Paano i-organisa ang Papel ng Iyong Pananaliksik?

Matapos mong isaayos at suriin ang mga nakalap mong talk ang susunod mo namang gagawin ay kung paano mo i-o-organisa ang mga kaisipang ito upang maisulong mo ang tesis ng iyong sulating pananaliksik. Sa pag-oorganisa ng papel, isinasaalang-alang ang tesis at ang mga datos o impormasyong nasuri.

Mahalaga ang organisasyoni ng papel sa pagsulat ng pananaliksik sapagkat ito ang susi upang madaling maunawaan ang iyong papel, kaya nararapat Iknang na humanap ng paraan upang mahusay na mapagtagni-tagni ang mga talang nakalap.

Maaari mong gamitin ang alinman sa sumusunod na mga prinsipyo sa pag-oorganisa ng papel:

  1. Kronolohikal—Ginagamit ang prinsipyong ito kung ang datos o impormasyon ay ayon sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Kung ang iyong paksa ay naglalahad ng proseso o pangyayari o maging kasaysayan.

    Halimbawa:
    • Ang political dynasty sa Pilipinas Ang ebolusyon ng telepono

  2. Heyograpikal o batay sa espasyo—Ginagamit ito kung ipakikita at ipaliliwanag ang lokasyon, lugar, o iba pang paggamit ng espasyo

    Halimbawa:
    • Ang mga Internet cafe sa paligid ng mga paaralan at pamantasan
    • Ang sistema ng edukasyon sa kabihasnan

  3. Komparatibo—Ginagamit kapag nais ipaliwanag o ipakita ang pagkakatulad at/o ang pagkakaiba ng dalawang bagay, tao, prinsipyo, o kaisipan.

    Halimbawa:
    • Ang paggamit ng e-book at ng tradisyonal na aklat
    • Ang mano-manong pagbilang ng boto at PCOS machine

  4. Sanhi/Bunga—Ginagamit kung nais bigyang-diin ang sanhi at bunga o sanhi o bunga ng isang paksang sinisiyasat. Maaaring alam na ang sanhi at sisiyasatin ang bunga, o kaya ay alam na ang bunga at sisiyasatin naman ang sanhi.

    Halimbawa:
    • Ang kinahihinatnan ng mga mag-aaral na nalululong sa computer games
    • Ang dahilan ng maagang pag-aasawa
  5. Pagsusuri—Ang prinsipyong ito ay ginagamit kung nais ipakita ang paghihimay-himay ng isang buong kaisipan

    Halimbawa:
    • Ang lagay ng paggawa ng indie films sa Pilipinas
    • Ang katotohanan sa likod ng modus na “tanim/laglag-bala”

Ang mga nabanggit ay ilan lknang sa mga prinsipyong ginagamit sa organisasyon ng papel. Maaaring gumamit ng higit sa isang prinsipyo upang ma-debelop ang iyong papel. Kung minsan nga ay nagagamit ang lahat ng mga prinsipyong nabanggit, ngunit karaniwang may isa o dalawang prinsipyo kang gagamitin upang maisulong o ma-debelop ang iyong papel.

Panghuling Balangkas

Matapos mongpag-isipan kung ano o ano-ano ang gagamitin mong prinsipyo upang ma-organisa ang iyong papel ay maaari mo nang buoin ang panghuling balangkas. Ngunit hindi dapat makal ito sa iyo ang tawag na “panghuling balangkas” dahil maaari mo pa rin itong baguhin habang isinusulat mo na ang iyong papel sapagkat marami pa ring ideya o kaisipang pumapasok sa iyong isip. 

Sa pagbuo ng panghuling balangkas, tiyakin ang mga posisyon ng pangunahin at pansuportang ideya. Siguraduhing may hindi bababa sa dalawang ideya sa bawat lebel o antas ng balangkas. Kapag nakabuo ka ng isang maliwanag na panghuling balangkas ay hindi ka mahihirapan sa pagsulat ng iyong draft o borador.