Para sa ilang kritiko, problematiko ang pormalismo sa panitikan. Unang-una, ang panitikan ay hindi isang bagay na palutang-lutang sa kawalan; mayroon itong kinakapitan, sinasabitan, dinidikitan, pinapatungan, at pinag-uugatan. Mayroon itong kasaysayan at produkto ito ng lipunang pinag-iiralan nito. Kung gayon, mahalaga ding isaalang-alang sa pagsulat at pagbasa hindi lamang ang mga elementong bumubuo sa akda, kundi ang mga salik na nakaiimpluwensiya sa paglikha nito at mga bagay na naiimpluwensiyahan nito.
Para sa rnga pormalista, ang masining na panitikan ay iyong may maringal na paksa at engrandeng porma. Ngunit ang pagbibigay-diin sa porma ay nagdudulot ng unti-unting paghina ng nilalaman at paglalayo ng panitikan sa mga mambabasa. Para sa mga kritiko ng pormalismo, ang pinakamataas na uri ng panitikan ay iyong sumasayad sa lupa upang rnaabot ng nakararaming mambabasa. Pinaniniwalaan din nilang dapat bumaba ang mga manunulat at kritiko sa toreng garing at pagnilayan kung para ba kanino ang panitikan.
May ilang kritikong dahil sa pagpabor sa porma, nagiging mas espesyalisado ang mga akda ‘at Ialong tumitirrdi ang paghihiwalay ng panitikan at lipunan, “na sumasagka sa pagunlad ng panlipunang kamalayan o paglawak ng ating pag-unawa. Nakauungos ang mga materyalista at indibiduwalistang pagpapahaIaga. Sa mga artistang walang talento, ang produksiyon ng sining ay nakatuon na Iamang sa teknik at displey ng kakayahan. Ito ang sosyokultural na konteksto ng pormalismo sa sining” (De Leon, 2011).
Dahil ang tuon ng mga pormalistang manunulat at kritiko ay hindi sa nilalaman kundi sa porma (na nagiging teknikal na husay na lamang), natutunaw ang panlipunang kabuluhan at kahalagahan ng panitikan. Tumitindi ang obsesyon nito sa sarili kaya narnan ang nakauunawa lamang dito ay ang manunulat nito at mga dalubhasa sa panitikan.