Mga Batayan ng Pamaraang Komunikatibo

13929

Malaki ang ginagampanang papel ng wika sa ating buhay. Ang wika ang sentro sa lahat ng ating gawain, higit sa ano pa man, ito ang kaibhan natin sa Iahat ng bagay na nilikha sa mundo. Ang pagkakaroon ng wika ang isang katangiang ikinaiiba ng tao sa hayop. Hindi magiging normal ang ating pagkilos kung wala ito. Wika ang pangunahing instrumento na nagbubuklod sa mga tao hindi lamang sa pakikipagkomunikasyon kundi maging sa pagkilala ng kultura ng iba’t ibang lipunan. Kung walang wika, hahawak na lang tayo, kukumpas, kikilos, sa halip na magsalita. Kung walang wikang naisulat, wala tayong pag-alam sa mga pangyayari sa loob at labas ng bansa. 

Sa harap ng ganitong mga sitwasyon, mahalaga ring pagtuonan ng pansin ang kakayahan ng tao na magamit ang wika sa paraang komunikatibo. Ito ang kakayahan ng tao na magamit ang wika ayon sa pangangailangan nang wasto at angkop sa isang tiyak na gawain.

Ating tatalakayin at ihaharap sa inyo ang apat na uri ng kakayahang komunikatibo—(1) lingguwistiko/gramatikal, (2) sosyolingguwistiko, (3) diskorsal, at (4) istratedyik.

Sa pagsasakatuparan ng mga adhikain ng 21st century teaching and learning, malaki ang hamon na magkaroon ng higit na malawak na pansin sa pangangailangan ng mga kagamitang panturo bilang pagsasaalang-alang sa kapakanan ng mga mag-aaral at upang magkaroon ng makahulugan at mabisang pagtuturo at pagkatuto.

Sa pagpasok ng bagong kurikulum ng Filipino sa senior high school, higit na dapat pagtuonan ng pansin ang bakit at paano sa paglinang sa mga kasanayang komunikatibo sa halip na ang tuon ay sa anoat sino. Naroroon pa rin ang pagtuturo sa mga tuntuning pangwika ngunit dapat ay umaayon sa teorya ng mga “Behaviorist Psychology of Learning,” na ang paniniwala sa pagtuturo at pagkatuto ng wika ay “habit formation” na binubuo ng stimuius at response.

Kung gayon, sa bagong pananaw sa pagtuturo ng wika, higit na nakatuon ang pansin sa paglinang ng kakayahang komunikatibo kaysa sa simpleng kabatiran tungkol sa wika. Ang kakayahang komunikatibo ay nauukol sa kakayahan sa aktuwal na paggamit ng wika sa mga tiyak na pagkakataon.

Sa puntong ito, dapat alalahanin ang ipinaliwanag ni Chomsky na pagkakaiba ng kakayahan (competence) at pagganap (performance). Ayon sa kanya, ang kakayahan ay nauukol sa kaalaman sa wika ng isang tao, samantalang ang pagganap ay ang kakayahang gamitin ang wika sa angkop na paggagamitan.

Samantala, pinaunlad naman nina Canale at Swain ang kakayahang komunikatibo ni Chomsky. Upang makilala na ang isang tao ay may kakayahang komunikatibo sa isang wika. kailangang tinataglay niya ang apat na kakayahang ito: linguistic o grammatical competence, sociolinguistic competence, discourse competence, at strategic competence.

Kakayahang Lingguwistiko

Sa pag-aarai ng anumang disiplina, masasabing mahalagang magkaroon ng sapat at kinakailangang kakayahang lingguwistiko at komunikatibo ang isang tao. Ang kakayahang lingguwistiko ay naaayon sa mga tuntunin ng wika o balarilang kayarian na alam ng taong nagsasalita ng wikang ito. lto ang kakayahang umunawa at makabuo ng mga estruktura sa wika na sang-ayon sa tuntunin ng gramatika.

Maipakikita ng isang tao na nagtataglay siya ng kaalaman at kakayahang nabanggit kung nauunawaan at nasasabi niya ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag gamit ang angkop na bantas, anyo, at uri ng pangungusap at iba pang mahalagang aspekto ng balarila. Ang kakayahang komunikatibo naman ay hindi lamang naaayon sa kaalamang makagamit ng mga pangungusap na may wastong balarila kundi may kakayahan ding ipakita at gamitin ang alinmang gawaing pakikipag-usap na angkop at naaayon sa hinihinging sitwasyon. 

Isang dalagitang anak ng isang streetcar conductor ang nagmithing maging mang-aawit. But her face was a misfortune. Pagkat maluwang ang kanyang bibig at sungki-sungki pa ang kanyang ngipin.

Nang una siyang kurnanta sa isang nightclub, lagi niyang tinitikom ang kanyang mga labi para itago ang kanyang ngipin. She tried to act glamorous. Gusto niyang maging kaakit-akit. Gusto niyang maging maganda. Ngunit siya’y naging katawa-tawa. Pagkat ang mga arte niya ay hindi makatotohanan, She was headed for failure.

Isang lalaki ang kumausap sa dalagitang singer.

“Pinanood kita, lha. May talent ka. Alam ko kung ano ang pilit mong itinatago. Ikinahihiya mo ang iyong ngipin, hindi ba?

Ang dalagita ay nakadama ng pagkapahiya, ngunit ang lalaki ay nagpatuloy sa pagsasalita.

“What of it? Kasalanan mo ba, bilang mang-aawit, ang magkaroon ng sungki-sungking ngipin? Don’t try to hide them. Open your mouth, and the audience will love you when they see you’re not ashamed. Ang ngipin mong iyan, na pilit mong itinatago, ay posibleng siya pang maghatid sa iyo sa tagumpay na nilulunggati mong marating.”

Tinanggap ng dalagita ang magandang payo ng lalaki. Kinalimutan niya ang kanyang ngipin. Mula noon, she thought only about her audience. She opened her mouth wide and sang with such gusto and enjoyment that she became a top star in movies and radio. At nang siya ay maging sikat na movie personality. other comedians tried to copy her.

Sino ang artistang iyon? Siya ay walang iba kundi si Cass Daley, naging sikat na artista sa Hollywood na hinangaan nang panahong yaon.

(Halaw sa Inspirasyon sa Buhay Kristiyano, Vol, 2, 1995.)

Kakayahang Sosyolingguwistiko

Ang kakayahang sosyolingguwistiko naman ay ang kakayahang magamit ang wika sa isang kontekstong sosyal. Ayon sa mga dalubwika, ito ay isang batayang matatawag na interdisciplinary sapagkat binubuo ng ibait ibang salik panlipunan. Isinasaalang-alang ng isang tao ang ugnayan ng mga nag-uusap, ang impormasyong pinag-uusapan, at ang lugar na kanilang pinag-uusapan.

Ang mga salik panlipunang ito ay pinaikli at nilagom naman ni Dell Hymes sa akronim na SPEAKING (S—Setting P—Place; E—Ends/Layunin; A—Act, K—keys; I—Instrument, N—norms; G—Genre) na tinalakay nakaraang post.

Nang umagang iyo’y bihis na bihis si Binibining Arroyo. Bawat isa sa mga dumarating na mag-aaral ay lumalapit sa mabait at magandang guro. Marami sa kanila ay may dalang kahong napalalamutihan ng lasong pula at iniaabot sa kanya sabay bating: “Happy birthday, Ma’am!” At sinusuklian naman ng guro ng: “Maraming salamat.” 

Huling dumating si Rogel at agad siyang lurnapit kay Binibining Arroyo, sabay bati rito: ‘Maligayang kaarawan, Ma’am,” tuloy abot ng isang malapad at rnaputing-maputing batong animo’y perlas na kumikinang sa tama ng silahis ng araw. “Para po ito sa inyo, paperweight.”

“Naku! Anong ganda nito! Salamat sa iyo,” buong galak na wika ng guro. “Pambihira ito, a. Saan ba nanggaling ito?” 

“Galing po kami nina Tatay sa kabundukan ng Kalparo,” tugon ni Rogel. “Doon po famang sa mga kuweba roon matatagpuan ang ganyang uri ng bato.” 

Alam ni Binibining Arroyo ang pook na tinutukoy ni Rogel at ang hirap ng pagpunta roon. Nabagbag ang kanyang damdamin pagkat para niyang nakikini-kinita na napakalayo ng nilakad ng bath bago nkarating sa pook na iyon upang makakuha ng gayong uri ng bato. “Hindi ka sana nagpakapagod nang gayon upang mabigyan mo ako ng ganyang regalo,” wika niya.

“Talaga pong ganoon. Bahagi po ng aking regalo ang mahabang paglalakbay,” tugon ni Rogel na may ngiti sa labi. 

SSaan nag-uusap?
PSino ang nag-uusap?
EAno ang layunin ng pag-uusap?
APaano ang takbo ng usapan?
KPormal ba o di pormal?
IPasalita ba o pasulat?
NAno ang paksa ng usapan?
GNagsasalaysay ba o nakikipagtalo?

Kakayahang Diskorsal

Ang kakayahang diskorsal ay tumutukoy sa kakayahang mabigyan ng wastong interpretasyon ang napakinggang pangungusap/pahayag upang makabuo ng isang makabuluhang kahulugan. Ang tagumpay ng pag-unawa sa isang diskurso ay sang-ayon sa kaalamang taglay kapwa ng nag-uusap, “world knowledge” ng mga nag-uusap, at maging ng kaalamang lingguwistiko; estruktura, at diskurso, at kaaiaman sa social setting.

Sa pagdidiskurso, mahalaga na:

  1. maging mapanuri hindi lamang sa salita kundi sa kulturang nakapaloob dito;
  2. mahusay maghinuha ng mga impormasyon gaya ng integrasyon ng kilos sa salita;
  3. magkaroon ng kritikal at malalim na kakayahan sa pag-unawa ng mga mensahe;
  4. maisaalang-alang ang sumusunod na mga dimensyon:
    • Konteksto—Gaya ng inilahad ni Hymes sa kanyang SPEAKING theory, tungo sa ikatatagumpay ng isang pakikipagtalastasan, mainam na makita ang kabuoang konteksto (setting. participants. ends, acts, keys, instrumentalities, norms, at genre). Sa pamamagitan nito maaaring mapaangat ang sensibilidad ng dalawang nag-uusap.
    • Kognisyon –Tumutukoy sa wasto at angkop na pag-unawa sa mensahe ng mga nag-uusap. Bahagi ng kognisyon ang oryentasyon at kulturang kanilang kinabibilangan.
    • Komunikasyon—Ang dimensyong ito ay tumutukoy sa verbal at di verbal na paghihinuha ng mga impormasyon.
    • Kakayahan—Likas sa mga tao ang pagkakaroon ng kakayahan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat. Ang mga ito ang siyang pangunahing kailangan sa mahusay na pagdidiskurso.

Kakayahang istratedyik

Ang panghuling elemento, ang kakayahang istratedyik, ay tumutukoy sa mga estratehiyang ginagawa ng isang tao upang matakpan ang mga di perpektong kaalaman natin sa wika nang sa gayon ay maipagpatuloy ang daloy ng komunikasyon. Ginagamit dito ang verbal at di verbal na paraan ng pakikipagkomunikasyon. lian sa mga estratehiyang ito ay ang sumusunod:

  • pag-iwas sa isang paksang pinag-uusapan na hindi niya alam, pilit na iibahin ang paksa
  • pagbubuo ng bagong salita (mananakay sa halip na pasahero)
  • paggamit ng mga pahayag tulad ng kasi…ano…; sa totoo lang, ano…
  • pagsasabi ng “alarn ko yan, yung ano, nasa dulo ng dila ko…”
  • pagpapaulit ng isang tanong, “pakiulit nga, medyo, hindi ko nakuha”
  • pagpapakita ng di berbal na reaksiyon tulad ng pagtataas ng kilay, pag-ismid, malayong tingin, pagkibit ng balikat

Samakatwid, ang isang nagsasalita ay talagang humahanap ng paraan o ang tinatawag na coping and survival strategies upang matagumpay na makapasok sa isang proseso ng pakikipagkomunikasyon.

Isang karpintero ang abaia sa kanyang trabaho sa likuran ng kanitang bahay nang lumapit sa kanya ang anak na lalaki. Tumayo ito sa kanyang tabi at nagmasid sa kanyang mga ginagawa. Dali-daling dumukot ng I(aunt.In bar a an ka sintero at iniabot sa anak.

“Hindi ko po kailangan ang pera, Itay,” pagtanggi ng anak.

Makalipas ang ilang sandali ay kumuha naman ng tinapay ang karpintero at muling iniabot sa anak

Muling tumanggi ang bata. “Hindi po ako nagugutom.”

May halong pagkayamot at pagtataka na tinanong ng naaabalang ama ang kanyang anak. “Ano ba talaga ang kailangan mo, bata ka?”

“Wala po, Itay. Nais ko lamang po kayong pagmasdan at makapiling. Pinag-aaralan ko po ang inyong ginagawa para paglaki ko, ako na lamang po ang gagawa nang makapagpahinga na rin kayo.

Napatda ang ama sa sinabi ng anak. Sa labis na kasiyahan at pagmamalaki sa pagkakaroon ng isang anak na tulad ng bata, di niya namalayan ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata.

“Bakit po kayo lumuluha, Itay?” Hindi sumagot ang ama, sa halip ay kinabig ang anak at niyakap nang buong higpit.