Mga Katangian,Tungkulin, at Pananagutan ng Isang Mananaliksik

Bilang isang nagsisimulang mananaliksik, kailangan mong malaman ang iyong mga katangian at kapasidad upang maisagawa ito nang maayos at mahusay. Bago mo suongin ang isang bagay na katulad ng pananaliksik, kailangang mabatid mo muna ang mga bagay-bagay na dapat mong maisagawa upang magtagumpay ka sa iyong layunin.

Ano nga ba ang dapat tandaan sa isang maayos at makabuluhang pananaliksik?

Katangian

Bilang isang mananaliksik, kailangan mong taglayin ang sumusunod na mga katangian dahil ang mga ito ay makatutulong para maging maayos at organisado ang iyong magiging produkto.

  • Malakas ang loob
  • Mapanuklas
  • Matiyaga
  • Masinop
  • Masistema
  • Mapamaraan
  • Mahusay magsiyasat
  • Disiplinado
  • Magaling makipag-usap
  • Obhetibo, walang kinikilingan

Tungkulin at Pananagutan

May mga bagay na dapat isaalang-alang ang mga mag-aaral na manana-liksik na tulad mo na nakatutulong upang higit na maging maayos ang gagawing pananaliksik.

  • Matapat na tinutugunan ang mga gawain sa pananaliksik. Halimbawa nito ay ang matapat na pangangalap at pag-uulat ng mga datos. Hindi maaaring mag-imbento ng mga datos. Kadaiasan, bahagi ng pananaliksik ng mga mag-aaral ang magpas(9got ng sarbey; inaasahan na ang sarbey ay “sadyang” pinasagutan sa mga respondent at kung anuman ang kinalabasan ng sarbey na ito ay ang siyang dapat na iulat.
  • Obhetibo. Inilalayo ang iyong personal na hangarin o intensiyon sa paksa o isyung sinasaliksik. Ang mananaliksik ay walang pagkiling sa resulta ng kanyang pag-aaral. May mga pagkakataon na taliwas ang resulta ng pag-aaral sa inaasahan. Kung magkaganito man, hindi ito dapat manipulahin.
  • Maingat sa anumang pagkakamali at malayo sa kapabayaan. Kinikilatis nang mabuti ang mga nabuong gawain. Tinitingnan kung wasto ang mga nailipat na datos. Kinikilala ang mga may-akda na pinagkunan ng impormasyon. Malinis at maayos ang pagkakasulat ng mga salita at impormasyon, kung kaya’t mahalaga ang paulit-ulit na pagbabasa (proofreading) upang maiyos ang kahinaan ng pananaliksik na papel.
  • Bukas ang isipan sa mga puna at bagong ideya. Ang mga mag-aaral na mananaliksik ay tumatanggap ng mga suhestiyon at puna. Para sa kanila, ito ay magpapaganda at magpapabuti pa ng ginawang pananaliksik.
  • May paggalang sa Intelektuwal na pag-aari kung kaya’t kinikiiala ang awtor o sumulat ng impormasyon at ideya. Ito ay binabanggit ayon sa pangangailangan. Hindi inaangkin ang gawa ng iba at hindi tahasang kumokopya.
  • Mapagkakatiwalaan ang mananaliksik sa mga kasunduan. Halimbawa, kapag ibinilin ng respondent na itago ang kanyang katauhan, ito ay dapat sundin at igalang. Gayundin ang iba pang bagay na hiniling sa mananaliksik na maging confidential.
  • May paggalang sa mga kasamahan. Karaniwan ang pangkatang gawain sa pagbuo ng pananaliksik. Mahalaga ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon upang mapag-usapan ang isyu na kinahaharap. Tanggapin ang gawa ng iba lalo na kung ito ay kapaki-pakinabang. Kung hindi naman, daanin sa maayos na usapan. Alamin at pagtulungang ayusin ang kahinaan sa output ng kasamahan.
  • Responsable sa lipunan. Tandaan na ang pananaliksik ay may layuning magdulot ng kabutihan. lwasan ang mga isyung sisira sa imahen ng isang tao, samahan, o institusyon. Kung hindi naman maiwasan ang paglalahad ng negatibong isyu, maging obhetibo at responsable sa paglalahad.
  • Hindi nagtatangi ng mga kasamahan o kamag-aral, ni ng kasarian, relihiyon, kultura, lahi, at iba pang salik na maaaring sumira sa kahusayan at integridad ng ginagawang pananaliksik.
  • May kahusayan. Inaasahan na ang mananaliksik ay hindi eksperto sa pagsulat at pagbuo ng pananaliksik kung kayalt naroon ang paggabay ng guro. Gayumpaman, inaasahan na aayusin at pagbubutihin niya ang gawa. Tandaan, ang anumang pagsisikap na ibinibigay sa pananaliksik ay magdudulot ng positibong bunga.

Etika ng Pananaliksik

Pananagutan ng isang mananaliksik ang pag-iwas at pag-iingat sa plagiarism o pangongopya ng gawa ng iba. Samakatwid, kailangan niyang maging matapat sa kanyang isinusulat at mapaninindigan niya ang anumang kinalabasan ng produktong ginawa niya sa lahat ng oras.

Malawak na ang daan ng komunikasyon dahil sa teknolohiya. Buks na ang pinto sa lahat ng sources o sanggunian. Gayumpaman, kailangan pa rin ng isang mananaliksik na ipakilala at ipabatid sa kanyang mga mambabasa ang pinagmulang sanggunian ng anumang datos na isinama niya sa kanyang ginawang pananaliksik.

Matapos maaprobahan ang batas kaugnay ng Intellectual Property Rights, mahalaga ang mahigpit na pagsunod sa mga probisyon nito upang makaiwas sa anumang kasong sibil at kriminal na maaaring kahantungan ng isang mananaliksik.

Narito ang ilang matatawag na Etika ng Mananalisik.

  • Paggalang sa karapatan ng iba. Kung gagamitin bilang respondent ang isang pangkat ng mga tao anuman ang antas na kinabibilangan nila, kailangan ang kaukulang paggalang, o respeto sa kanilang karapatan. Hindi maaaring banggitin ang kanilang pagkakakilanlan kung wala silang pahintulot. Kung gagamit naman ng hayop sa pag-aaral lalo na sa larangan ng agham, kailangang iwasang sila ay masaktan o mamatay.
  • Pagtingin sa lahat ng mga datos bilang “confidential”Kinakailangang tratuhin ang lahat ng datos at detalye na nakuha mula sa sarbey, interbyu, o anumang paraan na confidential. Nasa sariling pamamaraan ng mananaliskik kung paano niya ilalahad ang kabuoan ng mga detalyeng ito.
  • Pagiging matapat sa bawat pahayagNararapat na matapat at naaayon sa pamantayan ng pagsulat ang anumang pahayag sa kabuoan ng sulating pananaliksik. Hindi maaaring baguhin ang anumang natuklasan para lamang mapagbigyan ang pansariling interes o pangangailangan ng ilang tao. Hindi maaaring gumawa at gumamit ng mga pekeng datos.
  • Pagiging obhetibo at walang kinikilingan. Dapat ay walang kinikilingan ang isang mananaliksik. Kailangang matapat niyang mailahad ang resulta ng kanyang pananaliksik nang walang pagkiling sa sinuman. Dapat ay maging obhetibo siya sa lahat. Kinakailangang maibigay kung ano taiaga ang nararapat para sa isang tao, pangkat ng mga tao, institusyon, at iba pa na sangkot sa kanyang ginawang sulating pananaliksik.