Paggawa ng Porfolio

Sa pamamagitan ng portfolio, ang anumang produkto ng iyong pagsulat ay maiingatan nang husto. Hindi lamang ito isang gawaing pagsulat kundi pangangalaga sa anumang uri ng iyong ginawang sulatin at iba pa.

Bakit Kinakailangang Bumuo ng Isang Portfolio?

Ang portfolio ay mahalagang bahagi ng iyong pagiging propesyonal. Naglalaman ito ng iyong mga napagtagumpayan at naglalahad ng mga bagong kaalaman na iyong natutuhan na maaaring gamitin kapag ikaw ay nag-apply para sa mas mataas na posisyon. Ang portfolio ay parating nagbabago upang maipakita ang resulta ng iyong mga gawain sa pinili mong propesyon.

Kadalasan, ang portfolio ay may anim hanggang labindalawang pahina at may mga kasamang mga dokumentong nagpapatunay sa iyong mga kakayahan at nagawa na. Ipinakikita nito ang buod ng iyong trabaho at ang mga natatanging komendasyon at papuri na iyong natanggap. Binibigyang-importansiya rin dito ang iyong pananaw sa iyong propesyon at kung paano ang pagtrato mo sa mga gawaing ibinibigay sa iyo.Walang istandardisadong paraan ng paggawa ng portfolio. Nasasaiyo kung paano mo ito bubuoin sa masining na paraan. Maaaring ito ay isa lamang koleksiyon ng impormasyon tungkol sa iyo o maglaman ng repleksiyon sa iyong mga nakaraang karanasan tungkol sa iyong trabaho. Maaari kang gumamit ng isang modelo upang tulungan ka sa pagbuo ng iyong repleksiyon.

Mga Kinakailangan sa Paghahanda ng iyong Portfolio

Walang nararapat na itsura ang mga portfolio. lto ay nasa sariling pamamaraan ng taong gagawa nito. Bawat isa ay natatangi ngunit kadalasan ay naglalaman ito ng sumusunod na mga impormasyon:

  • personal na detalye tulad ng pangalan, posisyon, at address
  • talaan ng nilalaman ng portfolio
  • introduksiyon ng mga gawain at responsibilidad sa trabaho
  • isang repleksiyon ng mga responsibilidad at kung paano ito isinasagawa
  • development ng propesyonal na gawain
  • mga ninanais na posisyon at gawain para sa hinaharap
  • mga award at papuring natanggap dahil sa naging serbisyo
  • mga dokumentong nagpapatunay sa mga inilahad na impormasyon

Ang portfolio ay dapat isinulat nang diretso sa punto at sa malinaw na paraan.

Mga Detalye na Nararapat sa Isang Portfolio

Mas mainam kung ang portpolyo ay nahahati sa dalawang bahagi: ang una ay naglalahad ng mga gawain, repleksiyon, at resulta ng mga nasabing gawain, at ang pangalawa ay mga ebidensiya na nagpapatunay rito. Ang mga detalyeng isasama ay magsisilbing representasyon ng mga pananaw bilang isang propesyonal kaya dapat ay maingat itong piliin. Kung gusto ng isang sistematikong pamamaraan sa pagbuo ng portfolia subukin mo ang sumusunod na mga suhestiyon.

  • Ilista ang mga propesyonal na gawain at responsibilidad.
  • Mamili ng mga detalyeng nagpapakita na ang mga ginagawa ay epektibo at may positibong resulta.
  • Maaga pa lamang ay simulan na ang pangongolekta ng mga dokumentong magpapatunay ng kahusayang propesyonal.

Mga Dokumentong Maaaring Isama

  •  Halimbawa ng ebalwasyon ng mga empleyadong iyong pinapamunuan
  • Halimbawa ng ebatwasyon ng mga kaibigan
  • Halimbawa ng mga proyekto
  • Mga presentasyon o publikasyon na ginawa
  • Mga kumperensiya at workshop na dinaluhan
  • Mga komite na kinabibilangan

Rebyuhin ang Iyong Portfolio

Kapag mayroon nang draft ng portfolio, tanungin ang isa sa mga katrabaho na basahin ang nagawa at magbigay ng mga suhestiyon o kritik upang mas mapaganda pa ito. Ang mga pinakaimportanteng bagay na mayroon ang portfolio
ay:

  • Malinaw ba ang pagkakasaad ng mga detalye sa portfolio? Ang portfolio ay dapat madaling intindihin at may talaan ng nilalaman. Dapat ito ay maikli lamang at ipinakikita ang lahat ng mga angking kakayahan.
  • Ipinakikita ba ng portfolio ang kalidad ng naging trabaho?
  • Maging makatotohanan sa mga itinalang abilidad. Maghahanap ang mga babasa rito ng mga dokumento na magpapatunay sa mga nakasulat dito. Siguraduhing naisama ang mga angkop na dokumento.

Mga Pinaggagamitan ng Portfolio

  1. Portfolio para sa sarili
  2. Portfolio para sa isang proyekto
  3. Portfolio para sa isang dokumentasyon ng gawain
  4. Portfolio ng takdang-aralin
  5. Portfolio ng isang pag-aaral