na maaaring natural na naganap o gawang-ta na iniuugnay sa mga posisyon ng mga bituin o planeta sa kalawakan. Ang sakuna ay maaaring dulot ng kapabayaan, maling pasiya a maging ng mga likas na puwersa o natural forces. Ang paglubog ng barko, pagkalugi ng negosyo o isang aksidente ay ilan sa mga sakunang gawa nang tao samantalang ang mga pangyayaring gaya ng bahang dulot ng bagyo, sunog sa kagubatan, buhawi, at tsunami ay mga karaniwang halimbawa ng mga likas na sakuna o panganib.

Ano ang disaster o sakuna?

Ayon sa Philippine Disaster Risk Reduction Management Act of 2010, ang disaster o sakuna ay tumutukoy sa “malubhang pagkasira sa kaayusan ng isang komunidad o lipunan na may-kinalaman sa malawakang pagkawala ng buhay ng tao, ari-arian, kabuhayan, at pagkasira ng kapaligiran na nahihigitan ang kakayanan ng apektadong komunidad na makabangon gamit ang kanilang pansariling kakayahanan o kaban (p.5).” Ilan sa mga masamang bunga ng sakuna ay pagkakasakit, pagkawala buhay, at pagkasira ng ari-arian, lipunan at kabuhayan ng mgatao at pagkasira ng kapaligiran. Samantala, ang terminong “state of calamity” o estado ng kalamidad ay tinukoy ng pamahalaan natin bilang “kalagayan kung saan Iubhang napakarami ng mga bilang ng mga namatay, napinsala na ari-arian, pagkasira ng mga pinagkakakitaan, daanan at tulay na labis na nakaapekto sa normal na cpamumuhay ng mga apektadong lugar bunga ng kalimidad a mga sakunang gawang-tao (p. 11).”