Ang Tagalog, Sinugbuanong Binisaya, Ilokano, Hiligaynon, Samar-Leyte, Pangasinan, Bikol, at iba pa ay mga wika, hindi diyalekto at hindi rin wikain (salitang naimbento upang tukuyin ang isang wika na mas mababa kaysa sa iba). Ang diyalekto ay nangangahulugang varayti ng isang wika, hindi hiwalay na wika. Kapag hindi nagkakaintindihan ang dalawang nag-uusap na gumagamit ng magkaibang wika, ibig sabihin, bawat wikang ginagamit nila ay hiwalay na wika.
Ang halimbawa ng diyalekto ay ito: Ang mga nagsasalita ng isang wika, batay sa lugar na pinanggalingan, ay maaaring magkaroon ng bahagyang pagkakaiba sa bigkas, pag-gamit ng panlapi, o ayos ng pangungusap. Dahil dito, may tinatawag na Tagalog-Bulacan, Tagalog-Cavite, Tagalog-Metro Manila, at iba pa. Ngayon, dahil maraming gumagamit ng pambansang wika na galing sa iba’t ibang rehiyon, nagkakaroon na rin ng iba’t ibang diyalekto ng Filipino, tulad ng Filipino-Ilokano, Filipino-Hiligaynon, at iba pa, na bawat isa ay nagpapakita ng natatanging pagkakakilanlan ng unang wika ng tagapagsalita ng Filipino.
Bernakular ang tawag sa wikang katutubo sa isang pook. Hindi ito varayti ng isang wika tulad ng diyalekto, kundi isang hiwalay na wika na ginagamit sa isang lugar na hindi sentro ng gobyerno o ng kaiakai. Tinatawag din itong wikang panrehiyon.