Mga Tip o Paalala sa Pagpili ng Paksa Para sa Pananaliksik

Ang paksa ay ang pangkalahatan o sentral na ideyang tinatalakay sa isang sulating pananaliksik. Napakalaking bahagi sa pagkakaroon ng matagumpay na sulating pananaliksik ang pagkakaroon ng isang mahusay at lubos na pinag-isipang paksa. Mahabang panahon ang ginugugol sa pangangalap ng datos kaya naman, makabubuting napag-isipang mabuti ang paksang tatalakayin bago pa magkaroon ng pinal na desisyon. Gayumpaman, kung sa proseso ng pangangalap ay marami kang natuklasang impormasyong higit na makapagpapabuti sa iyong isinusulat kung rerebisahin mo nang bahagya ang paksa, maaari mo pa ring gawin subalit huwag mo lang kalimutang konsultahin muna ang iyong tagapayo o guro tungkol sa modipikasyong gagawin mo.

Mababasa sa ibaba ang ilang mahahalagang gabay sa pagpili ng pinakaangkop na paksa:

Interesado ka o gusto mo ang paksang pipiliin mo.

Mahaba at mabusisi ang proseso ng pagbuo ng sulating pananaliksik. Kakain ito ng maraming oras mo at magiging mahalagang bahagi ng sumusunod na mga araw, linggo, at buwan sa iyong bUhay. Kaya naman, mahalagang gusto mo o malapit, sa iyong puso ang paksang pipiliin mo upang mapanatili ang interes at pagpupunyagi mong matapos ang sinimulan mo gaano man ito kabusising gawin. Kapag siriabing malapit sa puso mo o gusto mo, maaaring mapabilang ito sa alinman sa sumusunod:

    • Paksang marami ka nang nalalaman—May mga kabutihan ang pagpili ng paksang may malawak ka nang kaalaman sapagkat batid mo na kung saan ka kukuha ng mga gamit na kakailanganin mo sa pagbuo nito tulad ng mga aklat, datos, o mga taong eksperto sa nasabing paksa bago mo pa man simulan ang pagsasaliksik. Maaari mong tingnan ang mga hilig o interes mo tulad halimbawa ng pagsasayaw, isports na nilalaro mo, musikang bahagi ng maghapon mo, social, media na kathma mo sa halos bawat araw ng bUhay mo, at iba pa.
    • Paksang gusto mo pang higit na makilala o malalaman—Madalas, may mga tao kang higit na gusto pang makilala o mga bagay na hindi gaanong alam at gustong-gusto mo sanang higit pang maUman o makilala. Magiging makabuluhan ang pananaliksik mo sa mga ito sapagkat higit mong mapalalawak ang iyong kaalaman at interes batay sa mga matutuklasan mo sa iyong pananaliksik. Tiyak na marami rin ang mababago sa iyong pananaw o paniniwala habang lumalawak ang iyong nalalaman ukol sa mga bagong paksang ito.
    • Paksang napapanahon—Maraming kabutihang maidudulot ang pagpili ng mga paksang napapanahon. Magiging makabuluhan ang anumang magiging resulta ng iyong pananaliksik sapagkat magagamit ito ng nakararami dahil angkop o tumutugma ito sa kasalukuyang pangangailangan.

Mahalagang maging bago o naiiba (unique) at hindi kapareho ng mapipiling paksa ng mga kaibigan mo.

Malaking bagay kung bago o naiiba ang mapipili mong paksa para maging kapaki-pakinabang ang mga bagong kaalamang ilalahad mo mula sa iyong mga bagong matutuklasan sa halip na pag-uulit lang sa kung anuman ang natuklasan na ng ibang mananaliksik. Isapa, kung may limampung mag-aaral sa inyong antas at ang bubuoin mo ay katulad lang ng bubuoin din ng sampu o higit pa sa kanila, hindi maiiwasang maikompara ang iyong papel sa papel na binuo nila.

Magiging mas mahirap din ang paghahanap ng mga kagamitan kung mas maraming mag-aaral ang mag-uunahan sa paghiram ng magkakaparehong aklat. Kung mangangailangan ka naman ng taong makakapanayam ay magiging mas madaling mapapayag ang taong ito kung isang beses lang siyang kakapanayamin kaysa kung may sampung mag-aaral na hihiling din sa kanya ng panayam para sa magkakaparehong paksa.

May mapagkukunan ng sapat at malawak na impormasyon.

Tulad ng naunang nabanggit, sa pagbuo ng sulating pananaliksik ay hindi dapat sa aklatan at sa Internet lang mangalap ng kagamitan at impormasyon. Habang pumipili pa lang ng paksa ay pag-isipan na kaagad kung saan-saan o kung sino-sino ang panggagalingan ng mga impormasyong isasama sa bubuoin. Makabubtiting matiyak na ang resources (tao man o bagay) ay nariyan at maaaring magamit sa oras o panahong kakailanganin mo para sa gawain.

Maaaring matapos sa takdang panahong nakalaan.

Gaano man kaganda ang paksang napili mo kung hindi naman ito matatapos sa takdang panahon ay mawawalan din ng kabuluhan. Nararapat na alam ng mananaliksik ang haba ng panahong nakalaan para sa kabuoan ng gawain at saka niya ito hati-hatiin sa bawat bahagi upang matagumpay na matapos at maisumite ang gawain sa takdang araw ng pagpasa. Dito rin papasok ang paalalang ang paksa ay dapat angkop sa kakayahan ng mananaliksik. Tandaang habang binubuo mo ang sulating pananaIiksik sa isang asignatura ay may iba ka pang asignaturang mangangailangan din ng iyong panahon at atensiyon kay’a mahalagang umiwas sa masyadong malalawak na paksang aabutin ng taon bago matapos.