Makikilala ang kultura ng isang bansa sa pamamagitan ng mga akdang pampanitikan na sumasalamin sa mga paniniwala, tradisyon, pamumuhay, at kasaysayan ng mga mamamayang naninirahan dito.
Dahil mahalaga ang kabatiran sa kultura ng isang bayan upang maayos na makapamuhay ang mga naninirahan dito, kinakailangang maibahagi ang mga nilalaman ng mga akdang ito sa mga mamamayan upang maisabuhay ang anumang mga paniniwalang kaakibat ng kanilang pananagutan bilang mga mamamayan ng kanilang bayan. Ang abstrak na iyong mababasa ay may kaugnayan sa pagsusuri sa panitikang bayan ng mga Aeta sa Zambales at kung paano magagamit ang mga ito upang maging bahagi ng kanilang rehiyonal na panitikan.
PAGSUSURI NG MGA ISINALING PANITIKANG BAYAN NG AETA SA ZAMBALES TUNGO SA PAGKAKAROON NG REHIYUNAL NA LITERATURANG FILIPINO
— Beverly I. Agustin. PhD
Panimula
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay mailahad at masuri ang 20 piling panitikang bayang popular sa mga Aeta ng Zambales at masuri kung ang mga isinaling panitikang bayan ay magiging basehan para sa pagkakaroon ng rehiyonal na literaturang Filipino.
Mga Suliranin
Upang mabigyang-kalinawan ang isinagawang pag-aaral sinagot ang mga tiyak na katanungan:
- Ano-ano ang uri ng panitikang bayang popular ng mga Aeta ng Zambales na may tuon sa:
- Kaugalian
- Karanasan
- Ano-ano ang paksa ng 20 panitikang bayang popular ng mga Aeta sa Zambales tulad ng:
- Ang Kabayo at ang Tationg Babae
- Bakit Mayroong Tao sa Buwan
- Paulit-ulit na Pangyayari
- Ang Suso at ang Tutube
- Ang Hipon at ang Pugo
- Ang mga Taong May Kuiot at Unat na Buhok
- Ang Bubuli at ang Daga
- Ang Sandok na Kawayan at Ang Kalabaw
- Ang Mga Unggoy at mga Daga
- Ang Mag-asawang May Dalawang Anak
- Ang Paglalakbay sa Davao
- Ang Pangangaso
- Ang Pangangaso Kasama ang mga Aso
- Ang Pagdalaw sa Bukid
- Ang Galit
- Ang Mangangasong Nasiraan ng Loob
- Ang Pagbabantay
- Ang Pangangaso sa Pamamagitan ng Sulo
- Nang Sumabog ang Mt. Pinatubo
- Sumabog Na ang Mt. Pinatubo
- Ano-ano ang kahaiagahang pantao ng mga Aeta na’nakatuon sa:
- Katatagan
- Pagsisikap
- Ano-anong kahalagahang pangkabuhayan ng mga Aeta ang matatagpuan sa kanilang panitikang bayan?
- Gaano kahalaga ang pagsasalin ng 20 maiikling kuwentong popular sa pagpapalaganap ng Literaturang Etniko?
Buod ng Natuklasan
Ayon sa mga datos na nakalap ng mananaliksik, ang sumusunod ang mga natuklasan:
- Natuklasan ng mananaliksik na ang bawat likha nilang kuwento ay punong-puno ng magagandang kaugalian at karanasan ng ating mga ninuno.
- Magagamit ang mga paksa ng 20 piling panitikang bayang popular sa mga Aeta na Zambales ng iba pang mananaliksik ng wika hindi lamang dito sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa.
- Ang bawat kuwento ay may kani-kaniyang kahalagahang pantao na nakatuon sa katatagan at pagsisikap ng mga Aeta ng Zambales na nagsisilbing gabay para sa kanilang matiwasay at maunlad na pamumuhay.
- Ang kabundukan at kagubatan ang pinagkukunan ng pangkabuhayan ng mga Aeta sa pamamagitan ng pagsasaka at pagtatanim ng iba’t ibang pananim katulad ng palay, mais, kamoteng baging, kamoteng kahoy, gabi, at iba pang mga pananim sa tulong ng kanilang kalabaw at araro. lkinabubuhay rin nila ang panghuhuli ng baboy ramo, mga ibon, labuyo, ahas, paniki, at musang sa pamamagitan ng busog at pana. Nanghuhuli rin sila ng palaka. Talagang masisipag ang ating mga katutubo dahil nagpapatulo sila ng pawis sa paghahanap ng pagkain.
- Ang pagsasalin ng 20 maiikling kuwentong popular ay mahalaga sa sumusunod na mga kadahilanan. Una, mapalalawak ang kaalaman sa mga panitikang etniko. Pangalawa, magagamit ang mga kuwentong etniko sa Zambales ng iba pang mananaliksik ng wika sa buong daigdig. Pangatlo, mapahahalagahan ang mga kaisipan ng mga ninuno na magsisilbing gabay sa mga kabataan sa kasalukuyan. Pang-apat. ang mga aral na nakapaloob sa bawat kuwento ay mahalagang basehan para sa magandang pag-uugali na maka-iimpluwensiya sa mga bumabasa. Panlima, magiging sangguniang aklat ito ng mga mag-aaral di lamang sa Hilaga kundi maging sa Timog na bahagi ng bansang Pilipinas. Pang-anim. ang mga terminolohiyang ginamit ng mga pangunahing tauhan sa bawat kuwento ay malaking karagdagan sa pagpapalawak ng wikang Filipino sa mga tribong etniko. Pampito, makatutulong ang pag-aaral na ito sa pagpapalawak ng kaaiaman at sa pagpapahalaga sa mga ito. At panghuli, kakikitaan ng kahalagahang pantao, pangkabuhayan, at paniniwala.
Kongklusyon
Pagkatapos ng maingat o masusing pag-aaral at pagmamasid ay inilahad ang sumusunod na mga kongklusyon:
- Ang mga isinaling popular na panitikang bayan ng mga Aeta ay patungkol sa pang-araw-araw nilang pamumuhay, kapaligiran, at pakikibaka.
- Ang mga panitikang bayan ng mga Aeta ng Zambales ay malaking ambag sa mga mananaliksik ng wika sa buong Pilipinas.
- Ang mga nilalaman ng bawat kuwento ay makatutulong nang malaki at magiging basehan para sa magandang pag-uugali na maaaring maka-impluwensiya sa mga mambabasa.
- Ang mga ito ay tagapagpaalala ng mabubuting gawi ng ating mga ninuno na siyang gabay sa mga kabataan hanggang sa susunod na salinlahi.
Mga Rekomendasyon
Ayon sa kinalabasan ng pag-aaral at mga kongklusyong naitala, ang sumusunod ay itinatagubilin ng mananaliksik:
- Ang mga isinaling panitikang bayan ng mga Aeta ng Zambales ay dapat maging bahagi ng panitikan sa mga paaralan upang mabigyang-halaga, mapangalagaan, at mapanatiling buh4 ang panitikang etniko.
- Ang panitikang bayan ng mga Aeta ay dapat maisaaklat upang marami ang makaalam at makinabang sa panitikang kapupulutan ng aral.
- Ang mga panitikang bayan ng mga Aeta ay dapat pag-ukulan ng pansin upang maisama ito sa kurikulum.
- Ang panitikang bayan ng mga Aeta ay dapat maging tagapaghatid o tagapakilaia sa pinanggafingang lahi.
- Mahalaga ang pagsasalin ng maiikiing kuwentong popular sa pagpapayaman ng literaturang Filipino sa sumusunod na kadahilanan:
- Maisa-aklat ang nasabing pagsasalin.
- Mapayayaman ang literaturang etniko sa Pilipinas.
- Mapahuhusay ang kanilang kaalaman sa wikang pambansa.
- Madaragdagan ang kanilang bokabularyo.
- Magagamit na sangguniang aklat ang mga ito ng mga mag-aaral ng panitikan.
- Mapalalawak ang kaalaman ng mga mag-aaraf tungkol sa iba’t ibang tribong etniko sa bansa.
- Magiging gabay ang maiikling kuwentong isinalin sa pamumuhay ng mga Pilipino lalo na ng mga kabataan.
Sanggunian: MLQU Research Journal, MLQU School of Graduate Studies 2003-2005