More

    Sa Kampanaryo ni Francisco Arias Monteseña

    Iba ang tunog ng batingaw ngayon sa kampanaryo.
    Marahil dahil sa ibang tao na ang humihila ng lubid.
    Noong ako ang may hawak nito ay tila akin
    Ang buong bayan. At walang maaaring rnagsabi
    Kung paano ko hihilahin at bubuuin ang alingawngaw.

    Marahil dahil sa iba na ang may tangan sa lubid
    Kaya’t nagugulat ang ibang nakaririnig
    Sa ibang tunog na nalilikha ng kampana.
    May nabubuong inggit sa aking tainga.
    Tuwing ripikal ng rnisa o orasyon sa alas-sais ng hapon.

    Noong ako ang may hawak ng lubid,
    Akin ang bawat tunog, akin ang bawat musika
    Gaano man kalagong o katinis ang kalembang,
    At nag-uunahan ang mga relihiyosong paa
    At banal na uio sa pagpasok sa simbahan.

    Akin ang buong bayart, at hawak ko
    Sa sigabo ng bawat dupikal
    ang lahat ng nais mangumpisai.
    Noon ay ako ang kampanerong inaarno
    Ng toreng ginagapangan ng dulas.

    Doon ako nahulog.
    Noon ako nabingi.
    Saka ko namalayan matagal
    Na pala akong alipin ng dagundong.

    - Advertisement -
    RELATED CONTENTS
    - Advertisement -
    POPULAR FROM THIS CATEGORY
    - Advertisement -