Pagsulat ng Pinal na Sulating Pananaliksik
Tandaang may tatlong bahagi ang sulating pananaliksik: ang introduksiyon, katawan, at kongklusyon. Mas maikli ang introduksiyon at kongklusyon kaysa katawan, sapagkat ang katawan ay binubuo ng mga bahaging tumatalakay sa iba't ibang kaisipan.