Pagsasaayos at Pagsusuri ng mga Nakalap na Tala para sa Iyong Pananaliksik

Pagsasaayos

Sa nakaraang post ay natutuhan mo ang paggamit ng mga notecard at paggawa ng tentatibong bibliyograpiya, sa puntong ito ay matututuhan mo namang isaayos ang mga nakalap mong tala. Ang sumusunod ay ilang paraan upang makatulong sa pagsasaayos ng mga nakalap mong taffi na isinulat mo sa mga notecard.

    • Suriin ang mga talang isinulat sa mga notecard.
    • Maghanda ng isang notebook o maaaring i-encode sa iyong computer ang anumang kaisipan, tanong, o komentaryong pumasok sa iyong isip habang binabasa ang mga nakalap mong taffi sa mga notecard.
    • Suriin mo ang mga nakalap na impormasyon kung sapat na ba ito o nangangailangan pa ng pananaliksik.

Bago pa man mangyari ang pangangalap ng datos, buo na o halos buo na ang iyong tesis sapagkat maaaring nakabuo ka na ng opinyon o posisyon tungkol sa paksang ito lalo na kung pamilyar ka na o nakapagbasa ka na tungkol sa paksang ito. Maaari ding mapatatag ang tesis matapos ang pangangalap ng datos. Tandaan na nakaugnay sa tesis ang lahat ng bahagi ng sulating pananaliksik.

Pagsusuri

Sa pagsusuri ng mga talang nakalap, siguruhing ang mga impormasyong nakuha ay konektado sa binuong tesis. Kung isasaisip ang tesis habang sinusuri ang mga nakalap na taU., makikita mong may mga talang nararapat isama at mayroon din namang hindi dapat isama dahil malayo ang mga ito sa binuong tesis. Huwag kalimutang suriing mabuti ang mga ideya at i-klasipika ito bilang pangunahin at pantulong na ideya.

Upang lalo mong maunawaan ang paksa at madagdagan pa ang ideya, isulat mo ang iba mong komentaryo tungkol sa paksa at nakalap na tala. Matapos isa-isahin ang mga talk timbangin kung sapat na ba ang nakalap upang mapagtibay nito ang binuong tesis at anumang pahayag na isasama mo sa iyong papel. Matapos ang masusing pagsusuri ng mga nakalap na tailk maaaring rebisahin nang kaunti ang tesis.