Ikinuwento ni Jose sa isang kaibigan ang araw-araw, gabi-gabi niyang kalbaryo sa daan. Sinabi niyang sa kabila ng sakit sa ulo na dala ng trapiko, nahahasa ang kaniyang kasanayan sa obserbasyon. Dahil walang ibang magawa, napapansin niya kahit ang kaliit-Iiitang detalye (puting buhok sa nunal sa leeg ng aleng ang sarili lang ang gustong paypayan, nakapanlalaway na amoy ng french fries, cheese burger, at spaghetti, bangaw na nakahimpil sa nanlilimahid na kuwelyo ng mamang nakangangang natutulog). Sinabi rin niyang hindi mapigil sa paglalaro ang kaniyang imahinasyon.
Jose: Ang yaman ng materyal. Ang sarap itula.
Kaibigan: E, ‘di itula mo.
Jose: Saka na, ‘pag naaral ko na.
Kaibigan: Sus, subukan mo lang.
Jose: Mahirap, e.
Kaibigan: Pa’no mo nalamang mahirap, ‘di mo naman sinusubukan?
Jose: Andami ko pa ngang dapat aralin. Sukat, tugma, indayog, basta, marami pa.
Kaibigan: E, ‘di mag-free verse ka. `Di hamak na mas madali `yon.
Jose: Uy, hindi rin. Mukha lang madali, pero challenging’ yon. Pinag-iisipan.
Kaibigan: A, okey.
Sabi ng ilan, ang malayang taludturan ang pinakamadaling isulat na anyo ng tula. Ganito lang daw kadali: mauupo ka, pagaganahin ang imahinasyon, isusulat sa papel o ititipa sa keyboard ang iyong puso at kaluluwa, at hahatiin ang mga linya. Ngunit katulad ng iba pang anyo ng tula, isang napakalaking hamon ang pagsulat ng tulang may malayang taludturan.
Depinisyon ng Malayang Taludturan
Ang malayang taludturan ofree verse sa Ingles (mula sa Pranses na vers libre) ay umusbong sa Pransya noong huling bahagi ng dantaon 19. Bahagi ng pag-iral nito ay tugon sa mga estriktong estruktural na batas sa panulaan katulad ng sesura o saglit na hinto sa bawat taludtod, bilang ng pantig, tugmaan, at iba pa. Niluluwagan ng malayang taludturan ang paggamit ng mga patakarang ito.
Sa mga tulang may malayang taludturan:
- hindi kahingian ang tugmaan;
- walang tiyak na sukat;
- maaaring magkakaiba ng haba ang mga taludtod;
- maaaring magkakaiba ng haba ang mga saknong; at
- sa halip na iayon ang nilalaman sa anyo, may kalayaan ang makatang lumikha ng anumang naising anyo.
Ngunit tandaan na ang pagsulat ng malayang taludturan ay hindi nangangahulugang paglimot sa mga tradisyonal na patakaran sa pagsulat ng tula. Sa katunayan, madalas na pagdebatehan kung ang malayang taludturan ay talagang malaya. Talaga bang walang limitasyon o prinsipyong gumagabay sa pagsulat ng tulang ito? Kung talagang malaya ito, kahit sino ba ay makalilikha ng malayang taludturan?
May mga makata at kritikong tila hindi kinikilala ang pag-iral ng malayang taludturan. Ayon sa Amerikanong kritiko ng panitikan na si Walter Sutton, “walang umiiral na malayang taludturan. Nagsasalungatan ang mga salitang ito. Ang taludtod ay sinusukat. Walang sukat na hindi malaya” (Beyers, 2001, p. 14). Sinabi rin ng isa sa mga pinakamaimpluwensiyang modemistang makata na si T. S. Eliot na “walang taludtod na malaya sa taong gustong lumikha ng mahusay na tula” (Beyers, 2001, p. 14). Hindi sila naniniwalang ang kalayaan sa malayang taludturan ay nangangahulugang kakulangan ng poetikong kontrol at anyo.
May mga nagsasabing napakadali lang ng pagsulat ng tulang may malayang taludturan, anything goes. Ngunit sa katunayan, hindi ito madali kahit sa mga kilala na o batikan nang makata dahil sa disiplinang hinihingi ng pagiging malaya nito. Bagaman ang indayog, bilang ng pantig sa bawat taludtod, paghahati ng mga linya, at bilang at haba ng mga saknong ay hindi sumusunod sa tradisyon, buong ingat na inaayos ng makata ang mga elementong ito sa kaniyang malayang taludturan.
Sa Kanluran, kabilang sina Walt Whitman at T. S. Eliot sa mga nagtaguyod ng rnalayang taludturan. Si Ezra Pound naman ang isa sa mga nagdala ng modernistang estetiko sa tula. Ang kaniyang mga tula, marami sa mga ito ay malayang taludturan, ay may impluwensiya ng Imagist na kilusan sa modernong panulaan. Para sa kilusang ito, hindi kailangang gumamit ng maraming salita sa paghuli, pagbuo, at paggamit ng imahen. Basahin ang tula niyang “A Girl.”
A Girl
Ezra Pound
The tree has entered my hands,
The sap has ascended my arms,
The tree has grown in my breast —
Downward,
The branches grow out of me, like arms.
Tree you are,
Moss you are,
You are violets with wind above them.
A child — so high — you are,
All this is folly to the world.
Maaaring ibinatay ng makata ang kaniyang tula sa mitolohing kinasasangkutan nina Apollo at Daphne. Sa kanilang kuwento, labis ang pagmamahal ni Apollo kay Daphne, samantalang labis naman ang pagkamuhi ni Daphne kay Apollo. Dahil ito sa kagagawan ni Eros matapos siyang insultuhin ni Apollo. Upang makaiwas kay Apollo, nagmakaawa si Daphne sa kaniyang arna na gawin siyang puno.
Sa Pilipinas, kahanga-hanga ang mga likha nina Alejandro G. Abadilla, Rogelio Mangahas, Jose Lacaba, at iba pang modernistang sumalungat sa mga panuntunang inilatag nina Lope K. Santos, Jose Corazon de Jesus, Teo Baylen, at iba pang kumatawan sa tradisyong hinango mula kay Balagtas. Ang tradisyon ng malayang taludturan ay ipinagpapatuloy sa kasalukuyan ng mga bagong henerasyon ng makatang PiIipino na tulad nina Allan Popa, Gennan Gervacio, at Francisco Arias Monteseña.
Ang Simula ng Malayang Taludturan sa Pilipinas
Katulad ng nangyari sa Pransya at sa iba pang barisa, umusbong ang malayang taludturan sa Pilipinas bilang reaksiyon ng kabataang makata sa estriktong paraan ng pagtula. Sa artikulong “Pasulyap Na Tingin Sa Panitikang Tagalog, 1900— 1950,” hinati ng historyador at makatang si TeodoroA. Agoncillo (1970) sa apat na panahon ang panulaang Tagalog mula sa unang taon ng ika-20 siglo hanggang 1950. Makikita dito kung paano umusbong at umunlad ang malayang taludturan sa bansa.
1901 – 1915
Ang unang yugto ng panulaang Tagalog, na nagsimula pagkatapos ng panahon ng himagsikan, ay pinangunahan nina Melecio Bolaños, Albino C. Dimayuga, Roman Dimayuga, Emiliano Manguiat, Pascual H. Poblete, Iñigo Regalado, Modesto Santiago, Bernardo Solis, at iba pang makata. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng tulang Tagalog sa panahong ito:
- Dalisay na pananagalog
- Kawalan o kakulangan ng matayog na imahinasyon
- Paggamit ng 16 na pantig na sinimulan ni Benigno R. Ramos
- Paggamit ng 18 pantig na nauna nang ginamit ni Francisco Baltazar at ipinalaganap lamang nina Ramos at Pedro Gatmaitan
- Pagtatakda ng mahigpit na patakaran sa pagtula, partikular sa pagkakapareho ng diin ng mga huling pantig ng bawat taludtod
1916 – 1935
Ang yugtong ito ay tinaguriang panahon ng kapisanan ng Ilaw at Panitik na kinabilangan nina Jose Corazon de Jesus, Cirio H. Panganiban, Deogracias A. Rosario, Amado Hernandez, Guillermo A Holandez, at iba pa. Ang paglabas ng magasing Liway, way ang siyang higit na nagpasigla sa panitikan ng Pilipinas, partikular sa tula. Ang panahon ng Ilaw at Panitik ang itinuturing na ginintuang panahon ng panulaang Tagalog. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng tulang Tagalog sa panahong ito:
- May mas malawak na imahinasyon
- Paggamit ng ibait ibang sukat sa mga taludtod (halimbawa nito ang “Three o’Clock in the Morning” ni Panganiban)
- Pagiging karaniwan ng mga tulang ang paksa ay pag-ibig
- Pagiging labis na sentimental
- Lantarang pangangaral (na lalong Milalantad sa paglalagay ng mga salitang tulad ng “Aral” at “Diwa” sa hulihan ng tula)
- Pagiging de-kahon ng mga pangungusap, maliban sa mga tula ng ilang makata
1936
Pagsiklab ng Digmaan. Ang yugtong ito ay saksi sa pagrerebelde sa panulaan ng kabataang makata na nakatuntong sa unibersidad. Naghihimagsik sila laban sa estriktong patakaran sa pagtula na nakasalig sa tugma, sukat, at diin. Sa yugtong ito tunusbong ang malayang taludturan. Pinangunahan ito nina Alejandro G. Abadilla, Saivador R. Barros, Ruben Vega, Gonzalo K. Flores, Fernando Monleon, at iba pang kabataang may bantang “magpasikat” (Agoncillo, 1970, p. 240). Ang mga sumusunod ay mga katangian ng tulang Tagalog sa panahong ito:
- Malaya ang pagkakasulat ng tulang iba-iba ang., mga pantig ng mga taludtod.
- Nagsimula ang tinatawag na malayang taludturan.
- Namayani ang matalinghagang pananalita.
- Nagtangkang maging vnatipid at matimpi sa mga pangungusap at sa pagtalakay sa mga paksa.
- May pagkakataong magulo ang paglalarawan sanhi sa paghahangad na maging makulay ang larawan.
Panahon ng Hapones hanggang 1950
Ayon kay Agoncillo (1970, p. 240), ang ikaapat na panahon ng panulaang Tagalog ay “panahon ng pamanlayani ng rnalayang taludturan at ng kawalan ng katapatan.” Sa yugtong ito, tuluyan nang kumawala at lumayo ang ilang makata, lalo na ang kabataan, sa mahigpit na kumbensiyon ng tulang Tagalog.
Ang Kumbensiyon ng Malayang Taludturan
Sa kaniyang panayam para sa mga bagong kasapi ng organisasyong Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA), inisa-isa ni Roberto Añonuevo (2010) ang mga maituturing na kumbensiyon ng malayang taludturan ayon sa (1) taludtod at saknong, (2) estruktura o balangkas, at (3) nilalaman.
Ayon sa Taludtod at Saknong
Ang haba ng taludtod ay nakadepende sa balangkas at disenyo .at kung paano dinidiinan ang ritmo at himig. Ang tulang may malayang taludturan ay maaari ding magtaglay ng isa o higit pang mga saknong. Upang mabalanse ang arkitektura ng tula, maaaring lumikha ng sirnetriya sa mga saknong, bagaman walang sinusunod na mahigpit na sukat ang mga taludtod (halimbawa, kung pitong taludtod ang bumubuo sa unang saknong, pitong taludtod din ang bubuo sa ikalawa o mga kasunod na saknong).
Sa ilan namang malayang taludturan, higit na isinasaalang-alang ang tinig ng persona kaysa sa simetriya ng mga saknong. Maaaring hatiin ang tula sa mga yugto kung mahaba ito. Maaaring tumayong mag-isa ang bawat yugto. Ang saknong ay tila talata sa mga tulang tuluyan. Maaaring isang talata lamang ang tula.
Ayon sa Estruktura o Balangkas
Ayon kay Añonuevo, pinahahalagahan sa malayang taludturan ang mga tunog ng dulong salita ng bawat taludtod; pinipili ng makata ang mga salitang maiindayog ang tunog. Katulad ng mga tradisyonal na tula, hindi nawawala ang ritmo sa malayang taludturan. Maaaring makalikha ng ritmo sa pamamagitan ng pag-uulit ng mga diwa at salita. Karagdagan, iniaangkop sa persona, himig, at tinig ng tula ang paglalahad, pangangatuwiran, o paglalarawan. Maaaring idisenyo ang hitsura ng saknong sa anyong ipinahihiwatig ng kabuuan ng tula (concrete poetry). Halimbawa, kung ang tula ay tungkol sa alupihan o bangka, maaaring ayusin na hitsurang alupihan o bangka ang saknong. Sinematograpiko rin ang punto de bista sa malayang taludturan.
Ayon sa Nilalaman
May organikong anyo ang tulang may malayang taludturan. Ibig sabihin, ang balangkas ay natural na sumisibol mula sa paksa at sa mga paraang ginamit ng makata. Ang organikong anyong ito ang nagsisilbing gabay sa retorika ng tula. Nagtataglay rin ang malayang taludturan ng lirisismo. Nakapagpapatindi ng damdamin ang lirisismong nakakiling sa indayog ng tunog ng bawat salita sa taludtod.
Nagtataglay ang rnalayang taludturan ng talinghaga at kariktan—ang pinakakaluluwa ng tula—at karaniwang kumbersasyonal ang himig ng persona. Maaaring luminang ng isang imahen sa loob ng tula. Kapag tinalakay o itinanghal ang imaheng ito sa kakaibang anggulo, nagkakaroon ng sariwa o bagong pagtanaw rito. Halimbawa ng malayang taludturan ang “Three O’Clock in the Morning” ni Cirio H. Panganiban.
Sinuri ang tulang ito ng Pambansang Alagad ng Sining na si Virgilio Almario. Isa sa mga ginamit niya sa pagsusuri nito ang Pormalismo o pagbasang nakatuon sa anyo ng akda, mga elemento nito, at mga teknik sa pagbuo nito. Ito ang ilan sa mga obserbasyon ni Almario (2006):
- Binuo ang tula bilang dula ng pag-ibig na may tatlong yugto.
- Nagbago ang atmospera mula sa “bombilyang… nagkislap-kislap” (masigla) hanggang sa “bombilya’y kusang pumipikit” (malungkot).
- Napatingkad ng matipid at mapahiwatig na metonimi ang dramatikong daloy ng tula.
- Tinatanihan ang metonimi ng kalugod-lugod na personipikasyon.
- Umaangat ang mga talinghagang pangmata at pantainga.
- Kumakapal ang testura ng tula dahil sa alusyon (maaaring ikompara ang tula sa “Three o’Clock in the Morning” na popular na awit bago ang digmaan, sa mga teknik sa sinematograpiya, at sa iba pang kahawig na katha).
Basahin ang “Sa Kampanaryo” (2010) na isa ring mabuting halimbawa ng akdang nagpapakita ng kumbensiyon ng malayang taludturan.
Enjambment
Maidaragdag sa mga naunang nakalista ang kumbensiyong nauukol sa enjambinent o ang paghahati ng taludtod na nagpapatuloy ang isang sintaktikong yunit (parirala, sugnay, o pangungusap) mula sa isang taludtod patungo sa susunod na taludtod. Katulad ng iba pang elemento ng tula, maingat ang makata sa paggamit nito, kahit na sa malayang taludturan. May ilang taludtod na humihinto sa dulo nito, katulad ng paghinto sa isang pangungusap sa isang normal na pakikipagtalastasan. Karaniwan din itong nilalagyan ng bantas, senyal na kailangang hurninto.
Halimbawa nito ang unang dalawang taludtod ng unang saknong ng “Sa Kampanaryo” ni Monteseña: “Iba ang tunog ng batingaw ngayon sa kampanaryo. /Marahil dahil sa ibang tao na ang humihila ng lubid.”
Mas mahirap na kasangkapang pampanitikan ang enajambinent. Kung matatandaan mo ang itinuro sa iyo ng iyong guro sa gramatika, kailangan mong hatiin ang mahahabang pangungusap upang maiwasan ang kalituhan. Ganito din ang paggamit ng kasangkapang ito sa pagsulat ng tula. Sa malayang taludturan, karaniwang hinahayaan ng makata na dumaloy ang diwa mula sa isang taludtod patungo sa kasunod na taludtod upang mabuo ito.
Tingnan naman ang huling tatlong taludtod ng unang saknong ng tula ni Monteseña: “Noong ako ang may hawak nito ay tila akin / Ang buong bayan. At walang maaaring magsabi /Kung paano ko hihilahin at bubuuin ang alingawngaw.”
Kung hindi sapalaran o basta-basta ang pagpuputol ng mga linya, kailan ginagamit ang enjambment? Karaniwang ginagamit ang enjambment sa mga sumusunod:
- Mapanatiling konsistent ang ritmo at makalikha ng natural na tunog. (Sa pagtatakda ng ritmo, nagiging madulas ang pagbasa mula isang taludtod patungo sa kasunod nito.)
- Itakda ang bilis ng tula. (Ang biglaang putol ay nagpapabilis sa daloy ng tula; kailangang habulin ng nagbabasa ang diwa sa susunod na taludtod.)
- Sorpresahin ang mambabasa sa parnamagitan ng pagtatanim ng ideya sa isang taludtod na babaguhin o sasalungatin ng kasunod na taludtod. (May bahaging nagdudulot ng sorpresa ang enjambment sa “The Girl” ni Ezra Pound. Makikita ito sa linya 3 at 4 kung saan tila naisasama pababa ang mambabasa.)
- Hatiin ang mga kaisipan, depende sa tema o ideyang nais idiin ng makata
Makadaragdag ng kaalaman at makatutulong sa paghahasa ng kasanayan sa pagsulat ng malayang taludturan ang mga sumusunod na babasahin:
- Agua (2015) ni Enrique Villasis
- Sa Ilalim ng Pilik (2015) ni Charles Bonoan Tuvilla
- Pesoa (2014) ni Mesandel Virtusio Arguelles
- Pagluluno at Iba pang Tula (2010) ni Francisco Arias Monteseña