Pagbuo ng Pansamantalang Balangkas para sa Pananaliksik
Bagama't hindi pa pinal ay mahalaga ang pansamantalang balangkas sa pagbibigay ng direksiyon sa mananaliksik. Mula rito'y makikita niya kung ang mga ideya ay konektado sa isa't isa, kung maayos ang daloy ng bawat bahagi, at kung walang puwang o gap na dapat punan sa pagkakasunod-sunod ng mga ito.