Pagsipi at Dokumentasyon

Malaking katungkulan ng manunulat ng anumang akademikong sulatin ang wastong pagkilala at pagtatala sa lahat ng mga datos na ginagamit sa kanyang sulatin.

Nararapat na banggitin at ipakilala nang wasto sa mambabasa ang anumang pinagmulan at ginamit na mga sanggunian sa sulatin.

Napakahalagang kasanayan ang pagsipi at dokumentasyon upang maiwasan ang plagiarism o pag-aangkin ng mga ideya ng iba. Tinatalakay sa post na ito ang mga paksa at paraan para sa wastong pagsipi at dokumentasyon ng mga akademikong sulatin.

Mga Wastong Paraan ng Pagsipi

Sa komunikasyong pasalita o pasulat, kinakailangang maging maingat sa pagbabanggit ng anumang pahayag na binibigkas o isinusulat lalo na kung gumagamit ng hiram na pahayag mula sa ibang tao. Lalo na sa panahong ito na may mga batas na pinaiiral hinggil sa karapatang intelektuwal, napakahalaga ng pagbibigay-galang sa awtor o manunulat sa pamamagitan ng pagbanggit ng kanyang pangalan at paggamit ng panipi bilang tanda ng paghiram ng kanyang mga pahayag.

Ang hindi pagsasaalang-alang ng wastong pagsipi at panipi ay maaaring magbunga ng krimeng plahiyo o plagiarism. Narito ang mga paraan ng pagsipi:

Sa ganitong pagsipi, inilalagay sa loob ng pangungusap o talata ang siniping pahayag at ginagamitan ng panipi o quotation mark upang ikuiong ang sinipi at inilalathala bilang kauri ng teksto.

Halimbawa:

Totoo ang sinabi niyang pahayag, “Ikaw ang nagkasala sa akin.”

Naiiba ang pagsiping palansak sa pagsiping pahulip sapagkat hindi kailangang gumamit ng panipi. Ang tanging dapat gawin ay ihiwalay sa pangunahing teksto ang sipi sa pamamagitan ng paggamit ng isahang patlang o ang pagbaba nito nang isang espasyo at nilalagyan ng higit na malaking palugit papasok (indent) mula sa magkabilang tagiliran ng pahina na dapat gamitan ng mas maliit na tipo kaysa tipo ng pangunahing teksto.

Halimbawa:
Marahil, lahat ng mga Pilipino ay dapat mabatid ang mahalagang konsepto ng ganitong tinuran ni Francisco Balagtas sa kanyang akdang Florante at Laura:

Sapagkat ang mundo’y bayan ng hinagpis,
Mamamaya’y sukat tibayan ang dibdib,
Lumaki sa tuwa’y walang pagtitiis,
Anong ilalaban sa dahas ng sakit?

Isinasalang-alang din ang uri ng sinisipi, ang bilang ng sipi sa loob ng pahina, at ang magiging anyo nito matapos malimbag. Ginagamit din ang palansak na pagsipi sa dalawa o higit pang talata, mga liham (kapag kasama ang bating panimula, pangwakas, at lagda), mga talaan, mga siping may layuning paghahambing, at iba pang materyales na nangangailangan ng natatanging format.

Halimbawa:

Tunay na nakadadala ng damdamin ang mga pahayag na sinabi ni Paula Bianca Caleon sa kanyang talumpating binigkas:

Bilang isang Pilipino, tungkulin niyang mapabuti ang kanyang buhay upang maging kapaki-pakinabang na uring mamamayan ng lipunan. Dapat niyang pangalagaan at sikapin sa sarili na gumawa nang mabuti sa kanyang sarili, sa kanyang kapwa, at sa kanyang magulang at kapatid. Ang anumang pagkabigo na siyang nagdulot sa kanyang sarili ay napakahunggak na katwiran sapagkat nagpatalo siya sa kahinaan na maaaring isulong na mapaunlad ang sarili kung magagawa lamang maging matatag sa lahat ng mga pagsubok na hinaharap. Ang kahinaan ng tiwala. sa sarili ay nagdudulot ng malaking pagkabigo at kasawian ng sariling buhay. Para kang humuhukay ng sarili mong libingan.

Ang pagsiping palansak ay maaari ding gawing pahulip sa pamamagitan ng pagbubuod ng pahayag.

Halimbawa:

Binigyang-linaw sa talumpati ni Dr. Garcia na mahalaga ang paggamit ng Wikang Filipino bilang pangunahing midyum sa pagpapaliwanag ng mga aralin sa klase upang “madaling maunawaan ang itinuturo at mapabuti ang kalalabasan ng mga pagsusulit.”

Maaari din namang sipiin ang orihinal na talata at kung hindi naman kasama sa unang bahagi ng talata sa pagsipi ay kailangang maglagay ng ellipses.

Halimbawa ng orihinal na sipi:

Hindi nangangahulugan ng pagiging liberal ay kalimutan na ng mga Pilipino ang kulturang kinagisnan at ganap na yakapin ang kultura ng kakanluranin. Ang pagiging liberal ay pagiging isang ganap na malayang Pilipinong may mataas na pagkilala sa kanyang sarili at kayang-kayang ipagmalaki kahit kanino ang kanyang sariling kultura. May lakas ng paninindigan na mapaunlad ang sariling kakayahan at mapagyaman ang sariling kalinangan ng bansa tungo sa isang maunlad na lipunan. Nagagawa niyang harapin ang katotohanan na malaki ang papei ng kultura sa pagsulong ng anumang pambansang programa sa pagtatamo ng isang payapa at mabuting sistemang politikal na dapat umiiral sa bansa. 

Halimbawa ng may kaltas na talata:

. . . Ang pagiging liberal ay pagiging isang ganap na malayang Pilipinong may mataas na pagkilala sa kanyang sarili at kayang-kayang ipagmalaki kahit kanino ang kanyang sariling kultura. May lakas ng paninindigan na mapaunlad ang sariling kakayahan at mapagyaman ang sariling kalinangan ng bansa tungo sa isang mauniad na lipunan. Nagagawa niyang harapin ang katotohanan na malaki ang papel ng kultura sa pagsulong ng anumang pambansang programa sa pagtatamo ng isang payapa at mabuting sistemang politikal na dapat umiiral sa bansa.

Ginagamit naman ang paraan ng paglaiagom sa paraang paraphrase kung saan ang isang napakahabang sipi o teksto ay pinaikli subalit lubhang makahulugan upang madaling maunawaan ng mambabasa. Nangangahulugan ito ng pagbabago ng estruktura o pagbabago ng mga salita o pahayag mula sa orihinal na teksto ngunit hindi dapat mabago ang kahulugan o diwa ng mensahe nito.

Halimbawa:

Ayon sa unang pahayag, ang pagiging liberal ay isang daan upang: higit na mapauniad dapat ng mga Pilipino ang kanilang bansa sa: pamamagitan ng wastong pamumuno bilang mahalagang elemento ng sistemang politikal.

Sa pagsipi naman ng liham, gumagamit ng panipi upang ikulong ang liham sa bating pambungad hanggang sa huling salita. Katulad sa karaniwang talata, nilalagyan ng pambukas na panipi ang bawat simula ng talata sa liham. Samantala, ang mga pantulay na salitang gaya ng ganitoat sumusunod ay sinusundan ng tutuldok bago ang isang palansak na sipi.

Halimbawa:

Ipinaliwanag sa Resolusyon ng Senado Bilang 589 ang sumusunod:

Sapagkat, ipinag-uutos ng Saligang Batas na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino at ito ay dapat pagyabungin at pagyamanin.

Sapagkat, napakaraming produkto na inaangkat, iniluluwas, at ipinagbibili sa Pilipinas na may instruksiyon sa paggamit at mahalagang impormasyon na nalilimbag sa mga banyagang wika.

Samantala, karaniwang sinusundan ng kuwit ang mga pantulay na salitang wika, sabi, ayon kay, aniya, bago ang maikling sipi.

Halimbawa:

Ayon kay Secretary Bro. Armin Luistro, “Ang pagtatadhana ng K to 12 Kurikulum ay pagdaragdag ng dalawang taon sa mas mataas na pag-aaral ng mga mag-aaral sa Basic Education na higit na magiging komprehensibo ang mga araling pag-aralan tungo sa habambuhay na pagkatuto.”

Kung ipinakikilala naman ang pariralang gumagamit ng mga salitang sinusundan ng tutuldok, pinapangunahan ito ng isang pangungusap na nagtatapos sa tuldok.

Halimbawa:

Malinaw ang naging paninindigan ni G. Lacsamana sa kanyang sinabi:

Bilang isang mabuting tao, tungkulin ko ang pagkakaroon ng malinis na pamumuhay at maging tapat sa paglilingkod dahil ang budhing walang dalahin ay malinis ang konsensiya na nagdudulot ng kapanatagan. Kung ang lahat ng tao ay magkakaroon ng ganitong panuntunan ay wala na marahil digmaan sa mundo.

Sa pagsipi ng isang pahayag, ikinukulong ng panipi ang pahayag at sa katapusan ng pahayag ay ang gitling kasunod ang pagbanggit ng taong pinagmulan ng pahayag at petsa.

Halimbawa:

“Kaya nga ako ay nagpakadalubhasa sa pagtuturo ng Filipino upang maipamalas ko ang nag-aalab na pagmamahal sa sariling bansa.

— Catalina Santiago, 2016

Sa ibang pagkakataon naman ay ikinukulong ng panipi ang pahayag at pagkatapos ay sinusundan ng pagbanggit ng taong nagpahayag at tuldok sa hulihan.

Halimbawa:

“Ako ang palaging inaasahang mag-ayos ng lahat ng gusot,” wika ni Binibining Santiago.

Hindi na kailangang baguhin o sundan ng kuwit o tuldok ang pahayag kung ang siniping pahayag naman ay nagtatapos sa tandang pananong at padamdam.

Halimbawa:

“Ako na Pangulo ng Pilipinasi Banyaga sa sarili kong bayan!” madamdaming pahayag ni Quezon.

Tinuran pa niya, “Paano ko masasabi sa mga tao ang iniisip ko’t nadarama kung magawa ko iyan ay kailangan ko ang isang interpreter na sa maraming pangyayari’y sinasabi ang gusto niyang sabihin at hindi ang sinasabi ko?”

Sa paggamit ng panipi, maaaring inihuhudyat din ang paggamit ng naiibang himig na mapang-uyam sa paggamit ng isang salita.

Halimbawa:

Napagkatuwaan nga ba ng mga mag-aaral na magbigay ng mga natatanging award sa kanilang masusungit na guro bilang “Huwarang Guro ng Taon”? Lahat ng mga maraming absentna guro ang nagwagi.

Ginagamit din sa pagsipi ang dalawahang panipi (double quotation mark) at isahang panipi (single quotation mark). Ang dalawahang panipi ay pagkukulong ng pahayag at ang isahang panipi ay ginagamit kapag nasa loob ng isa pang siniping pahayag.

Halimbawa:

“Gabi-gabi ka nang lasing. Ano bang nagyayari sa iyo?” usisa ni Berto sa kaibigan. “Hindi naman sa sinisiraan ko ang mga kapitbahay mo pero pinagtsitsismisan ka nilang `Nakakabwisitna palaging lasing ang Marco na yan!’ Tuwing maririnig ko yun ay naiisip ko kung bakit ka nagkaganyan?”

Kapag naman magkasunod ang isahang panipi at dalawahang panipi, hindi na kailangang may espasyo o patlang sa pagitan ng mga ito.

Halimbawa:

“Huwag ka nang magkaila!” agad na sabi ni George.”Binida ni Ana sa akin nakita ka niyang tinulungan mo ang matanda para tumawid.”

“Mabuti nga at tinutungan mo siya,’ ang sabi sa akin ni Ana.” Buialas ni George kay Ruel. “Huwag ka nang magkaila!”

Kapag naman ang ikatlong sipi sa loob ng isang sipi ay may sinisipi din, ginagamit muli ang ikatlong sipi ng dalawang panipi.

Halimbawa:

“Nililinaw lang daw ni George kay Ruel, ‘Ang nakita ni Ana sa pagtulong ni Ruel sa matanda, “Mabuti nga at tinulungan niya” kaya tunay na kahanga-hanga ang ginawa niya.’ at nakita rin ito ni Merly,” bida ni lking kay Lucio.

Kung usapan at diyalogo naman ang sinisipi, karaniwang ikinukulong sa panipi ang pahayag ng isang tauhan lalo na ang bahagi ng isang pinag-uusapan sa akdang pampanitikan. Marami sa ganitong usapan ang mga alamat, pabula, parabula, maikling kuwento, at nobela. Tinatawag na diyalogo ang ganitong usapan sa isang dula at ang paraan upang paghiwalayin ang mga pahayag sa isa’t isa ng mga tauhan sa isang tagpo. Subalit, bihira ang dulang gumagamit ng panipi sa diyalogo. Ang ginagawa na lang ay minamarkahan ang pangalan ng tauhan na malimit ay nasa malaking titik at lahat ay may tuldok, ang bawat pahayag ng isang diyalogo.

Halimbawa:

NANAY: Anak, salamat at dumating ka.
INA: Opo, nanay. Uuwi ako talaga lalo na sa iyong kalagayan ngayon.
ANAK: lto na ang huling sandaling mayayakap kita sa oras na ito.
INA: ‘Nay! Natatakot ako. Paano na ako? Kung mawawala ka? Inay…
NANAY: Ina, huwag kang matakot. Ipaubaya mo na ang lahat sa Kanya.

May mga katha rin namang gumagamit ng gatlang em sa usapan ng mga tauhan.

Halimbawa:

Natatakot ako, Inay—usal ni Ina.
Huwag kang matakot. Ipaubaya natin ang lahat sa Kanya.
Magdasal ka!—Tumahimik ang anak at nanalangin nang mataimtim sa puso. Sumilay sa kanya ang nagliliwanag na silahis ng araw.