Pagsulat ng Sanaysay Batay sa Ginawang Panayam

Ang sanaysay ay isang uri ng kathang naglalahad ng kuro-kuro, karanasan, at damdamin ng isang tao. Isa rin itong uri ng paglalahad na ang tungkulin ay magpaliwanag nang buong-linaw sa mga paksang tinatalakay sapagkat ang ibig ng may-akda ay maunawaan ito ng kanyang mambabasa.

Lumilitaw ang personalidad ng may-akda sa isang sanaysay sapagkat nabibigyan niya ng kislap ng kanyang diwa at ng kulay ng kanyang mayamang karanasan ang piyesa.

Sa pangkalahatan, dalawa ang uri ng sanaysay, ang pormal na sanaysay na ang tinatalakay na paksa ay naaayon sa katotohanan, mas pili ang ginamit na mga salita, at pormal ang tono ng paglalahad. Samantala, ang di pormal na sanaysay ay likha lamang ng mayamang guniguni na iniuugnay sa katotohanan o pinagbasehang mga ideya ng mga paksa, gumagamit ng impormal na salita, at ang tono ay tila nakikipag-usap lamang.

May 12 natatanging uri ng sanaysay: nagsasalaysay, naglalarawan, nagpapa- kahulugan, nanunuri, nangangaral, nagpapaalala, makaagham, namumuna, sosyopolitikal, pangkalikasan, nagpapaliwanag, at nagpaparangal sa tao.

Ang paksa ng isang sanaysay, pormal man o hindi, gy maaaring hanguin sa pamamagitan ng pananaliksik, pagmamasid, pagsusuri sa mga pangyayari at sa pakikinig sa mga panayam o personal na pakikipanayam sa isang awtoridad. Anuman ang pinagkunan ng paksa, ang isang maayos na sanaysay ay binubuo ng Sumusunod na mga bahagi:

  1. Panimula o Introduksiyon. Ito ang bahaging nagpapaliwanag sa paksa, kung paano ito tatalakayin; kung ano ang maaaring makuhang ideya o impormasyon ng magbabasa.
  2. Katawan. Ito ay kailangang maglaman ng mga ideya o impormasyong nais maibahagi sa mga mambabasa at mga Sumusuportang argumento at ebidensiyang magpapatibay sa paksa o katwiran. Kailangang maramdaman ng mambabasa ang lubos na kaalaman ng manunulat sa paksa.
  3. Kongklusyon. Higit sa lahat, kinakailangang tapusin ang sulatin nang may pagbubuod at paglalahad.
  4. Mga Sanggunian. Kailangang isulat ang mga sangguniang ginamit ng nagsulat ng konseptong papel.

Ang sumusunod na rubric naman ang ginagamit upang tayain ang isang Sanaysay.

Interpretasyon:
24-28 Napakahusay
15-23 Mahusay
10-14 Di gaanong Mahusay
5-9 Kulang Pa ang Kasanayan