Sa nakaraang post, sinimulan mong pag-aralan ang mga gamit ng wika. Itutuloy natin sa post na ito ang iba pang gamit ng wika ayon pa rin kay Roman Jacobson. Basahin ang mga sumusunod na diyalogo.
DIYALOGO 1
Thelma: Uy, napansin mo ba?
Bea: Ang ano?
Thelma: Si Sol. Kanina pa siya tahimik. Parang malungkot siya.
Bea: Napansin ko rin nga. Baka may sakit siya o kaya baka may problema. Halika, lapitan natin siya.
Thelma: Sol, kumusta ka? Masama ba ang pakiramdam mo?
Bea: May problema ka ba? Baka makatulong kami.
Sol: Naku, wala! Wala akong sakit at wala rin akong problema. Napuyat lang ako kagabi sa pagsulat ng term paper natin.
Thelma: Hay… pare-pareho pala tayo. Kami rin ni Bea napuyat sa pagtapos ng term paper.
Bea: Oo nga! Mabuti naman, Sol, at okey ka lang.
Sol: Oo, okey lang ako. Salamat sa inyong dalawa, ha.
DIYALOGO 2
Myrna: Hindi pa rin natatapos ang giyera sa Mindanao.
Lito: Sinabi mo pa. Nalulungkot talaga ako sa nangyayaring iyan. Natatakot ako na baka lumala pa ang giyera. Sana huwag naman. Maraming masasayang na kabuhayan.Tiyak na lalaganap ang kahirapan sa Mindanao.
Myrna: Hindi lang lyan! Ako nga awang-awa sa mga namamatayan ng mahal sa buhay. Lalo na ‘yung mga batang nawawalan ng magulang. Kawawa talaga sila.
Lito: Sana magawan ng paraan ng pamahalaan na mahinto na ang giyera at nang magkaroon na ng tunay na kapayapaan sa Mindanao.
Myrna: Ipagdasal natin ‘yan.
DIYALOGO 3
Doris: Sayang talaga! Hindi ako nakapanood ng concert ng One Direction. Sobrang mahal naman kasi ng tiket. Paboritong-paborito ko pa naman sila.
Ester: Ako naman, kahit may pera akong pambili, hindi pa rin ako manonood ng concert na ‘yan.
Doris: Bakit naman?
Ester: Hindi ako rriahiiig sa foreign artists. Mas gusto kong tangkilin ang mga kanta at concert ng local artists natin. Sila ang mas pinanonood ko.
Doris: Talaga? Palagay ko, kani-kaniya naman talagang hilig Iyan. Basta ako, kahit foreign o local basta gusto ko ang mga kanta, nagiging paborito ko.
Matutukoy mo ba ang mga gamit ng wika sa mga diyalogo sa itaas? Balikan mo ang mga pahayag na ito sa Diyalogo 1:
“Uy, napansin mo ba?”
“Kumusta ka?”
“Masama ba ang pakiramdam mo?”
“May problema ka ba?”
Nagtatanong o nagbubukas ng usapan ang mga pahayag na ito. Ginagamit natin ang wika bilang panimula ng usapan. Kapag may nakasalubong tayong kaibigan, binabati natin ito at madalas ay tinatanong ng, “Saan ang punta mo?” o kaya ay, “May lakad ka yata?”
Basahin mo muli ang mga pahayag na ito mula pa rin sa Diyalogo 1:
“Baka makatulong kami.”
“Mabuti naman, Sol, at okey ka lang.”
Nagpapakita naman ng mabuting pakikipagkapuwa-tao o pakikipag-ugnayan sa kapuwa ang mga pahayag na ito. Madalas kaysa hindi, nais ng bawat isa sa atin na magka-roon ng maganda at matatag na relasyon sa ating kapuwa. Halimbawa, kapag may kakilala tayong maysakit, sinasabi natin ang, “Sana gumaling ka agad” o kaya ay, “Magpagaling ka.” Kung may mangingibang-bayan, sinasabi natin ang, “Sana maging ligtas ang inyong pag-lalakbay.” Kung may dumating naman mula sa paglalakbay, sinasabi nating, “Salamat at nakarating kayo nang ligtas.”
Ang mga pahayag na nagbubukas ng usapan gaya ng, “Kumain ka na?”; mga pahayag na nagpapatibay ng ating relasyon sa ating kapuwa gaya ng, “Natutuwa talaga ako salyo!”; at mga ekpresyon ng pagbati gaya ng, “Magandang umaga!”, pagpapaalam gaya ng, “Diyan na muna kayo, uuwi na ‘ko.” ay phatic na gamit ng wika.
Karaniwang maiikli ang mga usapang phatic. Sa Ingles, tinatawag itong social talk o small talk. Sa isang pag-uusap, ang bahagi lamang ng pagbubukas ng usapan ang phatic. Ang iba pang pag-uusapan pagkatapos ay hindi na kasama sa phatic na gamit ng wika. Kung minsan din, hindi nangangailangan ng sagot ang mga tanong na phatic katulad ng, “Kumusta ka?” lalo na kung ito ay ginamit lamang natin bilang pambati sa isang kakilala.
Balikan mo naman ang usapan sa Diyalogo 2:
“Nalulungkot talaga ako sa nangyayaring ‘yan.”
“Natatakot ako na baka lumala pa ang giyera.”
“Ako nga awang-awa sa mga namamatayan ng mahal sa buhay.”
Mababasa sa diyalogong itoang mga salitang nagpapahayag ng damdamin o emosyon gaya ng lungkot, takot, at awa. Sa pang-araw-araw nating pakikipagkomunikasyon, may mga pagkakataong naibabahagi natin ang ating nararamdam o emosyon sa ating kausap.
Madalas nating masabi ang masaya ako, galit ako, nahihiya ako, kinakabahan ako, at iba pa. Sa mga sitwasyong sinasabi natin ang ating nararamdai-nan, emotive ang gamit natin ng wika.
Basahin mo ulit ang mga pahayag na ito mula sa Diyalogo 3:
“Paboritong-paborito ko pa naman sila.”
“…kahit may pera akong pambili, hindi pa rin ako manonood ng concert na ‘yan.”
“Hindi ako mahilig sa foreign artists.”
“Mas gusto kong tangkilin ang mga kanta at concert ng local artists natin.”
“Palagay ko, kani-kaniya naman talagang hilig ‘yan.”
Ano ang kapansin-pansin sa mga pahayag na ito? Ano ang ipinahihiwatig ng mga pariralang “paborito ko,” “hindi ako mahilig sa…,” “gusto ko ang …,” at “palagay ko”? Ang mga ito ay halimbawa ng mga personal na pahayag, opinyon, o saloobin.
Hindi maiiwasan sa pakikipag-usap na nababanggit natin ang ilang bagay tungkol sa ating sariling paniniwaia, pangarap, mithiin, panuntunan sa buhay, kagustuhan, mga bagay na katanggap-tanggap sa atin, at marami pang iba. Sa ilang usapin, personal man o panlipunan, nababanggit natin ang ating mga saloobin o kabatiran, ideya, at opinyon. Sa mga usapang ganito, expressive ang gamit nating wika.
Ang expressive na gamit ng wika ay nakatutulong sa atin upang mas makilala at maunawaan tayo ng ibang tao. Gayundin sa pagbuo ng isang kaaya-ayang relasyon sa ating kapuwa.