Mga Uri ng Datos na Puwedeng Gamitin sa Pananaliksik
Sa qualitative research, maaaring ang datos na kinakailangan mo ay iyong nagsasalaysay o naglalarawan o pareho. Ang mga datos na may ganitong kalikasan ay tinatawag na datos ng kalidad o qualitative data. Sa quantitative research naman, karaniwan itong nangangailangan ng datos na numerikal na ginamitan ng mga operasyong matematikal. Ang mga datos na ito ay tinatawag na datos ng kailanan o quantitative data.