Taglay ng konklusyon ang pangkalahatang paliwanag sa nais na maipahayag ng akademikong sulatin. Makikita sa konklusyon ang kasagutan sa mga itinampok na katanungan sa isinulat na pag-aaral. Kadalasang nasa anyong pabuod ang konklusyon na binuo batay sa natuklasang kaalaman. Mula sa konklusyon, huhugot ng payo o rekomendasyon tungo sa bago o pagpapatuloy ng isinagawang pag-aaral o akademikong sulatin.
Likas sa pagsusulat ang paggamit ng isip, damdamin, at kilos. Ang ugnayan ng ideya, nararamdaman o saloobin, at tiyak na kilos ang batayan ng isang komprehensibo at epektibong pagsulat. Nakasalalay sa ugnayan ng isip, damdamin, at kilos ang nilalamang dapat maipahayag sa anumang isusulat na akademikong sulatin. Ito ang batayang sandigan ng manunulat. Sa pamamagitan nito mas nagiging malawak, malalim, at matibay ang anumang impormasyon upang makapaglahad, makapagsalaysay, makapaglarawan, makapangatuwiran, at ma.kapanghikayat.