Binubuo ang Pilipinas ng higit sa pitong libong pulo kaya hindi rin kataka-takang mayroon tayong iba’t ibang wika at diyalekto. Dahil ang wikang pambansa nating Filipino ay ibinatay sa Tagalog, marami pa rin ang nahihirapang umunawa o umintindi ng ilan sa mga salitang ginagamit ng kalahatan sa mga Pilipino lalo na iyong mga nasa Visayas at Mindanao na ang ginagamit ay ang kanilang unang wika.
Sa harap ng ganitong mga sitwasyon, kinakailangang gumawa ng pananaliksik upang mabatid ang mga hadlang sa lubusang pag-unawa sa kahinaan ng nakararaming mag-aaral na Pilipino sa pagpili at paggamit ng angkop na salita sa pakikipagkomunikasyon. Ito ang pokus ng pag-aaral na isinagawa ng mga guro sa abstrak na babasahin sa ibaba.
MGA KAMALIAN AT KAHINAAN NG MGA
MAG-AARAL NA DI TAGALOG SA PASULAT
NA PAKIKIPAGTALASTASAN: ISANG
PAGSUSURI AT MGA MUNGKAHING SOLUSYON
— Florante C. Garcia, PhD, Diosa N. Morong, PhD
Panimula
Isa sa mga karaniwang suliranin ng mga gurong nagtuturo ng asignaturang Filipino sa lahat ng antas ng pag-aaral ay ang kamalian at kahinaan ng mga mag-aaral na di Tagalog sa paggamit ng mga salita sa wikang Filipino sa pasulat na pakikipagtalastasan.
Mga Suliranin
Naging layunin ng pag-aaral na mabigyang solusyon ang sumusunod na mga suliranin:
- Ano-ano ang kapuna-punang kamalian at kahinaan ng mga mag-aaral na di Tagalog batay sa sumusunod:
- ispeling
- leksikon/bokabularyo
- gramatika
- Ano ang maidudulot ng sumusunod na mga mungkahing solusyon sa pagwawasto ng kamalian at kahinaan sa pagsulat ng mga mag-aaral:
- pagkritik sa pagsulat
- configuration clue
- word wall
- structural analysis
- written conversation
- Paano nakatutulong sa pagpapabuti ng kakayahan sa pagsulat ng mga mag-aaral na di Tagalog ang mga mungkahing solusyon?
- Ano ang maaaring maging bunga sa literal na pagkasangkapan ng mga mungkahing solusyon sa pagwawasto ng mga suiiranin sa pasuiat na pakikipagtalastasan?
Buod ng Natuklasan
Sa pamamagitan ng pananaliksik na deskriptibo ay sumailalim sa case study ang ilang mag-aaral ng Adamson University na kumukuha ng mga kursong Nursing at Engineering. Ang paglalagom ng mga natuklasan ay inihahanay sa sumusunod na mga bilang at pahina:
- Ang mga naging kapuna-punang kahinaan at kamalian ng mga di Tagalog na mag-aaral ay ang sumusunod:
- Sa ispeling, ang malimit na suliranin ay ang pagpapalitan ng ponema na /e/ /i/ at /u/. Mayroon ding mga maling pagkakasulat sa mga salitang tinumbasan ng pinakamalapit na kaanyuan.
- Ang di magkakatugmang konseptuwalisasyon at ekspresyon at ang maling paglalapi na nagpapabago sa kahulugan ng mga suliranin sa leksikon.
- Tatlong aspekto ng gramatika ang naging kahinaan ng mga mag-aaral kabilang na ang morpolohiya, sintaks, at semantika.
- Ang mga mungkahing solusyon ay nagdulot ng sumusunod na mga benepisyo:
- Pag-kritik sa pagsulat ang iminungkahi upang mapalawak ang oportunidad ng mag-aaral sa pagsulat, maging mabisang kritiko, at mapaunlad ang kritikal na mata sa pagpapahalaga.
- Ang hugis ang siyang estimulong pampag-iisip ng mag-aaral sa pagdulog na ginamitan ng configuration clue, pinahuhusay nito ang kasanayan sa ortograpiya.
- Naglalaan ang word wall ng multiple exposure sa iba’t ibang antas, anyo, at kayarian ng wika na higit na magbibigay-kabuluhan sa akda.
- Subranin sa paglalapi at pagpapakahulugan ang binibigyang-tugon ng dulog na structural clue.
- Kasiguruhan sa partisipasyon at pagkaunawa ang nilayong ibahagi ng written conversation.
- Ang mga mungkahing solusyon sa pagkalahatan ay nakatutulong upang makapaglatag ng hinuha, burrlo ng ugnayan, lapatan ng personal na koneksiyon, maging mapagtanong, at matulungang kilalanin ang kamalian at konsistensi sa gamit ng wika.
- Sa aspekto ng literasi ay naisasakatuparan ng mga mungkahing solusyon, ang pagpapakilos ng kaisipan upang ang mga ideyang lantay at hindi namamalayan ay mapaunlad at maibahagi.
Mga Kongklusyon
Mula sa mga natuklasan ay ipinapahayag ang sumusunod na mga kongklusyon:
- Ang mga mag-aaral na di Tagalog ay may kapuna-punang kamalian sa aspekto ng ispeling—partikular sa gamit ng o/u at e/. Gayundin, ng maling paglilipat ng mga kaisipan sa papel. Ang mga suliranin sa leksikon ay nauugnay sa maling paglalapat ng salita sa kahulugan at maling paglalaping nagdudulot ng pagbabago sa kahulugan.
- Ang benepisyo ng mga mungkahing solusyon ay ang pagpapataas ng kamalayan, pagiging bukas ng isipan, partisipasyon, at husay sa kritisismo at panunuri.
- Maraming bisang pangkaisipan ang idinudulot ng mga iminumungkahing kaisipan sa pagpapahayag ng mga mag-aaral lalo sa aspekto ng pagsulat.
- Nagiging mabisang kasangkapan sa literasi ang pagkasangkapan ng mga mungkahing solusyon sapagkat nakatutulong ito na maangkin ng mag-aaral ang competency at impormasyon sa mabisang pagsulat.
Mga Rekomendasyon
Batid ng mananaliksik na hindi lamang umiikot sa variant ng Iahi, wika, kasanayan, at pamamaraan ng paglalahad ang mga suliranin ng ilang mag-aaral. Dahil dito ay iminumungkahi ang sumusunod:
- Adaptasyon at pagpapalawak pa ng sakop na paksa ng mga pagdulog, lalo ng pagki-kritik at pakikipag-usap na pasulat upang matuto ang mag-aaral ng pakikisama at pagkilatis nang masining.
- Integrasyon ng mga mungkahi sa iba pang aralin at asignatura na mahalaga ang mabulas na kaban ng salita at mahusay na kasanayan sa pagsulat.
- Paglalapat ng mga mungkahi sa kurikulum at mga pamamaraang pampagtuturo mula antas primarya hanggang tersyarya.
Sanggunian: MLQU Research Journal, MLQU School of Graduate Studies 2003-2005