Pagsulat ng Borador o Draft para sa Iyong Pananaliksik

Sa wikang Ingles, ang borador ay tinatawag na draft. Hindi pa ito pinal at maaari pang magpasok ng mga ideyang iyong naiisip habang isinusulat o nirerebisa ang iyong papel. Nabubuo ito sa pamamagitan ng pagsasama-sama at pag-uugnay-ugnay ng mga nakalap na talla. Ang borador ay ibinabatay sa panghuling balangkas. Kailangang pag-aralang mabuti ang balangkas bago isulat ang borador. Kung kulang ang datos na nakalap ay tiyak na mahihirapang isulat ang ilang bahagi. Dapat ay mabilis ang pagsulat sa borador upang tuloy-tuloy ang daloy ng kaisipan. Maaari ding samahan ng mga puna, paliwanag, at interpretasyon ng datos ang iyong papel ngunit siguruhing obhetibo ang mga ito at nakabase sa mga may kredibilidad na impormasyon. Bigyang-halaga ang linaw at lohika ng paglalahad ng ideya kaysa sa kung paano mo ito ilalahad. Kung mas pagtutuonan ng pansin ang paraan ng paglalahad ng ideya, baka hindi mo na maisulat ang mga dapat mo sanang maisulat pa.

Mahalagang magkaroon ng borador sa pagsulat ng sulating pananaliksik upang makita mo ang kabuoan nito at mapagpasiyahan kung mayroon pa bang kinakailangang impormasyon, may paliwanag na kailangang palitan o burahin, o kailangang palitan ang organisasyon ng ilan sa mga ideya, na tutulong sa pagsulong ng iyong tesis.

Sa pagsulat ng iyong borador, kinakailangang hawak mo ang pinal na balangkas, mga ginawa mong notecard, at ang tentatibong bibliyograpiya. Maaaring gawin mo ito ng sulat-kamay o ginagamitan ng computer. Magpasiya kung anong paraan ang mas komportable para sa iyo. Sa panahon kasi ngayon, rnas marami atig gumagamit ng computer sa pagsusulat, ngunit may ilan ding gumagamit pa ng bolpen at papel.