Pagwawasto ng Isinulat na Papel

Ayon sa ilang dalubhasang manunulat, “the foundation of a writer is his cultural knowledge of writing.” Mahalagang salik sa maunlad na pagsulat ang institusyong pinagmulan ng mag-aaral sa tulong ng mga taong kanyang nakakasama at nagtuturo. Gayundin, ang mga kaasaian, gawi, at tradisyon ay yamang mapagkukunan ng mga impormasyon sa kanyang pagsusulat.

Marapat na maipadama at matutuhan ang wastong impormasyon sa pagsulat ng mga mag-aarai mula sa mabuting paggabay ng guro. Nararapat na matutuhan nila ang wastong pagbasa at pagwawasto ng kanilang isinulat na papel o manuskrito.

Hindi kaila na maraming kabataan ang nangangarap maging manunulat. Ang pagsusulat ay hindi gawain na basta lamang ginagawa. Kung madali lamang ang magsulat, marami na siguro ang nagtangkang pasukin ang ganitong larangan para lamang madagdagan ang kitang sapat lamang dito sa bansang Pilipinas.

Isa sa mahalagang pagdadaanan ng isang manuskrito ay ang tinatawag na proofreading. Kailangan ito upang makasiguro na malinis at kanais-nais na mailalathala ang akda.

Isinasaalang-alang ng isang proofreader ang sumusunod na pagwawasto sa teksto:

1. Ispeling

Kadalasan, kapag ang teksto ay nakasulat sa wikang Filipino, ay nag-o-autocorrect ang function sa kompyuter kung kaya’t binabago ng word processor ang ispeling ng mga salita. Maaari din namang sa paraan ng pagsulat ng may-akda kung minsan, lalo na kung unang pagtatangka pa lamang ang isinumiteng manuskrito ay may makikitang pagkakamali sa ispeling. Madalas ang ganitong sitwasyon sa mga manunulat na tuloy-tuloy lamang ang pag-e-encode ng mga salita dahil tuloy-tuloy din ang dagsa ng ideya sa kanyang isipan.

2. Diwa ng akda

Kinakailangang ang proofreader ay nagtataglay ng matalas na paningin sa pagbasa ng teksto kapag nagmamarka at kinakailangang kaunti na lamang o mangilan-ngilang pagwawasto na lamang ang dapat gawin matapos itong dumaan sa editing. Mabigat na gawain sa pag-e-edit ang pagsuri sa diwa ng akda. Dito nalalaman kung makabuluhan ba ang laman ng akda o hindi at kung magkakasilbi ba ito sa babasa.

3. Anyo ng akda o teksto

Ang pisikal na anyo ng teksto ay nakikita sa uri ng tipo o font. Kailangang masunod ang wastong pamantayan para sa uri ng publikasyong ilalathala. Binibigyang-pansin ng proofreader ang wastong gamit ng malaking titik at maliit na titik at kung italiko o hindi ang mga hiram na salita. Sinisiyasat din niya ang pahina at tumatakbong pang-ulo (running head) na dapat ay sunod-sunod ang mga pahina ng teksto at nailalapat nang wasto.

Tinitiyak din niya ang wastong espasyo sa bawat salita at linya. Gayundin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga bahagi ng teksto para sa isang publikasyon.

Mga Simbolong Ginagamit sa Pagwawasto ng Sinulat na Papel o Teksto

Kinakailangan ang masusing pagsisiyasat dito dahil .ang isang maliit na pagkakamali lamang sa simbolo o bantas ay maaaring makapagpabago sa kahulugan ng mga pahayag.