Habang nangangalap ka ng mga datos at impormasyon para sa iyong pananaliksik ay siguruhing inihahanda mo rin ang bibliyograpiya. Bahagi ng isang pananaliksik o aklat ang bibliyograpiya o talasanggunian. lto ay nagpapakita ng talaan ng mga aklat, dyornal, pahayagan, magasin, di nakalimbag na batis katulad ng pelikula, programang pantelebisyon, dokumentaryo, at maging ang mga social media networking site na pinagsanggunian o pinagkuhanan ng impormasyon. Mahalagang magkaroon ng bibliyograpiya o talasanggunian ang isang pananaliksik o aklat sapagkat ito ay isa sa mga katibayan ng pagiging makatotohanan ng pananaliksik o aklat na ginawa. Ipinakikita nito na ang nilalaman ng pananaliksik o aklat ay hindi lamang pansariling opinyon o gawa-gawa ng mananaliksik kundi mayroon talagang iba’t ibang basehan na nagpapatunay ng katumpakan o katiyakan ng mga impormasyong nilalaman nito. Sa pagsulat ng bibliyograpiya o talasanggunian, mahalagang makuha ang pangalan ng may-akda, pamagat ng aklat o artikulo, lugar ng publikasyon, tagapaglathala, at taon kung kailan ito nalathala.
Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya
Bago mo isulat ang pinal na bibliyograpiya ay gumawa ka muna ng pansamantalang bibliyograpiya. Ito ang magiging katuwang mo habang isinusulat mo ang iyong pananaliksik. Ang ganitong sistema ay nakatitipid sa oras at panahon sa paggawa ng pananaliksik. Hindi pa ito ang pinal sapagkat maaari ka pang magdagdag o magbawas ng sanggunian. Narito ang hakbang sa paggawa ng pansamantalang bibliyograpiya:
- Maghanda ng mga index eard na pare-pareho ang laki. Karaniwang 3 x 5 pulgada ang ginagamit ng iba.
- Isulat sa mga index card na ito ang mahahalagang impormasyon ng iyong sanggunian. Ang ganitong paghahanda ay makatutulong para sa paggawa ng pinal na bibliyograpiya.
- Isaayos ang mga index card nang paalpabeto ayon sa may-akda ng iyong sanggunian. Maaari itong ilagay sa isang kahon, folder, o sobre.
May iba’t ibang paraan sa pagsulat ng bibliyograpiya. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
- APA o American Psychological Association
- MLA o Modern Language Association
- Chicago Manual of Style
Maaaring magbigay ang guro ng paraan na inyong gagamitin sa pagsulat ng bibliyograpiya, o kaya ikaw ang mamimili ng estilo. Kailangan lamang tandaan na kung anumang estilo ang iyong gamitin sa umpisa ay iyon na rin ang gagamitin sa kabuoan ng sulatin.
Ang mga hakbang sa pagsulat ng bibliyograpiya gamit ang mga estilong APA at Chicago ay tatalakayin sa araling ito.
Pagkuha at Pagsasaayos ng mga Tala
Sa panahon ngayon, marami ang mapagkukunan ng mga tal’a o datos sa pananaliksik.Nariyan ang silid-aklatan na naglalaman ng maraming aklat, peryodikal, at iba pang babasahin. Nariyan din ang Internet kung saan makakukuha tayo ng napakaraming impormasyon, bagama’t tulad ng mga paalala sa mga pahina 144 at 145 ng Aralin 2, dapat maging maingat sa pagpili ng impormasyon. Maging ang social media networking site ay maaaring pagkunan ng impormasyon. Hindi biro ang mangalap ng mga talk isa itong gawaing talaga namang susubok sa sipag, tiyaga, at pasensiya ng mananaliksik, kaya mahalagang malarnan niya kung paano ito gagamitin at isasaayos. Nararapat na maging maparaan at matapat ang isang mananaliksik, ito ang dalawang pagpapahalagang kailangang bigyang-halaga at isaloob ng isang mahusay na mananaliksik.
Ilang Konsiderasyon sa Pagkuha at Paggawa ng mga Tala
Kung ang pangangalap ng tala ay susubok sa sipag, tiyaga, at pasensiya ng isang mananaliksik, ang pagsasaayos naman ng mga nakalap na tala ay susubok sa pagiging maingat at sistematiko ng isang mananaliksik. Ang kasanayang magsaayos ng mga talang nakalap mula sa mga natukoy na sanggunian ay isang mahalagang kasanayan ng isang mahusay na mananaliksik. Sa kasanayang ito nakasalalay ang dami at halaga ng datos na makakalap. Isa sa mga paraan ng pagsasaayos ng mga tala ay ang paggamit ng notecard o index card. Sa panahon ngayon ng teknolohiya ay maraming paraan ang puwedeng makatulong sa atin sa pagsasaayos ng tala, pero hindi maikakaila na para sa nakararami ay epektibo pa rin ang paggamit ng notecard o index card. May ilan lamang konsiderasyon na dapat isaalang-alang sa paggamit ng notecard, ito ay ang sumusunod:
- Gumamit ng isang card para sa isang kaisipan o ideya. Isa-isahin ang mga datos o impormasyong nakuha sa kahit saang sanggunian, isulat ang mga ito sa magkakaibang notecard. Sa ganitong paraan ay hindi ka na mahihirapan sa pamimili ng gagamitin mong notecard sa oras na kailangan mo ng isang ideya.
- Tiyaking may pamagat at pahina ng aklat na pinagkuhanan ng tala.
- Mas magiging maayos kung isa lang ang sukat ng notecard o index card na gagamitin. Maraming sukat ang notecard o index card, karaniwang ginagamit ang 3 x 5, ang 5 x 8, at 4 x 6 para sa mga ta1a.
- Upang madaling matukoy ang sanggunian ilagay ang datos ng sanggunian sa notecard. Sa kanang itaas na bahagi ng notecard ay isulat ang awtor at pamagat ng sanggunian (aklat, dyornal, website, etc), sa gitna ang pamagat ng tala at sa itaas na kaliwang bahagi ang pahina na pinagkunan ng tala.
5. Maaari ding gumamit ng code upang tukuyin ang sanggunian. Ang sistemang ito ay gumagamit ng titik at numero upang maging code sa notecard.
6. Tiyakin ang uri ng talang gagamitin. Ang uri ng taffi ay magiging batayan ng isang maayos at sistematikong pagsasaayos ng tal& Ang nasa kabilang pahina ay naglalahad ng iba’t ibang uri ng tala.
Mga Uri o Ano ng Talậ
- Direktang Sipi—Ginagamit ito kung isang bahagi Iamang ng akda ang nais sipiin. Dapat lamang isipin na hindi naman maganda kung sobrang haba ang direktang sisipiin. Baka kasi lumabas na ang halos buong papel ay nagmula sa ideya ng iba. Tiyakin ding tama ang pagkakopya ng mga datos at hindi nagbago sa proseso ng pagkopya.
- Sa paggamit ng direktang sipi, kinakailangang lagyan ng panipi (” “) ang bawat nakuhang tala. Kung bahagi lamang ng sipi ang gagamitin, gumamit ng ellipsis (….). Ginagamit ang ellipsis kung hindi binuo ang pangungusap o talata.
- Buod ng Talậ—Ginagamit ito kung ang nais lamang gamitin ay ang pinakamahalagang ideya ng isang tala, tinatawag din itong synopsis. Layunin ng buod na mabigyan ng pangkalahatang ideya ang mambabasa. Bagama’t ang buod ang pinaikling bersiyon ng isang tala, taglay nito ang pangunahing ideya.
- Presi—Mula ito sa salitang Prances na precis na ang ibig sabihin ay pruned or cut down. Presi ang tawag kung ang gagamitin ay ang buod ng isang tala. Sa paggamit ng presi, pinapanatili nito ang orihinal na ayos ng ideya at ang punto de bista ng may-akda. Maaaring gamitin ng mananaliksik ang mga susing salita o key words ng orihinal na manunulat. Humigit-kumulang na sangkatlo ng orihinal na tala ang haba ng presi.
- Sipi ng Sipi—Maaaring gamitin ang sinipi mula sa isang mahabang sipi. Ang ganitong uri ay ginagamitan din ng panipi.
- Hawig o Paraphrase—Isa itong hustong paglalahad ng mga ideya gamit ang higit na payak na salita ng mananaliksik.
- Salin/Sariling Salin—Sa mga pagkakataong ang tala ay nasa wikang banyaga, ginagamitan ito ng pagsasalin. Ito ay ang paglilipat ng ideya mula sa isang wika tungo sa iba pang wika. Mayroon lamang ilang -bagay na dapat isaalang-aIang sa pagsasalin, ito ay ang sumusunod:
- Alamin ang konteksto ng isasalin. May mga salitang iba ang kahulugan depende sa konteksto.
- Ang mga idyoma ay hindi maaaring isalin nang direkta sapagkat maiiba ang kahulugan nito. Halimbawa ang idyoma sa Ingles kapag isinalin nang literal sa Filipino ay magkakaroon ng ibang kahulugan.
- Iwasan ang pagsasalin nang literal.
- Ang mga salitang teknikal at siyentipiko ay maaari nang hindi isalin.