May iba’t ibang uri ng pananaliksik ayon sa layunin. Maaari itong mauri sa tatlong kategorya: (1) basic, (2) action, at (3) applied na pananaliksik.
Basic Research
Ang resulta ng tinatawag na basic research ay agarang nagagamit para sa layunin nito. Makatutulong din ang resulta nito para makapagbigay pa ng karagdagang impormasyon sa isang kaalamang umiiral na sa kasalukuyan. Ang sumusunod ay halimbawa ng basic research:
- pananaliksik tungkol sa epekto ng haba ng oras na inilalaan ng mga kabataan sa paggamit ng Facebook sa kanilang pakikitungo sa mga tao sa kanilang paligid
- pananaliksik tungkol sa font na ginagamit ng mga vandals sa Metro Manila
- pananaliksik tungkol sa katangian ng mga boy band na hinahangaan- ng mga kabataan sa isang barangay
Action Research
Ang action research ay ginagamit upang makahanap ng solusyon sa mga espesipikong problema o masagot ang mga espesipikong mga tanong ng isang mananaliksik na may kinalaman sa kanyang larangan. Ang resulta nito ay ginagamit ding batayan sa pagpapabuti ng bagay na siyang paksa ng pananaliksik. Ang mga halimbawa nito ay ang sumusunod:
- pananaliksik sa pinaka-epektibong bilang ng mga miyembro tuwing may pangkatang gawain ang inyong klase sa Filipino upang masigurong ang lahat ay tumutulong o nakikibahagi at natututo sa mga gawain
- pananaliksik tungkol sa epekto ng pagkakaroon ng mga ekstra-kurikular na mga gawain ng mga estudyante sa inyong paaralan sa kanilang academic performance
- pananaliksik kung may epekto ba ang pagkakaroon ng part time job sa pagkatuto ng mga estudyante sa ikalabing-isang baitang sa inyong paaralan.
Applied Research
Ang resulta naman ng applied research ay ginagamit o inilalapat sa majority ng populasyon. Ang mga halimbawa nito ay ang sumusunod:
- pananaliksik kung paano nagaganap ang bullying sa isang paaralan
- pananaliksile kung ano ang sanhi ng malaking achievement gap ng mga mag-aaral sa isang baitang sa isang paaralan
- pananaliksik kung bakit sumasali sa mga gang ang mga kabataan sa isang komunidad.
Pansining ang mga resulta ng applied research ay maaaring ilapat sa rM.s malaking populasyon tulad ng iba pang paaralan o barangay na malapit o nasa paligid ng inyong paaralan o barangay. Maaaring gamitin ng iba pang mga paaralan, barangay, at komunidad ang mga resulta ng mga pananaliksik na ito. Kung hindi man, ang metodong ginamit ng mga mananaliksik ay maaaring gayahin o nang kaunti ng iba pang mga mananaliksik upang magamit nila sa pagresolba ng mga kahawig na problema sa kanilang mga lugar.