Mga Batayan sa Pagsulat ng Konseptong Papel

12767

Mula sa iyong nabuong paksa, pahayag ng tesis, at balangkas ay maaari ka na ngayong bumuo ng iyong konseptong papel. Sa pamamagitan nito’y mailalahad mo ang magagawa mo upang mapatunayan ang iyong paksa at pahayag ng tesis. Samakatwid, ito ang magsisilbing proposal para sa gagawin mong pananaliksik. 

Makatutulong ang konseptong papel upang lalong magabayan o mabigyang-direksiyon ang mananaliksik lalo na kung siya’y baguhan pa lang sa gawaing ito. Bago pa man kasi niya gawin ang malalimang pagsisiyasat o pagpapatunay sa pamamagitan ng mga nakalap na ebidensiya ay magkakaroon na siya ng pagkakataong maipakita o mailahad kung ano ang mangyayari. Sa pamamagitan nito’y malalaman agad ng guro ang tunguhin o direksiyong ninanais niya para sa sulatin. Makapagbibigay agad ngfeedback, mungkahi, o suhestiyon ang guro kung sakaling may mga bahagi sa konseptong papel na kailangang maisaayos pa.

Ayon kina Constantino at Zafra (2000), may apat na bahagi ang konseptong papel na binubuo ng rationale, layunin, metodolohiya, at inaasahang output o resulta.

  1. Rationale—Ito ang bahaging nagsasaad sa kasaysayan o dahilan kung bakit napiling talakayin ang isang paksa. Mababasa rito ang kahalagahan at kabuluhan ng paksa.
  2. Layunin—Dito naman mababasa ang hangarin o tunguhin ng pananaliksik base sa paksa.
  3. Metodolohiya—Ilalahad dita ang pamamaraang gagamitin ng mananaliksik sa pangangalap ng datos gayundin ang paraang gagamitin sa pagsusuri naman niya sa mga nakalap na impormasyon.

    May iba’t ibang paraan ng pangangalap ng datos o impormasyon. Ang pinakakaraniwang paraan ay ang tinatawag na literature search kung saan ang mananaliksik ay naghahanap ng impormasyon o datos sa mga kagamitang nasa aklatan at sa Internet. Gayumpama’y madalas na hindi sapat ang impormasyon o datos na makukuha sa nasabing paraan depende sa layunin, uri, gamit, at larangan kung saan kabilang ang paksang sinasaliksik. Kay’a naman, may mga mananaliksik na nangangailangang magsagawa ng obserbasyon at pagdodokumento ng mga naobserbahan, sarbey sa pamamagitan ng pag-interview o sa pamamagitan ng paggamit ng survey form o questionnaire, one-on-one interview sa mga taong may awtoridad at primaryang.makapagbibigay ng impormasyong kinakailangang makuha, o focused group discussion, at iba pa o kombinasyon ng dalawa o higit pang paraan upang higit na mapagtibay ang kanilang argumento o pagpapatunay sa kanilang tesis.

    Kapag nakalap, na ang mga datos ay mayroon ding iba’t ibang paraan ng pagsusuri o pagbibigay-kahulugan o interpretasyon sa mga ito. Maaaring magamit dito ang mga paraang tulad ng empirikal, komparatibo, interpretasyon, pagsusuri sa kahulugan, at iba pa.
  4. Inaasahang output o resulta—Dito ilalahad ang inaasahang kalalabasan o magiging resulta ng pananaliksik o pag-aaral. Dahil patuloy pa rin ang pangangalap ng impormasyon ay maaaring magkaroon pa rin ng pagbabago ang inaasahang resulta sa pinal na papel depende sa kalalabasan ng pagkalap ng datos.

Mababasa sa kabilang pahina ang isang halimbawa ng konseptong papel. Naka-label naman sa gilid ang bawat bahagi nito.

Paano Ginagamit ang E-Textbooks sa Loob ng Silid-Aralan
(Konseptong Papel)

(Rationale)

Ayon kina Bernie Trilling at Charles Fadel sa kanilang aklat na 21st Century Skills: Learning for Life in .our Times (2009), ang kasalukuyang siglo ay nagdala ng mga bagong set ng indibidwal na lubhang naiiba sa kanilang magulang. Sila ang mga digital native. Sila ang unang set ng henerasyon na napaliligiran ng digital media. Sila rin ay naiiba sa mga “natutong gumamit” ng teknolohiya paglipas ng panahon o mga digital immigrants. Inilarawan nila Trilling at Fadel ang mga digital native bilang unang henerasyon sa kasaysayan na mas marami pang nalalaman tungkol sa mga impormasyong digital at teknolohiyang pang-komunikasyon o digital information and communications technologies kaysa sa mga mas nakatatanda sa kanila. Ayon sa kanila, binago nito ang dinamika sa paaralan dahil ang mga mag-aaral na ang mga digital mentor at ang mga guro at magulang na ang mga part-time na mga mag-aaral. Dahil sa pagkalantad ng mga digital native sa mundong digital, siU ay naglalatag ng bagong set ng pangangailangan sa ating sistemang pang-edukasyon.

Ayon muli kina Trilling at Fadel, may mga kakayahang pang-21 siglo o 21st century skills na kinakailangang matamo ng mga mag-aaral. Hindi lamang ang pagiging bihasa sa mga natukoy na kakayahan o identified skills tulad ng problem solving at critical thinking ang kabilang sa mga kakayahang ito, kundi maging ang pagiging bihasa sa mga makabagong kakayahan tulad ng digital media literacy. Ipinaliwanag din nila Trilling at Fadel na may tatlong set ng kakayahan na kinakailangang matamo ng mga mag-aaral sa ika-21 siglo. Ito ay ang life and career skills, learning and innovation skills, at information, media, and technology skills.

(Layunin)

Nais ng papel na ito na mag-pokus sa information, media, and technology skills lalo na at ang ilan sa mga silid-aralan sa Pilipinas ay nagsisimula nang maging hi-tech hindi Umang sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya upang gumawa ng mga teaching aid at instructional material, kundi sa pamamagitan din ng unti-unting pagpapalit sa mga inimprentang teksbuk ng electronic textbook o e-textbook. Nais ng papel na ito na maUman kung paano ginagamit ng mga guro at mga mag-aaral ang e-textbook sa pagtuturo at pag-aaral sa loob ng silid-aralan bilang manipestasyon ng kanilang information, media, and technology skills at kung ano ang impak ng teknolohiyang ito sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto sa loob at labas ng mga silid-aralan.

Sa kasalukuyan, magkaka-iba ang lebel ng information, media, and technology skills ng mga guro at mag-aaral sapagkat iba-iba rin ang kanilang exposure sa mga makabagong teknolohiya. Dahil dito, ipinahahayag ng papel na ito na ang paggamit ng e-textbook sa loob ng silid-aralan ng mga mag-aaral at mga guro ay naka-depende sa kanilang information, media, and technology skills.*

(Metodolohiya)

Ipinapanukala ng konseptong papel na ito ang pagsasagawa ng pakikipanayam sa ilan sa mga gul’o at mag-aaral na gumagamit ng e-textbook bilang metodo ng pagkalap ng impormasyon ayon sa layunin ng pananaliksik na isasagawa. Ipinapanukala rin. ng papel na ito ang pagsasagawa ng obserbasyon sa mga silid-aralan ng isang piling paaralan na nagpapatupad ng paggamit ng e-textbook sa pili nitong mga pangkat at baitang upang higit na mapatatag ang mga datos na makukuha mula sa paki kipanayam. Inaasahang makabubuo ng 50 pahinang output ang pananaliksik na isasagawa na tumutugon sa layunin ng papel na ito.

(Inaasahang output o resulta)

Inaasahan ding makapagpapahayag sa output ng mga rekomendasyon na maaaring Inaasahang magamit ng piniling paaralan o ng iba pang paaralang nagnanais na output o resulta gumamit ng e-textbook sa kanilang kurikulum. Ang bahaging nakasulat nang madiin ay ang pahayag ng tesis o thesis statement ng pananaliksik na ito.