Mga Batayang Kaalaman at Konsepto sa Wika at Komunikasyon

lsa sa mga pinakadakitang biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa tao ay ang wika. Dahil sa wika, nagkakaunawaan at nagkakalapit-lapit ang mga tao sa daigdig. Ito ang kasangkapan upang maipadama ng tao sa kanyang kapwa ang anumang kanyang naiisip, nadarama, at nakikita tungkol sa kanyang paligid. Nang dahil sa wika ay naitala at nailarawan ng mga unang tao ang kanilang mga karanasan noong unang panahon. Sa pamamagitan ng wika ay nasasatamin ng tao ang uri ng pamumuhay ng ninunong pinagmulan ng mga mamamayan ng isang bansa. 

Bawat bansang malaya, tulad ng Pilipinas, ay nagnanais magkaroon ng isang panlahat na wikang pambansang may silbi bilang: (1) isang simbolo ng pambansang dangal, (2) isang simbolo ng pambansang identidad, (3) kasangkapang pambuklod ng mga grupong may iba’t ibang sosyokultural at lingguwistikang pinagmulan, at (4) isang paraan ng komunikasyong inter-aksiyonal at interkultural.

Filipino ang wikang pambansa natin na patuloy na pinauuniad sa anyo, estruktura, at sa pinaggagamitang larangan—pagbasa at pagsulat.

Ang isang buhay na wika ay ginagamit sa iba’t ibang larangan. Sa simula pa lamang ay ginagamit natin ang wika sa pakikipag-usap tungkoi sa mga bagay na pang-araw-araw sa buhay ng pamilya at sa ating mga kaibigan, sa palengke, at pang-ordinaryong pangangalakal. 

Ang paggamit ng wika sa diskursong pang-akademik at pampropesyonal ay tinatawag na intelektuwalisasyon ng wika. Bago ang katawagang Ito at hanggang sa ngayon ay tinutuklas pa natin ang mga dimensyon ng penomenong ito, kung paano natin mapauunlad ang isang wikang tulad ng Filipino bilang intelektuwalisadong wika. 

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagsasagawa ng mga pag-aaral na may kaugnayan sa pagpapaunlad ng wika sapagkat napakaraming wika ang ginagamit ngayon sa mundo.

Bilang panimulang pag-aarai, ang modyul na ito ay tatalakay sa mga teorya at konseptong may kaugnayan sa wika.